Kabanata 17

48 2 0
                                    

Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan siya lumabas.

Unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Nagbabadya nanaman ang mga luha sa pagtulo.

"Mahal kita, Jett," bulong ko sa hangin.

Tama lang ang ginawa mo, sukuan mo na ako.

But, why does your heart beats fast the same way it does year ago?

Jett, my heart will always beat for you.

Pwedeng-pwede kong pekein ang lahat pero hindi ang pagtibok ng puso ko, Jett.

Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Tama 'to, Nicky. Tama ang ginawa mo.

"Nicky!" nakita ko si Jiro na tumatakbo papunta sa rooftop.

Nag-aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi niya kasama si Loisa.

"Oh, nasaan si Loisa?"

Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong tinignan. "Ayos kalang?"

Tumango ako at ngumiti sakaniya.

"Tara na? Bakit ba tumatakbo ka?" kunwaring natatawang tanong ko pa.

"Nicky," seryosong tawag niya sa akin. "Ayos kalang ba?" tanong niya.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niyang 'yon.

Hindi, hindi ako okay. "Oo naman, ayos lang," sagot ko sa tanong niya.

Tumango nalang siya at hindi na nagsalita. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa first floor.

"Saan ka pupunta? Hindi kaba papasok ngayon?" tanong niya sa akin ng mapansin na magkaiba na kami ng daan.

"Hindi na muna, magpapractice nalang ako sa field."

"Nicky,"

Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na hindi kumbinsido si Jiro na ayos lang ako. Alam kong alam niya na hindi pero hinahayaan niya lang ako.

Hinarap ko siya at tinignan sa mga mata para makita niya ang pagiging seryoso ko.

"Ayos lang ako, Ji. 'Wag kanang mag-alala sa akin. Intindihin mo nalang kung paano mo mapapasagot si-"

Natigil ako sa paglalakad ng bigla niya akong yakapin. Ang higpit-higpit ng yakap niya sa akin. Tinapik-tapik niya ang likod ko na parang pinapatahan ako kahit pa ang totoo ay hindi naman kailangan dahil hindi naman ako umiiyak.

"Nicky, malakas ka pero hindi sa lahat ng oras," sabi niya habang tinatapik ang likod ko. "Malakas ka pero pwede ka pading umiyak, lalo na kapag hindi mo na kaya."

Ayokong pakinggan ang sinasabi niya kaya pinili ko nalang na pumikit. Ayokong marinig dahil baka umiyak nanaman ako. Baka hindi ko nanaman kayanin.

"Nandito lang ako 'diba? Bakit mo tinatago kung nandito naman ako?" tanong niya sa akin, parang nasasaktan. "Wala na nga si Dave, eh. Pati ba naman ikaw?" dagdag niya pa.

Na-guilty ako dahil sa mga naririnig ko.

Sa aming dalawa ni Jiro, siya ang hindi nagpapakita ng sakit na nararamdaman niya. Kahit noong mawala si Dave, pinilit niyang magpakatatag para sa akin. Kasi babae daw ako at ako ang prinsesa nila, kaya ayaw daw niyang panghinaan ako ng loob kapag nakita ko na nasasaktan siya.

Dave always think of me first before anything. Tinuturing niya akong prinsesa niya na minsan nahihiya na ako sakaniya.

"Nandito lang si Jiro, Nicky. 'Wag kang magtatago sa akin ha?" sabi niya bago ako pakawalan sa yakap.

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now