Kabanata 22

50 3 1
                                    

Napahawak ako sa mukha ko habang nakatingin sa text sa akin ni Jett.

From: Honey ♡

Good Morning, Sunshine! Don't forget to eat your breakfast. Pinahatid ko na diyan. I love you ♡

Ramdam ko ang init ng buong mukha ko. Simpleng text message lang pero hindi ko maikalma ang sarili ko.

Para akong tanga na nagpaikot-ikot dito sa kama ko habang yakap-yakap ang cellphone sa dibdib ko. Nakangiti lang ako habang ginagawa 'yon.

5 months na kami ni Jett. Ang totoo niyan, hanggang ngayon kinikilig padin ako. Parang hindi nasasanay.

Hindi kagaya ng ibang couples na habang tumatagal ay lalong nagkakalabuan, ibang-iba ang relasyon namin ni Jett. Kasi habang tumatagal, lalo ata akong nahuhulog sakaniya.

He's so sweet!

Sa sobrang sweet niya pakiramdam ko ang swerte-swerte ko kasi ako ang gusto niya. Na kahit may mga schoolmate kami na crush na crush siya, meron mang mga nagkakagusto sakaniya na nagbibigay padin ng cards sakaniya kahit na may girlfriend na siya ㅡni isa do'n wala siyang inentertain.

Mapapasabi nalang ako sakanila ng, Back off, I'm the girlfriend. Ahhh! Kilig!

Masayang-masaya akong naligo. Pakanta-kanta pa ako. Umikot-ikot pa ako sa salamin habang tinitignan ang sarili ko na nakasuot ng uniform namin. Nakangiti ako habang inispray ang pabango ko.

Habang nakatingin sa salamin, kitang-kita ko kung gaano ako kasaya. Kakatapos lang ng exam namin pero kahit na gano'n, hindi halata sa mukha ko ang stress. More on, inspired ako. Kitang-kita ang ngiti ko kahit na gawin kong seryoso ang mukha ko. Kahit sa mata ko makikita na masaya talaga ako.

For the past five months of being officially together, never kong naramdaman na nagbago na siya o nanlamig manlang. Kasi sa bawat araw na lumilipag? Lalo siyang nagiging sweet.

Naging kasundo ko na nga rin ang mga kaibigan niya.

Pagkalabas ko sa dorm ay napangiti nalang ako ng makita siya, may bulaklak pa na nakaharang sa mukha niya.

Natawa ako at nilapitan siya, "Wow, ang aga-aga," natatawang sabi ko.

Nakangisi siya ng abutin ko ang bulaklak. "Breakfast delivery!" energetic na sabi niya at inabot sa akin ang paper bag na naglalaman ng breakfast ko.

Ganito siya araw-araw. No matter how busy he is, he always find time just to be with me.

"Akala ko ba may practice kayo?" nagtatakang tanong ko.

Kahapon kasi, nagpaalam siya sa akin na baka missing in action daw siya buong araw dahil may practice sila para sa gig nila. Ang yes, my boyfriend is part of the band. How cool, right?

"Priority kita," nakangiting sabi niya bago ako halikan sa noo.

Napangiti nalang ako sa pagiging sweet niya. Magkahawak kamay kaming naglalakad papuntang Cafeteria. Doon kasi namin naisipan kumain, dala-dala nadin syempre ang mga binili niya.

Ang bulaklak naman na bigay niya ay nilagay ko nalang muna sa dorm. May klase pa kasi kami ngayong araw.

Marami ang napapatingin sa aming dalawa. Tatlong buwan niya din akong niligawan bago ako mapasagot, finally. At sa loob ng limang buwan na officially ay sinagot ko na siya ay nasanay nalang din ako sa tingin ng mga estudyante sa paligid namin.

Sino na ang hindi mapapatingin sa isang Jett Bryce Ladezma, right?

"Ang kalat mo kumain," nakangiting sabi niya at pinunasan ang labi ko.

