Kabanata 21

49 2 1
                                    

"Ang bagal mo, Nerd," inis na sabi ko sakaniya.

Magkasama kaming dalawa ngayon na lumibot ngayong Foundation Week. Isang linggo nadin matapos akong makalabas sa Hospital ng Academy, nakipag-away pa nga si Jiro sa akin dahil ang tigas daw ng ulo ko.

Pero may ulo ba naman na malambot, 'diba? Wala namang gano'n. Pauso, eh.

"Dahan-dahan naman, Nicky! Kaya nadadagdagan mga pasa mo ang gaslaw mo," nakangiwing sabi niya bago ako sabayan sa paglalakad.

Balak ko sanang libutin ang buong Academy ngayon, ang ganda-ganda ng paligid. Parang Fiesta lang. At hindi lang 'yon, open ang Academy namin ngayon para sa lahat.

"Hindi kaba pupuntahan ng parents mo dito?" tanong ko sakaniya ng maupo kami sa bench.

Bumuntong hininga siya, "Gastos lang 'yon, Nicky."

Napatingin ako sakaniya. Si Nerd, hindi siya kagaya ng mga estudyante dito. Hindi mayaman ang pamilya nila, may business pero hindi gano'n kalaki. She's living an average life. Pero wala naman sa akin 'yon, sa nagdaang mga araw na siya palagi ang kasama ko ㅡmas nakikila ko na siya. Mas nalalaman ko ang maliliit na bagay tungkol sakaniya.

Madalas nga ay magkasama pa kami sa Library, kailangan niya kasing tumulong do'n tuwing lunch at pagkatapos ng klase. At dahil hindi naman ako madalas pumasok, madalas ay kasama ko siya.

"Hindi mo ba sila gustong makita?"

Umiling siya sa akin, "Sino bang anak ang ayaw makita ang parents niya?"

"Ako?" natatawang sabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Gustong-gusto ko nadin naman silang makita, Nicky. Kaso syempre hindi naman na nila kailangang pumunta dito. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon," nakangiting sabi niya.

Isa sa gustong-gusto ko kay Nerd, siguro yung pagmamahal niya sa pamilya niya. Tapos lahat naiintindihan niya. Hindi nga ata siya marunong magalit kahit pa mababaw lang ang luha niya. She's so soft na minsan gusto ko nalang awayin lahat ng tinitignan siya na parang pinandidirian nila siya. Hindi siya binubully pero alam ko na ayaw sakaniya ng mga kaklase niya, she's an outcast. Walang may gustong lumapit sakaniya.

"Nerd, kapag ba nawala na ako makikipagkaibigan kana ba sa iba?"

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Parang hindi inaasahan ang tanong ko.

Umiling siya sa akin, "Hindi ka naman mawawala, Nicky."

"Aalis na ako dito, Nerd. Alam mo 'yon," sabi ko sakaniya bago sumipsip sa straw ng juice na hawak ko.

Hindi siya nakasagot. Tahimik lang siya na parang malalim ang iniisip.

Madalas ganyan si Nerd tuwing kasama ko siya, lalo na kapag nagtatanong ako tungkol sa pag-alis ko. Natatahimik siya at kalaunan ay hindi na talaga sumasagot.

Noong pumasok ako sa Academy na 'to, si Jiro at Dave lang ang concern ko.

Halos gawin ko ang lahat para makasama ko sila hanggang dulo. Hanggang sa nakilala ko si Jett at naging kami. Nawala si Dave at nagbreak kami ni Jett. Tapos si Jiro nalang ang natira. Hindi ko alam na makakatagpo pa ako ng bagong kaibigan. Yung kaibigan na mapapalapit sa akin kagaya ni Nerd.

"Bakit nakipag-hiwalay ka kay Jett, Nicky?"

Ako naman ngayon ang nagulat sa biglaang tanong niya.

"Hindi paba obvious?"

Umiling siya sa akin, "Hindi ko maintindihan."

Nagkibit balikat ako, "Alam mo kasi minsan sa sobrang pagmamahal natin sa tao, ayaw natin silang masaktan sa dulo. Kaya hangga't kaya pang agapan, iniiwasan na natin. Tayo na mismo ang lumalayo sakanila para saluhin lahat ng sakit. Para sa dulo, sigurado tayo na okay sila. Na magiging masaya sila."

"Do you still love him, Nicky?"

"Hindi naman nawala 'yon, Nerd," seryosong sagot ko. "Bakit mo ba tinatanong? May nagugustuhan kana 'no?" natatawang tanong ko sakaniya.

"Oo," nagulat ako at biglang napatingin sakaniya. Biro lang naman ang sinabi ko, ah?

"We?"

Natawa siya sa reaksyon ko, "Nakakabigla ba?"

"Hindi ko lang inaasahan."

Bumuntong hininga siya, "Idol kita," nagulat ako sa sinabi niya pero nananatili siyang seryoso.

"Gusto ko yung klase ng pagmamahal na meron ka." sabi niya ulit.

Umiling ako sakaniya, "'Wag mong gustuhin, Nerd. Kasi ito yung klase ng pagmamahal na gusto ko pang ipaglaban pero hindi na pwede."

"Kung babalikan mo ang araw na 'yon, Nicky. Makikipag-break kapa ba?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nanunumbalik sa isip ko ang mga ala-ala ng nakaraan dahil sa mga tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit parang unti-unti ulit bumubukas ang sugat at nagiging sariwa dahil sa mga ala-ala.

Hindi ko alam kung bakit parang naalala ko nanaman ang araw na 'yon.

Yung mga araw kung saan sobrang saya namin dalawa na halos hindi na kami mapaghiwalay pa.

Yung araw na mahal ko siya at mahal niya ako, yung araw na pinagsisigawan namin ang lahat sa mundo. Yung mga araw na pwede pa. Na ayos lang ang lahat. Na kahit siya lang ang kasama ko, ayos lang ako.

Those days where I'm at my best version because I still have him. He's still mine and I'm still his.

Hanggang sa araw na nalaman ko ang lahat, lahat-lahat.

Naging kumplikado ang lahat at kailangan ko siyang layuan. Kailangan kong magpanggap na wala ng pakialam sakaniya. Maging malamig ang pakikitungo sakaniya para ayawan niya ako.

Those painful memories I have with him.

"Makikipag-break padin ako," sagot ko matapos ang mahabang katahimikan sa aming dalawa.

Napatingin sa akin si Nerd, parang hindi inaasahan ang narinig niya.

"Bakit naman?"

"Kung babalik ako sa panahon na 'yon, pipiliin ko padin 'to. He deserve better, the best," umiling ako, "Hindi ako 'yon, eh."

"Nicky..."

Tumingin ako sakaniya at nginitian siya.

"When the time comes that you're already ready to fight for that love of yours, go. Don't think twice nor trice. Fight for your love, Nerd. Learn how to risk, learn how to fight. Kasi yung klase ng pagmamahal na magkakaroon ka? 'Yan yung pagmamahal na kahit kailan hindi ko makukuha."

Nakatingin lang siya sa akin, hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung sineseryoso niya ba ang mga sinasabi ko o ano dahil tahimik lang siya.

"Kasi ikaw? Pwedeng-pwede mong mahalin ang taong mahal mo hanggang sa pagtanda niyo. Isang bagay na hindi ko magagawa sakaniya."

"Nicky," sabi niya. Parang hindi alam kung anong dapat na sabihin.

"What if he doesn't love me, Nicky?"

Napatingin ako sakaniya sa biglaan niyang tanong. Parang out of the blue lang ang tanong niya dahil nakatulala lang siya sa mga taong dumadaan.

"In a world full of 'what if', let him be your greatest 'why not'."

Napatingin siya sa akin, parang hindi inaasahan na narinig ko ang tanong niya. Ngumiti siya sa akin na sinuklian ko din ng ngiti.

That's right, Nerd. Learn to fight for that love. Because that kind of love deserves to be fight for.

You have a lifetime ahead, unlike me.

Live your life and be happy, Nerd. You deserve it.

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now