Kabanata 36

61 0 0
                                    

"Kumain kapa, Nicky," sabi ni Nerd at inabot ulit sakin ang isang platito na naglalaman nanaman ng mga apple na hiniwa niya kanina.

"Hindi naman ako nagugutom," nakangiwing sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain na inaabot niya.

"Kailangan mong-"

"Isusuko ko lang naman lahat 'yan, Nerd."

Napatigil siya sa pagpipilit sakin na kumain. Natahimik siya sandali at ngumiti din ulit.

"M-may gagawin muna ako ha? Babalikan nalang kita mamaya, kainin mo 'to, okay?" sabi niya bago tumalikod at umalis sa kwarto ko.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa pintuang dinaanan niya.

Isa siguro 'to sa ayoko. Yung magpanggap silang may gagawin para lang umiyak. Ayaw lang nilang ipakita sakin, akala nila hindi ko alam pero hindi naman ako gano'n kamanhid.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, pero mas nagulat ako ng makita kung sino 'yon.

"J-jett?"

Ngumiti siya sa akin, "Gising kana pala."

"P-paano-?"

"Punta tayong rooftop? Balita ko gusto mo nadaw umalis dito," natatawang sabi niya bago ipasok ang wheel chair.

Hindi niya manlang pinansin ang pagtatanong ko.

"Ayos lang ba yung pakiramdam mo? Sabihin mo sakin kapag may masakit," sabi nito habang tinutulak ang wheel chair ko.

Halos hindi ako humihinga sa sobrang kaba. Hindi makapaniwala na si Jett nga 'to.

Malakas na hangin ang sumalubong sa amin ng makarating kami sa rooftop.

"Jade.." narinig kong tawag niya, "Mahal kita."

Pakiramdam ko mas lalong lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"A-ano bang sinasa-"

"Kung iniisip mo na iiwan kita dahil lang sa may sakit ka, nagkakamali ka."

Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman gano'n kababaw yung nararamdaman ko, Jade."

Kinusot ko ang mga mata ko ng maramdaman ko na ang paghapdi non, senyales na iiyak na ako.

"Hayaan mo naman-"

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sakaniya. "B-bakit kaba nandito?"

"Alam ko na lahat, Jade," narinig ko ang pagkabasag ng boses niya. "Umalis si Divi kanina, alam mo 'yon? Pinigilan namin siya pero buo na yung desisyon niya."

Napangiti ako dahil sa narinig. Umalis si Divina.

Isa lang ang ibig-sabihin non, pinili na niya ang sarili niya. Pinakinggan niya yung sinabi ko.

"J-jett.."

"Pakiramdam ko bumalik yung sakit noong nakipag-break ka sakin."

"Tama na, Jett-"

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong nito, "Jade, bakit tinago mo sakin? Hindi ba ako mahalaga sa-"

"Jett!" medyo pasigaw na sabi ko. "Tapos na 'yon, bakit binabalikan-"

"Kasi para sakin hindi pa tapos!" sabi nito at hinarap ang wheel chair ko sakaniya. "Para sakin hindi pa tayo tapos." sabi nito bago tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Ano ba-"

"B-bakit, Jade? 'Yon lang naman yung tanong ko, eh. Bakit?"

"K-kasi gusto kitang sumaya, Jett! Hindi mo ba naiintindihan? Wala akong planong isalba yung sarili ko sa sakit na 'to! Wala akong planong magpagaling!" malakas na sigaw ko sakaniya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"A-ano?"

"Oo, Jett! Wala akong planong isalba yung sarili ko!" pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. "A-ang sabi ng Doctor, m-may chance na gumaling ako p-pero.."

"Pero ano?" tanong ni Jett.

"P-pero pwedeng bumalik! Makakaligtas ako pero babalik at babalik yung sakit ko! A-ayokong pahirapan ka kaya hangga't kaya ko pa tinigil ko na! M-may makikilala kapang..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at napahagulgol nalang habang takip-takip ang mga mata ko gamit ang palad ko. "P-pwede kapang maging masaya! Gusto kong maging masaya ka kapag dumating yung araw na kinakatakutan ko!"

"J-jade.." sabi niya habang tumutulo nadin ang luha sa mga mata.

Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Na kagaya ko, nahihirapan din siya.

"J-jett..hindi mo ba nakikita? Willing akong tiisin lahat ng sakit basta magiging masaya ka!" sigaw ko sakaniya. "Pero bakit...bakit hindi ka nalang makinig sakin?! Bakit ang tigas-"

"Dahil may sarili akong desisyon!" pagpuputol niya sa akin. "Alam ko kung anong gusto ko at kung anong ayoko! Pinakawalan mo ako pero anong nangyari?! Naging masaya ba ako?!" malakas na sigaw niya at napaluhod nalang sa harapan ko.

"J-jade kahit bitiwan mo ako, maghihintay padin ako sa pagbabalik mo.." umiiyak na sabi niya. "K-kung hindi ikaw, ayoko nalang magmahal ng iba!"

"Ibalik mo na ako sa kwarto ko," malamig na sabi ko.

"Mag-uusap tayo, Jade."

"Jett, ano ba-"

"Mahal kita pero may utak ako, may sarili akong desisyon at kung binabalak mo na iwasan o layuan akoㅡhindi mangyayari 'yon."

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

Hindi ba niya alam na anumang oras pwede na akong mawala? H-hindi niya ba alam na..

"H-hindi kaba natatakot na maiwanan ka, Jett?"

Tumitig siya sa mga mata ko, "Natatakot. Pero ikaw 'yan, eh. Kaya kahit nakakatakot, mananatili ako."

"Nababaliw kana ba? Pwede akong mawala-"

Umiling siya, "Walang mawawala."

"Jett, hindi na kakayanin ng-"

"Kakayanin mo."

Napatitig ako sakaniya. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi niya ba narinig yung sinabi ko kanina? Babalik at babalik ang sakit ko.

"Kayanin mo kasi...k-kasi hindi ko pa kaya," sabi niya at tumulo nanaman ang panibagong mga luha. "Mahal kita kaya kayanin mo."

Tumulo nadin ang mga luha ko. Paano niya nagagawang ipaglaban ako? Paano niya pa nakayanang lumaban para sakin? Ako mismo suko na.

"M-mahal kita, Jett," sabi ko bago humagulgol ng iyak. Halos hindi na makahinga sa kakaiyak.

Lahat ng inipon kong sakit, parang bumabalik lahat. Sobrang sakit na wala akong ibang magawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak. Parang bata na walang magawa kundi ang umiyak.

Niyakap niya ako, "Mahal kita, Jade. L-lalaban tayo..."

Tumango ako sakaniya.

"Mahal kita kaya 'wag mo muna akong iwanan.."

"N-natatakot ako, Jett. T-takot na t-takot."

Lalong humigpit ang yakap niya sakin. Ramdam ko ang panginginig ng mga balikat niya.

"N-natatakot akong mamatay. A-ayoko pa, Jett.." sabi ko habang umiiyak.

Hindi ko na alam kung paano ilalabas yung sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"A-ayoko pang mamatay, a-ayaw pa."

"Shh, hindi." sabi ni Jett at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. "Hindi ka mamamatay."

And today, May 28 at the rooftop. I'm finally home.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon