Kabanata 19

51 3 1
                                    

Nagising ako dahil sa matinding pagka-uhaw. Ang sakit ng lalamunan ko pati nadin ang katawan ko.

Tatayo na sana ako ng mapansin si Jiro, natutulog siya habang nasa gilid ng kama ko.

Napansin niya ata na may nakatingin sakaniya kaya unti-unti siyang gumalaw. Agad na nagtama ang tingin naming dalawa.

"Kamusta?" tanong niya sa akin.

Kung titignan si Jiro para siyang puyat na puyat. Nilibot ko ang tingin ko at napansin na siya lang pala ang nandito.

"Hinahanap mo si Shane?" tumango ako. "Bumili siya ng pagkain, eh."

"T-tu..tubig," namamalat ang boses na sabi ko.

Agad naman siyang tumayo at kinuhanan ako ng tubig. Agad kong ininom 'yon. Uhaw na uhaw ako na parang ilang araw akong hindi nakainom, sobrang sakit din ng lalamunan ko.

"B-bakit ka nga pala nandito?" tanong ko matapos niyang punasan ang bibig ko gamit ang panyo niya.

"Kasi nandito ka," sagot niya na parang wala lang. "Ang tagal mong tulog, ah."

"S-si Loisa?"

Parang hindi niya inaasahan ang tanong ko sakaniya. Umiwas siya ng tingin at maya-maya ay ngumiti sa akin.

"H-hindi ko alam, eh."

Nagulat ako, madalas silang magkasamang dalawa kaya imposibleng hindi niya malaman kung nasaan si Loisa.

"Gusto mo nabang kumain? Baka nagugutom kana, sandali," sabi niya at agad na umalis sa tabi ko.

Something's wrong here, something's not right. Iniiwasan niya ang tanong ko, umiiwas siya kaya siya umalis. Kaya gusto niya akong pakainin nalang para hindi na ako magtanong.

"Eto oh," sabi niya at inabot sa akin ang plato na may lamang pasta. "Ubusin mo ah? Para lumakas ka-"

"Jiro," napatigil siya sa pagsasalita. "May nangyari ba?" again, nag-iwas siya ng tingin.

Bumuntong hininga siya bago ulit tumingin sa akin. Ngumiti siya.

"Maayos ang lahat, Nicky," nakangiting sabi niya.

He's smiling as if nothing's wrong, but I know better. Alam ko, kaibigan ko siya kaya alam ko.

Ngumiti nalang din ako sakaniya at kumain na. Madami ang binigay niyang pagkain pero naubos ko ang lahat. Hindi ko alam pero parang ilang araw akong hindi nakakain sa sobrang gutom ko. Kulang nalang kainin ko ang lahat.

Nakatingin lang siya sa akin, inoobserbahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa klase ng tingin na binibigay niya kaya huminto ako sa pagkain at tinignan din siya.

"M-may problema ba?" tanong niya sa akin, nag-aalala. "Hindi mo ba gusto?"

Umiling ako, "Ayos kalang ba?"

Tumango siya at ngumiti sa akin.

"Oo naman," sagot niya.

"Bakit mo ako tinitignan?"

Napalunok siya. At sa pangatlong beses, umiwas nanaman siya sa akin ng tingin. Nakita ko kung ilang beses siyang napalunok kaya alam ko na, may mali talaga sakaniya.

"Jiro," tawag ko sakaniya pero nanatili siyang nakaiwas ng tingin sa akin.

Unti-unti nakita ko ang pamumula ng tenga niya. Nang lingunin niya ako ay nakita ko na namumula din ang ilong at ang mga mata niya ㅡnaiiyak siya.

"Jiro," tawag ko sakaniya, nag-aalala.

Umiling siya sa akin, ngumiti. Pero kasabay ng pagngiti niya ay ang pagtulo ng luha niya.

Sa unang pagkakataon, nakita ko si Jiro na umiyak sa harapan ko. Tumingala siya, pinipigilan ang pag-iyak.

