Simula

363 10 1
                                    

Pagod na pagod akong naupo dito sa bench. Grabe, ang aga ng naging practice namin sa Volleyball ngayong araw. 6am kami nagsimula at 10am na, hindi padin kami natatapos.

Ang alam ko buong araw ang magiging practice namin, malapit nadin kasing lumaban.

"Nice one, Nicky!"

"Thanks, Jiro." nakangiting sabi ko bago uminom sa tumbler ko.

Si Jiro, basketball player siya. Kasabayan lang namin sila dito sa Field kaya hindi na ako magtataka kung nakita niya ang practice game namin. Parehas din kaming taga Class-B kaya close nadin kaming dalawa.

"Nakita ko siya kanina." napatigil ako sa pag-inom dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung anong dapat na sabihin, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin dahil lang do'n.

Wala namang pangalan na binanggit pero parang tinambol ang puso ko sa bilis ng pagtibok. Walang pangalan pero alam ko kung sino, nakikilala ng puso ko kung sino.

Bumuntong hininga ako. "Ano naman?" walang pakialam na tanong ko.

"Wala naba talaga?"

Tumawa ako. Kahit na alam ko sa sarili ko kung gaano kapeke ang tawa na 'yon. Wala na nga ba? Ano bang dapat isagot sa tanong na 'yan? Na meron pa pero hindi na pwede?

"Wala na." kasinungalingan! Wala kahit na alam ko naman sa sarili ko na meron pa.

Na kahit na anong gawin ko, kahit na pagurin ko ang sarili ko kaka-practice sa volleyballㅡwalang mangyayari. 'Yong puso ko, pag-aari niya parin. Kahit anong pagod, siya padin.

"Ano ba talagang problema?" tanong ni Jiro bago ako tignan. "Hindi ko maintindihan, Nicky. Kasi alam ko naman, mahal mo pa." dagdag niya pa.

Hindi ko alam kung bakit nagsisinungaling pa ako kay Jiro. Alam ko naman, eh. Na kahit na anong kasinungalingan ang ilabas ng bibig ko, alam niya padin ang totoo. Kasi kaibigan ko siya, bestfriend ko siya.

Siguro gano'n talaga, may isang tao talaga na kilalang-kilala ka. Alam na alam nila kapag nagsisinungaling ka.

Kagaya niya?

Napailing ako sa utak ko. Minsan hindi ko nadin maintindihan, pati utak ko siya na lang ang laman. Nagtataka na nga ako kung paanong hindi pa ako bumabagsak gayon na wala naman ata akong natututunan.

"Tumahimik ka nalang, Jiro." 'yan nalang ang nasabi ko. Kasi alam ko, alam na alam ko.

Gustuhin ko man na maging akin siya hanggang dulo, anong magagawa ko?

Siguro gano'n talaga, hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't-isa. Hindi magiging sapat kung ayaw ng tadhana.

Tumayo na ako ng pumito na ang coach namin, back to practice nanaman.

Ako ang nag-serve ng bola. Palo kung palo, salo kung salo, dadapa kung dapat na dumapa. Gano'n sa volleyball, madalas masakit sa kamay. Siguro 'yon din ang dahilan kung bakit ginusto ko na sumali dito, kasi kapag nasasaktan kaㅡibigsabihin buhay ka, kasi nakakaramdam kapa.

Masyadong napalakas ang pagkakahampas ni Loisa sa bola kaya napalayo ito at gumulong sa malayo.

Pero nagulat ako ng makita ko si Divina, ang usap-usapang baguhan sa Academy. Friendly siyang ngumiti sa amin at inabot ang bola.

Medyo napalakas ang pagkakahablot ko kaya muntik na siyang matumba. Mabuti nalang at nahawakan siya ni Richard sa siko.

"Next time, matuto kayong magpasalamat. Inaabot niya lang naman sainyo yung bola." malamig na sabi nito bago hinila si Divina palayo.

Natulala lang ako sakanila. Hindi dahil sa sinabi ni Richard, natulala ako dahil nakikita ko kung paano sila mag-alala kay Divina.

Hindi ako tanga, alam ko naman na may dahilan kung bakit ganyan ang trato nila sakaniya. Alam ko na may itinatago sila.

"Ayos kalang?" tanong ni Jiro.

Tumango lang ako sakaniya.

"Apektado kapa?" tanong niya ulit.

"Bakit naman ako magiging apektado sa mga kaibigan niya?" kunwaring wala lang na sabi ko.

"May pumalit na sayo." alam ko, gusto ko sanang sabihin pero hindi nalang.

Agad akong umalis matapos ang practice namin, nagmamadali. Halos hindi ko na tignan ang nasa paligid. Pero bumagal ang lakad ko ng makita ko ang pamilyar na sapatos.

Unti-unti kong inangat ang paningin ko.

"N-nicky.." mahinang sabi niya, sapat na para marinig ko.

Huminga ako ng malalim bago magsimula ulit maglakad, palayo. Palayo nanaman sakaniya.

"Nicky, wait!" inalis ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa paglalakad.

Walang emosyon ko siyang tinignan. "Ano nanaman ba Jett?"

"L-let's talk..please?"

"Wala tayong dapat pag-usapan." sabi ko at maglalakad na sana ulit pero pinigilan niya nanaman ako. "Ano ba?!" malakas na sabi ko.

"K-kausapin mo naman ako." malungkot na sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit. Tama naman yung ginagawa ko, pero bakit? Bakit ang sakit-sakit? Para sakaniya naman 'to. Kaya bakit hindi niya maintindihan?

"Wala na tayong dapat na pag-"

"Meron!" pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Kasi hanggang ngayon hindi ko maintindihan! We were so happy then, what happened to us now?! Bakit?! Bakit Nicky?! Kasi hindi ko maintindihan mula noon hanggang ngayon!" pumiyok ang boses niya.

Hindi ko alam kung paano pipigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Hindi ko alam. Hindi ko alam kaya hindi na dapat kami mag-usap.

"N-nicky, am I not enough?" parang nanlambot ang tuhod ko sa tanong niya.

You will always be enough, Jett. Always.

Pero nanatili akong walang reaksyon sa harapan niya. Pinipilit na tatagan ang sarili. I'm trying my best to pull my shit together, just to look so strong infront of him! Para lang magkunwari.

Nang maramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin ay agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin bago maglakad palayo. Palayo kay Jett.

Unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Unti-unti ay parang nanlabo ang paningin ko. Hindi ako makahinga sa kakapigil sa sarili ko na umiyak.

Lakad lang ng diretso, Nicky. Lakad lang.

Kasi baka mapansin niya. Baka mapansin niya na sa aming dalawa, hindi lang siya ang nasasaktan. Na kung nahihirapan na siya, ako din. Na kung nasasaktan na siya, ako din. Kasi ito yung klase ng pagmamahal na gustong-gusto ko pang ipaglaban. Gustong-gusto ko pang angkinin, pero hindi na pwede.

Kasi para sakaniya kaya kong isuko lahat, kakayanin ko. Kakayanin kong isuko maski ang kaligayahan ko. Kasi si Jett na 'yon.

Nang makalayo ay agad akong napaupo. Parang nawalan ng lakas.

Jett, ako din. Ako din patuloy na nagtatanong. Kung bakit tayo humantong sa ganito. Kung bakit kailangan kong lumayo sayo.

Jett you're not the only one asking what happened. Hindi lang ikaw, kasi ako din! Ako din nagtatanong kung bakit.

We were so happy then without any single idea that we will lose each other in the future.

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now