Kabanata 16

50 1 1
                                    

"Nicky!" sabi nito at hinila ako paharap sakaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na binabawi ang kamay ko pero lalo lang humihigpit ang kapit niya dito.

"Let's talk!"

"Wala tayong dapat pag-usapan!"

"Ako ang magdedesisyon ngayon, Nicky," malamig na sabi nito at hinila ako.

"Jett, let me go!" inis na sabi ko at pilit na hinihila ang kamay ko sakaniya.

Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko at patuloy lang sa paglalakad. Marami na ang nakatingin sa amin ngayon, mga nagtataka.

Meron ding iba na halatang pinag-uusapan na kaming dalawa.

Nice, may issue nanaman kami.

"What do you want?" malamig na tanong ko sakaniya ng dalhin niya ako sa rooftop.

"Let's talk about us."

Tumawa ako, "There's no us, Jett."

"Bakit? Give me one enough reason to let you go," seryosong sabi niya habang nananatili ang mga mata sa akin.

Kitang-kita ko ang pagod at sakit sa mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin at tumingin nalang sa mga estudyante sa baba na naglalakad.

"I no longer love you,"

Liar, I'm a liar.

Hindi siya nagsalita pero mas pinili ko na 'wag nalang tignan pa ang naging reaksyon niya.

"Gusto mo paba ng ibang rason?" nananatili padin siyang walang kibo.

"I can no longer see my future with you," pilit kong pinatatag ang boses ko. "I'm no longer happy, Jett," dagdag ko pa.

You're a liar, Nicky. You always see your future with him, you always see him in all of your dreams. It was always been him. You're the best version of yourself when you're with him. Everything feels so perfect because you have him.

Napailing ako dahil kahit ang utak ko tinututulan ang nilalabas ng bibig ko.

"Are you now...happy without me, Jade?"

Parang gusto ko nalang maging marupok at ikulong ang sarili ko sa mga braso niya ng marinig kong tinawag niya nanaman ako sa pangalan ko.

Jade, I'm his Jade before..

Hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatiling tahimik. Pilit na pinapakalma ang sarili. Pilit na tinatatagan para hindi ako manlambot at matumba nalang sa harapan niya at humagulgol ng iyak.

"Jade," napapikit ako ng marinig siyang tawagin ang pangalan ko.

"Just stop, Jett. Stop," matatag na sabi ko.

Nagulat ako ng hilahin niya ako palapit sakaniya at kinulong sa mga bisig niya. Napakahigpit ng pagkayakap niya, parang takot na takot siya na bigla nalang akong mawala.

"L-let go of me," bahagyang pumaos ang boses ko. Nanlalabo nadin ang mga mata pero pinipilit ko na pigilan ang mga luha sa pagtulo.

"Just five minutes, Jade," mahinang bulong nito at nananatili ang mukha sa leeg ko. "Let me talk and hug you for five minutes.." nakikiusap na sabi niya.

Hindi ako nagsalita at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Hinayaan kong maramdaman ulit ang init ng mga bisig niya. Ang higpit ng yakap niya. At ang pagtibok ng puso niya.

Hahayaan ko na muna. Ngayon lang naman 'to.

"Before, all I want was for you to notice my existance, to the point that I post a picture of you with a poem. I did it twice because I thought it was a good start to make you notice me."

Gusto ko na sanang bumitaw sa yakap niya ng marinig ang mga sinasabi niya kaso lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"I've waste years because I thought I was not man enough, not deserving to have you then. Kaya hindi muna ako nagpapapansin sayo," nanginig ang balikat niya. "Then in God's perfect time, he gave you." dagdag niya.

Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko.

Umiiyak siya. Umiiyak nanaman siya at ako nanaman ang dahilan.

Hindi ako kumibo, kasi natatakot ako. Natatakot akong mapansin niya na kahit ako nasasaktan nadin sa mga sinasabi niya.

"Alam mo no'ng nalaman ko na gusto mo din ako, halos lahat ng tao sa Academy ngitian ko. Kasi sa ilang taon kong patingin-tingin lang sayo 'diba? Akala ko wala na talagang pag-asa,"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili sa paghikbi. Para hindi makagawa ng kahit na anong ingay manlang.

"You're the best thing ever happened to me. Kahit masakit, ikaw padin," naramdaman ko ang panginginig ng balikat niya.

Ilang minuto siyang hindi nagsalita. Nananahimik at nakayakap lang sa akin. Akala ko hindi na talaga siya kikibo.

"Jade, my love. If loving you means letting you go, I will," sabi nito bago ako titigan sa mukha.

Parang kinakabisado niya ang lahat ng parte ng mukha ko. Pinunasan niya pa ang luhang kanina pa pala tumutulo.

"I will always do anything just to make you happy. You're my first priority, remember?" nakangiting sabi niya bago ako halikan sa noo.

Napapikit ako noong lumapat ang labi niya sa noo ko.

Savouring the moment 'til it last.

"Jade, I love you," sabi niya at hinalikan ako sa ilong.

Patuloy padin ang pagtulo ng mga luha niya.

"I-i love you so m-much," sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng panibagong mga luha ko.

Hindi ako gumanti sa halik niya at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat, pagrespeto, paggalang at pagmamahal sa bawat galaw ng labi niya.

Hanggang sa huminto siya at pinagdikit ang noo naming dalawa.

Lumayo siya ng bahagya at hinawakan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luhang tumulo mula dito.

Kitang-kita ang sakit at pagod sa mga mata niya.

"Be happy, Jade," sabi niya at ngumiti sa akin.

Hindi ko alam kung bakit. Ito naman ang gusto kong gawin niya pero sa mga oras na 'to, iba ang sakit na dala nito. Ito ang gusto kong gawin niya matagal na, ang sukuan ako. Pero ngayong ramdam ko na, parang gusto ko nalang umatras sa laban na 'to at ikulong ang sarili ko sakaniya.

Sa mga oras na 'to parang gusto kong itigil ang paggalaw ng paligid at kabisaduhin nalang ang mukha niya.

Gusto ko nalang maging makasarili at angkinin siya.

Unti-unti niya akong binitawan bagay na lalong nakadagdag sa sakit na nararamdaman ko.

"You told me that you no longer love me, right?" tumango ako sakaniya, hindi na alam kung paano pa magsasalita.

"But, why does your heart beats fast the same way it does year ago?" ngumiti siya sa akin habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.

Gusto-gusto kong punasan ang mga luha niya at yakapin nalang siya. Mag-sorry at sabihin na bumabalik na ako sakaniya, pero hindi pwede.

"Be happy, Jade," ulit niya at hinalikan ulit ako. "If loving you means to let you go, you're now free to let go." ngumiti siya sa akin.

Nakatingin lang ako sakaniya hanggang lumakad na siya palayo. Hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

He let me go..

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now