ONCE UPON A TIME IN VALENTINE

7K 95 29
                                    

ONCE UPON A TIME IN VALENTINE

~( WALANG KINALAMAN SA KWENTO. GAWA-GAWA LANG. PWEDE NAMAN, EH. HAHA! SPECIAL CHAPTER PARA SA ARAW NG MGA PUSO )~

> NATE’S POV <

Nagising ako sa ospital. Di ko magalaw ang buo kong katawan. Ramdam ko ang paninigas at pamamanhid sa kabuuan ko. Sabi ng duktor, dulot yun ng tinurok na anestisya sa’kin. Maraming bali ang aking katawan. May mga malalang sugat na di alam kung paano ko natamo. May malaking hiwa rin ako sa likod ko at tiyan na kailangan tahiin. Maraming dugong nawala sa akin at isang himala na ako’y nabuhay.

Tinatanong ako ng mga imbestigador kung anong nangyari nang gabing yun sa school pero wala akong maisagot. Pagdaloy ng walang patid kong luha ang aking naging tugon. Valentine’s day na nauwi sa Bloody day. Madugong araw ng mga puso na sana’y panaginip nalang at hindi totoo.

~~~

)[ VALENTINE’S DAY <3 <3 <3 ](

“Bro, saan kayo ni Chelsa mamayang gabi?” tanong sa’kin ni Jasper sabay akbay sa’kin. Narito kami sa roof top ng tropa – si Jasper, ako, si Edward, Karl, Kyle at Zab, kasama sina Kristan, Awin, Arvin at Melcho. All boys lang. Yosi break kasi sila. Ako, syempre good boy kaya Stick-o lang.

“Wag kang magulo, iniisip ko pa!” sabi ko at inalis ko ang pagkakaakbay sa’kin ni Jasper.

“Weh?” si Edward at ginulo ang buhok ko. “Wala ka namang alam sa ganyan.” At nangmaliit pa.

“Loko ka, hah!” sagot ko nalang.

“Mga ‘tol. Nabalitaan niyo ba yung kwento nung nag-resigned na janitor?” si Kristan. Tanong niya pagbuga niya ng usok ng sigarilyo at parang kay lalim ng iniisip.

“Alin yung tungkol sa babaeng nagmumulto dito sa school, sa tuwing Valentine’s day? Na nagpakita daw dun sa janitor kaninang umaga?” tanong ni Edward. Kanina may usap-usapan dito sa school tungkol kay manong janitor na kumaripas ng takbo. Nang tinanong ng gwardya, nakita niya daw yung multong babaeng estudyante.

“Oo.” Sagot ni Kristan.

“Naniniwala ka dun?” natatawang tanong ki Kyle.

“Ano, naniniwala ka nga?” tanong ni Karl nang di sumagot si Kristan.

“Di naman totoo ang mga multo. Energy lang yun na nabuo ng emosyon.” Si Zab.

Muling humithit ng yosi si Kristan bago sumagot. “Pa’no kung totoo? Pa’no kung nagpapakita talaga sila at nakakausap pa?” sabi niya na di parin mawala ang tila kay lalim na iniisip.

“Gumagana nanaman ba, ‘tol ang third eye mo? Nararamdaman mo siya?” tanong ni Awin.

“May third eye ka?” gulat na tanong ko.

Tahimik lang si Kristan. “Mga ‘tol, laging nakakaramdam ng multo yan. Minsan nagpapakita pa sa kanya.” Si Arvin ang sumagot.

“Akala namin noon, nagbibiro lang yan. Pero isang gabi, galing kami sa birthday ng isang barkada namin, naglalakad kami nun sa kalsada pauwi, biglang tumigil yan. May nakita daw siyang babaeng duguan na puno ng saksak na naglalakad kasabay namin. Pinagtawanan namin siya. Sabi niya pa may kulay ang buhok ng babae tapos dilaw ang damit. Sabi daw ng babae sa kanya, sinaksak siya ng snatcher. Paglakad pa namin, sa kanto lang paliko sa street namin, may pinagkakaguluhan. Babaeng pinatay ng snatcher. Dilaw ang damit, may kulay ang buhok at tadtad ng saksak. Tinuro ng babae ang snatcher na isa sa mga nandun na nakikiisyuso. Nahuli yung gago dahil kay Kristan, dahil tinuro nung multo.” Si Melcho ang nagtuloy ng kwento at inakbayan niya si Kristan. Si Kristan seryoso parin ang mukha.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now