"Corny," nakangiwing sabi ko.

Umiling nalang siya habang pinipigilan ang pagngiti, "Kunwari kapa, kinikilig kalang eh," sabi niya at tinataas-baba pa ang kilay.

"Ay, ang lakas naman po," natatawang sabi ko.

Nag-pogi sign siya sa harap ko at kinindatan pa ako. The usual Jett.

"Ako lang 'to, 'wag ka masyadong mahulog," natatawang sabi niya.

Natawa nalang din ako sa kalokohan niya.

Siguro isa 'yon sa dahilan kung bakit walang malungkot na araw sa aming dalawa. Kasi lahat din ginagawa niya para sumaya ako. Sa bawat araw na lumilipas, palagi akong may nalalaman sakaniya. Na minsan naiisip ko na ang dami pala niyang characteristics na hindi alam ng iba. Na ang swerte ko kasi sa akin niya pinapakita.

Like, I'm the girlfriend! /*flipped hair/

"Sunduin kita mamaya, ah?"

Ngumuso ako sakaniya at umiling.

"May practice kapa, magkita nalang tayo sa concert."

Umiling din siya sa akin, "Susunduin kita," nakangiting sabi niya. Nagpapa-cute nanaman.

Kahit gaano pa siya ka-cute ay umiling padin ako.

"Magkita tayo sa concert. 'Wag masyado magpa-pogi," bilin ko sakaniya.

"Yes, Hon!" nakangiting sabi niya.

"Kapag may humarot sayo anong sasabihin mo?"

Ngumisi siya, "'Wag po, jutay po ako," sabi niya at ngumuso pa.

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Alis na!" sabi ko sakaniya bago siya halikan sa pisngi.

Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko.

"Have a nice day, Hon," sabi niya bago ngumiti sa akin.

Kinawayan ko siya ng magsimula na siyang lumakad palayo. Bawat hakbang ay tumitingin siya sa akin kaya natatawa nalang ako.

"Alis na!" natatawang sigaw ko sakaniya.

Nag-flying kiss siya sa akin, corny talaga nito.

"I love you, Jade!" sigaw niya bago tumakbo paalis.

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan ang mga estudyante dito sa paligid na nakatingin na ngayon sa akin. Nakakahiya talaga!

Hiyang-hiya ako pero hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakahiya pero ang cute.

"Aba, ngiting-ngiti ah," pang-aasar sa akin ni Jiro.

Umiling nalang ako sakaniya at nginisian siya. "Oh," abot ko sakaniya sa paperbag.

May pinapabigay kasi sakaniya si Jett, sa kanilang dalawa ni Dave. Pinangako niya daw kasi 'yon.

"Nice!" sabi ni Jiro bago kinuha ang paperbag, "Dave, oh!" sabi niya at inabot naman ang kay Dave.

Napailing nalang ako sa dalawang kaibigan ko. Kung makaarte ang mga 'to akala mo mahirap na walang pambili, kung tutuusin barya lang sakanila 'to, eh.

"Kuripot niyo!" nakangiwing sabi ko sakanila.

Nakangisi lang sila habang kinakain ang pagkaing inabot ko.

"Buti nalang may boyfriend na si Nicky, hindi na ako gagastos kakabili ng lunch niyo," natatawang sabi ni Dave.

Umiling nalang ako sakanilang dalawa. Parang mga engot talaga.

"Kaya hindi kayo nagkaka-girlfriend, eh."

Tumingin sila sa aking dalawa. Mga nanlalaki ang mga mata.

"Ako? May girlfriend ako, ah. Madami!" sagot ni Jiro.

"Mas madami naman ang akin!" sagot naman ni Dave.

Napailing nalang ako sakanila.

Minsan hindi ko nadin alam kung bakit andaming nagkakagusto sa mga itlog na 'to, eh. Kung umakto parang mga bata.

Paano nagustuhan ng mga babae 'to?

Once Upon A TimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora