Kabanata 37

62 1 0
                                    

3 years later..

"Papunta nga ako, ang kulit niyo!"

"Naninigurado lang naman kami," sabi ni Gerald.

Inirapan ko sila. Nandito silang tatlo sa loob ng opisina ko para pilitin akong sumama sa Mansion ng mga Montero.

"Kailan nga ulit?" tanong ko sakanila habang pumipirma sa mga papeles na nandito sa mesa ko.

Patuloy lang ako sa pagtatrabaho habang nakaupo sila sa sofa dito sa opisina ko.

"Bukas nga. Jett, hindi ka pwedeng mawala. Aasahan ka ni Divi!" sabi naman ni Richard.

Sa aming apat, ako lang ang halos hindi na umalis sa loob ng opisina. Kung pwede nga lang pakasalan ang laptop, baka matagal ko ng ginawa. Masyado akong busy sa trabaho na madalas hindi ko na sila nasasamahan.

"Pupunta ako, ipapa-cancel ko lahat ng meetings ko, masaya kana?"

"Dapat lang, pambawi mo 'to sakin!"

Napailing nalang ako kay Richard. Last week pa niya ako tinatawagan tungkol sa pagpunta namin sa Mansion ng mga Montero para surpresahin si Divi.

Nakuha niya na kasi ang basbas ng mga magulang nito kaya parang sinisilaban ang pwet at hindi na matahimik sa pwesto.

Sa loob ng isang linggo na 'yon, wala itong ginawa kundi ang pestehin siya. Kinukuli siya para lang masigurado na sisipot siya.

As if naman hindi siya pupunta, si Divi na 'yon, eh.

"Ano bang plano mo?" tanong ni Quenzo.

Alam nilang apat na nagkaroon ng feelings si Quenzo kay Divi noong Highschool days nila. Hindi naman itinanggi 'yon ni Quenzo. Aminado naman 'to. Basta kung saan daw masaya si Divi, doon ito. Masaya naman na din si Quenzo sa lovelife niya.

"Magpo-propose nako." walang paligoy-ligoy na sagot ni Richard.

Muntik na akong magkamali sa pinipirmahang papeles dahil sa narinig.

"Seryoso?" tanong ko. "Sagutin ka naman kaya?"

"Sana," sagot ni Richard, medyo natatawa. "Kasi wala ako ngayon kung wala siya, eh."

Napailing nalang ako sa narinig na sagot ni Richard. Masyadong inlove ang loko.

Sa lumipas na tatlong taon, wala akong ginawa kundi ang palaguin ang negosyo ng pamilya namin. Trabaho kung trabaho ang nangyari, halos maging bahay ko na ang opisina dahil dito na ako halos natutulog.

Ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang magawa ang responsibilidad ko bilang panganay na anak. Hindi naman ako nabigo dahil mas nakilala pa ang negosyo namin dahil sa pagtatrabaho ko.

Nang matapos sa lahat ng dapat pirmahan ay tumayo na ako para puntahan sila sa sofa.

"Gerald, ikaw naman. Kumusta na?" tanong niya at naupo sa tabi nito.

Umiling lang si Gerald at ngumiti, "'Wag na nating pag-usapan."

"Napano ba?" tanong ni Quenzo.

"Ayokong magpakasal, okay?".

"Umay," natatawang sabi ko. "Ayaw o may hinihintay?"

"Ulol!" pagmumura nito sa akin at inirapan ako.

Pa-virgin talaga 'tong isang 'to. Akala mo talaga.

"Ikaw, kumusta?" tanong ni Quenzo.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niyang 'yon.

Once Upon A TimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt