Kabanata 26

46 1 0
                                    

"I passed the try out, Hon!" tumatalon-talon na sabi ko habang nakayakap sakaniya.

Ngayon sinabi kung sino-sino ang nakapasa sa try-out. And luckily, I'm one of those few students who passed.

How lucky!

"I told you!" proud na sabi niya at niyakap din ako pabalik.

Hindi ko mapigilang mapaluha sa sobrang saya.

"Hey, why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Jett at balak na sanang bumitaw sa yakap pero mas lalo ko lang hinigpitan ang kapit sakaniya.

"I-I'm just happy," sumisinghot na sabi ko.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko, "You deserve all the happiness in the world, Hon."

Mas lalo akong napaluha dahil sa sinabi niya. I didn't know that a man like him really do exist.

Kapag pinanghihinaan na ako ng loob, palagi siyang nandiyan para iparamdam sa akin na nandoon lang siya at nakasuporta. Kapag umaayaw na ako, hihilain niya ako pabalik para sumubok ulit. Kapag kinakabahan ako, binibigyan niya ako ng dahilan para maniwala. At kapag pinagdududahan ko ang sarili ko, palagi parin siyang nandiyan para sabihin sa akin na kaya ko, na magtiwala lang ako.

He's always there even I'm at my worst state. He's the best.

"Shh," pagpapatahan niya sa akin at marahang sinusuklay ang buhok ko.

"Jett," tawag ko sakaniya.

"Hmm?" malambing na sabi niya.

"I love you.."

At dahil yakap ko siya, ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya. This is my favorite place, inside his arms and being embraced by him.

"I love you too, Jade," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

He do that always, na parang parte na ng araw niya ang halikan ako doon. Which makes me fall for him more, deeper than before. Well, siguro kahit hindi siya gano'n ay mahuhulog at mahuhulog padin ako sakaniya ㅡas long that it's him, that it's my Jett. I always see myself in the future being inlove with the same man I loved now.

"Congrats!" sabay na sabi nila Jiro at Dave at niyakap ako.

"Ang prinsesa namin, unti-unti ng sumusubok sa mga bagay-bagay," parang tatay na sabi ni Jiro ng pakawalan nila ako sa mahigpit na yakap.

"Oo nga," nakangiting sabi ni Dave. "Parang dati lang, umiiyak kapa kapag hindi mo ma-gets yung lesson ah."

Napangiwi ako sa sinabi nilang dalawa at kalaunan din ay napangiti.

Kasama ko silang dalawa ngayon. Nandito kami sa classroom, binalita ko sakanila na nakapasa nga ako. Nagpaalam kasi sa akin si Jett kanina na sasamahan niya muna daw ang mga kaibigan niya dahil problemado daw si Gerald.

I fell for him more because of that. Kasi kahit na may girlfriend na siya, which is ako nga. Hindi niya padin nakakalimutan yung mga kaibigan niya. Gano'n naman kasi talaga dapat. Hindi porket nakita mo na yung taong mamahalin mo, kakalimutan mo na yung mga kaibigan mo. Dapat isipin niyo na sila yung nandiyan noong mga panahong hindi kapa nagmamahal.

Love your partner without fogetting your friends in the process.

"Ilibre niyo ako," natatawang sabi ko sakanila.

Napasimangot si Dave sa narinig, "Luh, sino ka?" biglaang sabi niya.

Ganoon din si Jiro na kumunot ang noo habang nakatingin sa akin, "Kilala kaba namin, Miss?" sabi nito at umarte pa na parang hindi talaga ako kilala.

Once Upon A TimeМесто, где живут истории. Откройте их для себя