Kabanata 11

60 3 2
                                    

I was just staring blankly at the window outside. Nakailang buntong hininga nadin ako. Nakakainis! Nakakahiya talaga kahapon.

Pero parang mas nakakahiya kung makikita ko pa siya ngayon. Lalo na matapos ko siyang takbuhan kahapon sa sobrang hiya na nararamdaman ko.

"Uy, anong nangyari sayo?" Dave asked.

Napatingin tuloy sa aming dalawa si Jiro. "Oo nga, Nicky. Kung kailan maayos na kami ni Dave, ikaw naman ang weird." kunot-noong sabi nito.

"Saan kaba nanggaling kahapon? You ditch us!"

"Dave, I didn't, okay?" mahinahong sabi ko, halatang walang gana. "I did that to give the two of you enough time to talk." dagdag ko pa.

Wala talaga akong gana ngayong araw. Lantang-lanta ako. Kulang nalang ay hindi ako lumabas dito sa classroom, natatakot na makita ko siya at makasalubong man lang.

"Ano ba talagang nangyari?" nag-aalalang tanong na nila sa akin.

Bumuntong hininga nanaman ako ulit.

"What if you-"

"Look at this, Nicky!" kumunot ang noo ko at sinamaan ng tingin si Loisa na bigla nalang sumulpot sa kung saan.

"Ano ba? Nag-uusap kami, Loisa!" inis na sabi sakaniya ni Jiro.

Namula si Loisa habang nakatingin sakaniya. Uh-oh, may nahulog ata.

"S-sorry, J-jiro.." namumulang sabi ni Loisa at bahagya pang yumuko.

Napailing nalang ako habang tinitignan silang dalawa. Para namang nasa palabas 'tong dalawa na 'to.

"Ano bang meron? Bakit bigla ka nalang sumusulpot?" masungit na tanong ni Dave.

Sinamaan ko siya ng tingin ng makita na napalunok si Loisa. Lahat nalang tinatakot neto!

"Ano ba 'yon, Loisa?" tanong ko nadin.

Si Loisa ang kaisa-isang babae dito sa room na hindi ata ako inaayawan. Si Loisa lang din ang nag-iisang babae dito na walang kaplastikan kung kausapin ako.

"Nicky kasi.." parang nahihirapang sabi niya, hindi alam kung paano sasabihin. "T-tignan mo yung website ng Gasera.."

"Alin do'n?" tanong ni Jiro at nilabas ang cellphone niya.

"Gasera's love."

Kumunot ang noo ko, bakit kailangan ko namang tignan? Ano naman ang kinalaman ko sa mga nagcoconfess do'n?

"Nicky, kailan 'to?" kunot-noong tanong ni Jiro at pinakita sa akin ang cellphone niya.

Parang nawalan ako ng sasabihin ng makita ang nakalagay do'n.

Picture naming dalawa ni Jett 'yon kahapon sa Library. Noong hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa harapan niya. Kunot ang noo ko sa picture habang si Jett ay nakatitig lang sa akin. Meron pang isa na nag-uusap kaming dalawa. Nandito din yung picture noong niyakap niya ako sa likuran dahil tinagusan ako. At meron ding picture si Jett na nasa labas ng kwarto ko noong dinala ako sa clinic.

"Anong meron?" tanong ni Dave bago inagaw sa akin ang cellphone.

Parang nawalan ako ng lakas sa mga nakita ko. Paano? Paano nagkaroon ng ganyang mga litrato?

"Nicky..ikaw yung usap-usapan sa buong Academy ngayon." nag-aalalang sabi ni Loisa.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi alam kung ano ang dapat gawin.

Anong sasabihin ko?

Wala namang meaning ang mga 'yon.

"Breaking News: Jett spotted with a girl. Are they dating? Or they are having a secret relationship? What do you think?" basa ni Dave sa caption.

Nakatitig silang tatlo sa akin ngayon. Mga nagtataka.

Napayuko ako. Paano ko ipapaliwanag?

"Nicky," napatingin ako kay Dave, umiiling siya sa akin. "Alam mo ba kung anong gulo ang pinasok mo?" nag-aalalang tanong niya.

Napalunok ako. Kahit si Dave alam kung gaano kaseryoso ang usapin na 'to.

"That was...nothing, Dave." mahinahong sabi ko.

"At sa tingin mo maniniwala sila na wala lang lahat ng 'to?" tanong niya na ikinatahimik ko.

"Tama si Dave, Nicky." napatingin kaming lahat kay Loisa na bigla nalang nagsalita. "Pasensiya na kung makikisali ako sa usapan pero tama siya. Kahit anong paliwanag mo, hindi pakikinggan ng mga estudyante 'yon. Sa balita na 'to, ikaw ang dehado." malungkot na sabi niya sa akin.

Jett and I was never in a relationship, but ofcourse who would believe me? No one.

For the first time, one of the Academy's Princes was spotted with a girl. Kaya sinong maniniwala na wala lang 'yon?

We looked so sweet with those pictures na kahit na sino aakalaing may something.

"They are here." napatingin ako kay Dave na biglang nagsalita.

Seryoso siyang nakatingin sa pintuan, napatingin din kaming tatlo doon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita silang apat.

"We are here for Jade Nicole, is she here?" narinig naming tanong ni Richard.

Napatingin sa pwesto ko ang lahat kaya kahit silang apat ay napatingin na din.

No one was talking, as if the four of them took everyone's breath away. Lahat nakatingin lang sakanila habang naglalakad sila palapit sa lugar ko.

Mga nakapamulsa habang walang mga reaksyon ang mga mukha.

"So, you're Nicky." tumatango-tangong sabi ni Richard. Tumango nalang din ako sakaniya. "We are here to invite you for a talk." dagdag niya.

"Hindi pwede." lahat kami napatingin kay Dave, seryoso din siya habang nakatingin sa apat. "Baka kung anong gawin niyo sa Nicky namin." dagdag niya pa.

"So, Nicky?" napabuntong hininga nalang ako at tumayo na.

"Dave, Jiro, Loisa, salamat ah? 'Wag kayong mag-alala, sandali lang ako."

"Nicky!" narinig ko pa ang tawag ni Jiro pero hindi na ako lumingon.

Sumunod nalang ako sakanilang apat. Kabado padin. Kinakabahan ako.

Nakarating kami sa hideout nilang apat.

"Upo ka. 'Wag kang mahiya." nakangiting sabi sa akin ni Gerald.

I must say that Gerald has the most friendly aura.

"Anong pag-uusapan natin?" direct to the point na tanong ko.

Nagkatinginan silang apat. Parang hindi inaasahan ang biglaang pagtatanong ko.

They have that amuse smile with their face. As if they didn't expect that question from me.

"Wow, brave." nakangising sabi ni Quenzo.

Inirapan ko siya. "May gagawin pa ako. 'Tsaka nagugutom nako, eh."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jett kaya napatingin ako sakaniya. Sumeryoso siya ng makita ang tingin ko sakaniya.

"Alam mo na siguro kung bakit ka namin gustong kausapin 'diba?" napatingin ulit ako kay Richard na seryosong nakatingin din sa akin.

Sa totoo lang, nakakatakot siya. Sobra.

Tumango ako, nagpanggap na hindi natatakot.

"We are here to convince you to be his girlfriend." sabi ni Quenzo at ngumisi ulit.

"What?" gulat na tanong ko.

"Be my girlfriend, Nicky." napatingin ako kay Jett.

I'm waiting for him to take his words back, but he didn't. He was just seriously looking at me, as if I have no choice but to be his girl.

To be Jett's girl. Wtf?

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon