Kabanata 30

46 1 0
                                    

Masaya kami sa bawat araw na lumilipas...

Na sa sobrang saya hindi ko namalayan na nag-eexist pala ang salitang 'problema'...

Ang bawat araw na puno ng saya at pagmamahal ay nagtapos na...

"Dr. Cruz, pinapatawag niyo daw po ako?" nagtatakang tanong ko.

Tatlong araw nadin noong nakalabas ako sa hospital. Hindi naman na kumikirot ang sugat ko kaya nakakapagtaka na ipatawag ako dito.

"Maupo ka, Nicky," nakangiting sabi nito.

Nang makaupo ako ay lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay may ibang mangyayari ngayong araw na 'to.

"Ano po bang meron?"

"Nicky, gusto ko sanang kausapin ka kasama ang parents mo tungkol dito," seryosong sabi ni Doc.

"Ah, tungkol saan po ba? Baka pwedeng ako nalang po?"

Tinitigan akong mabuti ni Dr. Cruz bago bumuntong hininga, "Nicky, are you familliar with Leukemia?" tanong nito.

Kumunot ang noo ko, "It's a blood cancer po 'diba? Bakit po?" kinakabahang tanong ko.

"Nicky, is there anyone in your family that died with that kind of disease?"

Tumango ako kahit na naguguluhan, "S-si Lola po."

"I'll get straight to the point, Nicky. Naalala mo paba ang mga tinanong ko sayo 3 days ago?"

Tumango ako, "Ano pong meron do'n, Doc?"

Ang dalawang minutong katahimikan na ata ang pinakamatagal na dalawang minuto na naranasan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon, hindi ko alam kung anong nangyayari.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Namamawis ang mga kamay ko sa hindi ko malaman na dahilan.

"Sa lahat ng tanong ko, ano nga ulit ang sinagot mo?"

"N-naranasan ko po lahat, Doc."

Ang nag-aalalang mga mata nito ay lumungkot habang nakatingin sa akin.

"Hindi pa ako sigurado pero ang mga sintomas ng Leukemia ay nakikita ko sayo, Nicky," seryosong sabi nito.

Kinabahan ako, parang tumigil ang mundo dahil sa narinig ko. Parang natahimik ang paligid sa loob ng isang minuto at parang unti-unti ay namuo ang mga luha ko.

"A-ako? B-bakit ako?" tanong ko bago tumulo ang luha ko.

"Nicky, hindi pa naman sigurado. I just want to inform you that we need to run some test to confirm it. Pwedeng hindi at pwedeng oo. I just want to be honest with you,"

Parang may bumabara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga.

Jett

Napapikit ako, si Jett. Sa mga oras na 'to, siya lang ang nasa isip ko.

Hon...

"M-may chance naman po na wala akong...s-sakit 'diba?" tumango siya, "P-paano po ba 'yon?"

"We'll test your blood, we need a complete blood count to know how many of each type of blood cells you have. It's part of the test," pagpapaliwanag ni Doc.

Tumango ako, "'Yon lang po ba?" umiling sa akin si Doc.

"To tell you honestly it's a rough process. Madaming test ang kailangang gawin para sayo."

Parang nabibingi na ako sa mga naririnig ko. Parang hindi na kayang ipasok pa sa utak ko, hindi ko na kayang intindihin pa.

"Pagkatapos ng blood test. We also need some imaging test such as; X-ray, CT scan, MRI and ultrasound. It will give us a clearer picture to see what's going on inside your body. It can also help us find if there's infection or show when cancer already spread to other parts of your body."

Sa dami ng sinasabi ni Doc. Parang wala na akong naiintindihan, naririnig ko pero parang lahat ay hindi na matanggap pa ng utak ko.

"Pagkatapos no'n, Bone Marrow Test. We will use a needle to take a sample of marrow, blood and bone from your hip or breastbone. It will help us know if there's a sign of leukemia."

"D-doc..." kinakabahang tanong ko, "Am I dying?"

"Nicky, no. You're not dying. Hindi pa tayo sigurado 'diba? Maraming test pa ang kakailanganin para makasigurado."

Tumango ako. I'll hold into that.

There's a chance.

"Next is spinal tap, to know if there's a leukemia cells within you," patuloy nito sa pagpapaliwanag. "And the last one is Genetic test, for us to know what is the best treatment for you incase you have that disease."

I can't think straight. It's as if the air I've been breathing for how many years was now gone.

Iisang tao lang ang iniisip ko sa pagkakataong 'to.

Jett..

Paano ko sasabihin sakaniya?

"Uy, anong meron?"

Napatingin ako kay Jiro na ngayon ay may lollipop sa bibig.

Nakatitig lang ako sakaniya, hindi alam kung paano magsasalita. Hindi alam kung anong tamang sabihin.

Ilang oras na matapos kong kausapin si Dr. Cruz, pero sa loob ng ilang oras na makabalik ako dito sa classroom namin ㅡpakiramdam ko iba na ako.

"May nangyari ba? Bakit tulala ka ata?" sabi naman ni Dave na ngayon ay nakatingin na din sa akin.

Hindi ko alam ang dapat na gawin.

Wala akong nagawa kung hindi ang yumuko nalang habang nakatingin padin sila sa akin.

"Hey," hindi ako nag-angat ng tingin kahit pa tumayo na sila para lang makita ang mukha ko.

They are my friends, paano ako magsisinungaling?

They already had enough, I don't want to burden them.

"Anong nangyari, Nicky?" nag-aalalang tanong ni Jiro.

Hindi ko alam pero niyakap ko nalang silang dalawa habang unti-unting tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Hindi pa sigurado pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Pakiramdam ko lahat ng lakas ko nawala dahil sa mga narinig ko.

"N-natatakot ako, J-jiro...D-dave," mahinang bulong ko habang nakayakap padin sakanila.

Walang balak pakawalan ang mga kaibigan na naging sandalan sa apat na taong laban.

Si Jett ang yaman na kailangan ko ng bitiwan..

Dahil siya ang klase ng kayamanan na hindi ko na kayang ingatan..

At dito natapos lahat ng kasiyahan sa bawat araw na nagdaan..

Ang katotohanan na hindi ko maiiwasan..

Kahit gaano ko pa siya kamahal, kailangan ko na siyang iwan..

Dahil may mga bagay na hindi maiintindihan nino man...

Ang sakit na dulot ng ngayon,

Kung saan gusto ko nalang bumalik sa nakaraan at samahan siya maghapon..


Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon