Kabanata 01

179 6 2
                                    

"Jiro, nakita mo si Dave?" tanong ko sa katabi kong si Jiro.

Ang mga mata niya na nakatutok sa cellphone niya ay napunta sa akin. "Bakit?" tanong niya sa akin bago umayos ng upo.

Vacant namin ngayon, hindi daw kasi makakapasok si Mr. George dahil may sakit. Kaya eto si Jiro, walang ibang ginawa kung hindi maglaro sa cellphone.

"Bawal naba magtanong?" pambabara ko sakaniya.

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. "Sungit mo 'no? Attitude ka?" sabi nito bago lamutakin ng kamay niya ang mukha ko.

"Ano ba!" inis na sabi ko bago pilit na inalis ang malaki niyang kamay. "'Yang kamay mo, pang-higante!" inis na sigaw ko.

"Ows? Tologo?" natatawang sabi niya.

May mga kaibigan talaga tayo na masarap ibalibag 'no? Abusado.

"Nasaan nga?"

"Oh, bakit nakasimangot ka?" natatawang sabi niya sa akin at sinundot pa ang pisngi ko.

"Asar ka talaga!" hahampasin ko na sana siya kaso agad niyang nahawakan ang mga kamay ko.

"Hindi ko alam, okay? Masyado kang hot." natatawang sabi niya habang hawak padin ang mga kamay ko.

Si Jiro, matagal ko na siyang kaibigan. Kasabayan ko siyang pumasok dito sa Academy. Magkaibang-magkaiba kami pero hindi ko alam kung bakit nagkasundo kami. Siguro gano'n lang talaga. May mga tao talaga tayong makikilala na hindi natin kapareho ng hilig pero nakakasundo natin.

Napatingin kaming lahat ng may bigla nalang pumasok sa loob ng classroom. Mga kabado sa pag-aakalang may substitute teacher na magtuturo. Kanya-kanyang tago ng cellphone ang mga kaklase ko.

Only to see Dave smirking while walking.

Tumawa ng malakas si Jiro. Akala mo hindi isa do' n sa mga kinabahan.

"Feeling artista ka talaga!" sabi ni Jiro at nakipag-apir pa kay Dave.

And yes, siya din ang Dave na tinatanong ko kay Jiro kanina lang. Dave Uri Montero, isa sa mga kaibigan namin. Hindi namin siya kasabayan ni Jiro, matanda ng dalawang taon sa amin si Dave. Late kasi siyang nag-aral, dahil ngayon lang daw siya sinipag.

"Oh, bakit nakabusangot 'to?" natatawang tanong niya kay Jiro habang nakatingin sa akin.

"Ang tagal mo daw, eh."

Nakangising lumapit ito sa akin. "Miss mo na ako, Baby Nicky?" kumindat pa siya na parang adik. Ugh! Nakakakilabot! Walanghiya.

"Kadiri!" nandidiring sabi ko na tinawanan lang nilang dalawa.

Minsan hindi ko nadin maintindihan kung bakit sa dami ng mga kaklase ko, sila pang dalawa ang nakasundo ko. Madalas kasi sa mga babae dito, hindi ako gusto. Ayaw sa akin, akala mo naman gusto ko sila. Hindi kami talo, vro.

"Saan kaba galing?" tanong ko kay Dave.

Sa aming tatlo, si Dave ang pinaka-mahirap basahin. Hindi literal na mahirap dahil kung tutuusin? Pati basurahan ata ng mga 'to makikitaan mo ng pera. Masyadong makapangyarihan ang pamilya nila. Pero masyado ding misteryoso. Kahit kaibigan namin si Dave, wala kami masyadong kaalam-alam sa mga pangyayari sa buhay niya.

Kaibigan namin siya pero hindi lahat sinasabi niya.

"Sa tabi-tabi lang." kibit balikat na sagot niya bago umupo sa tabi ko.

Napapagitnaan nila akong dalawa ni Jiro.

"Oh, baka gutom kana eh." sabi niya bago iabot sa akin ang burger.

Once Upon A TimeOnde histórias criam vida. Descubra agora