"Hey," tawag ko sakaniya pero hindi siya natinag, nananatiling nalatingala habang tumutulo ang mga luha.

"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko sakaniya.

Ang kaninang tahimik na pagtulo ng luha niya ay unti-unting nagkaroon ng ingay. Palakas ng palakas ang iyak niya, hanggang sa yumuko nalang siya. Nanginginig ang mga balikat habang tinatakpan ng kamay niya ang buong mukha niya, tinatago sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat sa pakiramdam na marinig at makita siyang umiiyak.

Si Jiro 'yan, eh. Yung bestfriend ko.

Nakatingin lang ako sakaniya, unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sakaniya.

"J-jiro, ano ba!" sabi ko sakaniya.

Tumingin siya sa akin, tumutulo padin ang mga luha na agad niyang pinupunasan.

"K-kailan pa, Nicky?" tanong niya sa akin.

Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya kaya nakatitig lang ako sakaniya.

Nakatitig lang ako habang pilit niyang pinupunasan ang mga luha niya. Pero kahit na anong gawin niya, punasan man niya ng punasan ㅡwala pading nangyayari dahil habang tumatagal lalong dumadami ang luha niya.

"M-magsalita ka!" sigaw niya.

"A-ano ba-"

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Umiiyak padin siya kaya hindi ko alam kung anong dapat na gawin.

Ano bang nangyari?

Nagising lang ako naging ganito na siya?

"'Wag mo naman ako iwan, Nicky,"

Hindi ako makagalaw ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin.

May alam na ba siya?

"'Wag ka namang ganyan," sabi niya ulit.

Ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko. Umiiyak padin siya.

Wala akong magawa kung hindi ang tapikin ang likod niya at hayaan siyang umiyak sa balikat ko na parang bata na inagawan ng candy. Ang higpit-higpit ng yakap niya sa akin na parang takot na takot na bata.

Hindi man niya sabihin, alam ko na may alam na siya.

Namumuo nadin ang luha sa mga mata ko, niyakap ko nalang din siya ng mahigpit at hinayaan ang mga luha kong tumulo.

"N-nicky, 'wag kang mang-iwan," umiiyak na sabi niya.

"J-jiro naman, eh."

"'Wag kang sumunod kay Dave," umiiyak na sabi niya. "'wag naman gano'n."

Hindi nadin ako makahinga sa kakaiyak.

Alam niya na ang katotohanan.

Alam na ni Jiro.

Alam na ng bestfriend ko ang dahilan.

"Kailan pa?" tanong niya sa akin.

Namumula padin ang mga mata't ilong naming dalawa. Pero hindi kagaya kanina, mas nakakapagsalita na siya ng maayos.

"A year ago," ngumiti ako sakaniya. Pilit na ngiti.

"Don't smile, please?" pakiusap niya. Kitang-kita ko ang panibagong luha na tumulo sa mga mata niya na agad niyang pinunasan.

Huminga siya ng malalim. "'Wag ka namang ngumiti na parang tanggap mo na," pakiusap niya pa.

Alam ko na ngayong alam niya na, pati siya nahihirapan nadin.

Ngumiti ako sakaniya. "'Wag kang mag-alala sa akin, Ji."

Umiling siya sa akin. "Paanong hindi?"

"Kaya ko ang sarili ko," sabi ko sakaniya.

Umiling siya sa akin. "Kaibigan kita, paano akong hindi mag-aalala?"

"Jiro naman, eh," naiiyak na sabi ko.

Niyakap niya ako. At sa unang pagkakataon simula ng malaman ko ang tungkol dito, umiyak ako.

Umiyak ako kasama ang kaibigan ko. Umiyak ako sa katotohanang kagaya lang ako ni Dave, mang-iiwan din ako.

At kapag nangyari 'yon, maiiwanan siya.

Iiwanan ko si Jiro.

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now