Kabanata 09

60 5 1
                                    

"Ano wala ka talagang reaction?" Jiro asked for the fifth time already.

He was asking me the same question since yesterday. As if may magbabago kapag kinulit niya ako ngayon, as if naman magsasalita na ako tungkol sa naging reaksyon ko kahapon.

I was in my deep thoughts yesterday. I was scared, okay? Kasi hindi lang ako ang naka-abang kay Mr. Sender, hindi lang ako ang nakakaalam ng existance niya. Almost all of the students here knew about him, they just don't know him personally. They are shipping us kahit na hindi pa naman nila kilala kung sino nga 'yon.

"Nasaan ba si Dave? Bakit hindi nalang siya ang kulitin mo?" I asked, trying to change the topic.

"Ilang beses mo na bang iniba ang topic natin simula kahapon?"

"At ilang beses mo ba akong kukulitin?"

Bumuntong hininga nalang siya at tinaas ang kamay, sign of defeat. Napangiti ako. Atlast I'll have my peace.

"So, nasaan si Dave?" tanong ko sakaniya. "I thought we're having a dinner?" dagdag ko pa.

We're here in the Dining Hall of the Academy. Marami-rami din ang estudyante ngayon gabi. Some are laughing while talking to their friends. Some are having their dinner with their so-called-boyfriend. And some are just...alone.

"Hindi ko nga alam, eh. Kanina ko pa nga 'yon tinext." sabi niya bago ulit ilabas ang cellphone. "Look, wala siyang reply kahit isa." dagdag pa niya at pinakita sa akin ang conversation nila.

Jiro: Don't forget our dinner with Nicky.

Jiro: pumunta ako sa dorm mo, wala ka. Saan ka?

Jiro: mauuna na kami ni Nicky, dude.

Jiro: oy! Nasaan kana ba?

'Yan ang mga tinext ni Jiro kay Dave, pero sa lahat ng 'yon ㅡnananatiling walang reply si Dave. Which is odd, strange.

Dave will never ever ignore our message.

"Nasaan ba daw kasi?" I asked Jiro again. "Baka naman may lakad na sinabi sayo?" dagdag ko pa.

Kahit kailan kasi hindi pa kami inindian ni Dave, he never forgets about our plans. Madalas nga ay ako pa ang nakakalimot ng mga lakad naming tatlo. But, Dave? Never. Laging nakalagay sa note niya lahat ng gagawin niya kaya paano niyang makakalimutan? Nasa reminder 'yon ng phone niya!

And just the thought of him not replying to Jiro's message added up to my panic.

"Baka na-late lang." sabi ni Jiro kahit na halata na pati siya ay nag-aalala na.

Thirty minutes had passed and still, there's no trace of Dave.

"Nakalimutan niya ba? Baka lowbat yung phone?" tanong ko ulit kay Jiro.

Unti-unti ng umaalis ang mga estudyante dito sa Dining Hall, naka-tatlong baso nadin ako ng mango juice. Nabusog na ako sa kakainom sa sobrang kaba. Thinking of all the posibility.

"Nicky, just.." natigil si Jiro sa pagsasalita at napatingin sa likuran ko. "Fuck you, Dave!" sabi niya na parang nakahinga ng maluwag.

Lumingon din ako sa likuran ko only to find Dave smirking while walking. Nasa bulsa pa ng suot niyang faded jeans ang kaliwang kamay niya habang hawak-hawak ang cellphone sa kanang kamay.

"Sorry," natatawang sabi niya bago umupo sa tabi ni Jiro. "Nasobrahan sa tulog." sabi niya at tumawa na talaga.

Inis na tinapon ko sakaniya ang tissue. "Kainis 'to!" inis na sabi ko.

Parang tanga na nag-panic ako para sa taong natutulog lang pala sa dorm niya.

Tumatawa padin si Dave habang si Jiro ay nananahimik lang. He's not talking as if he's some deep thoughts. Para siyang nalulunod sa kung ano man ang iniisip niya, nakakunot pa ang noo na parang may hindi maintindihan. Weird.

"Jiro.." para naman siyang nagising at napatingin sa akin. "Are you okay?"

"Ah, yes. Order na tayo?" sabi nalang niya at binaba na ang tingin sa menu.

Hanggang sa maihatid ang order namin, nakatitig padin ako kay Jiro. Trying to read him. Kasi bigla nalang siyang natahimik pagdating ni Dave.

"Stop staring, ano ba." biglaang sabi niya habang naka-focus padin sa kinakain niya.

Napabuntong hininga ako at binaba ang tingin ko sa pagkain ko na halos hindi pa nangangalahati. Am I being paranoid? What if wala naman palang mali? And it's just my thoughts?

"Anong nangyari sainyo? Na-late lang ako, natahimik kayo."

"Ginutom mo kasi kami gago!" sabi ni Jiro bago tumawa. Now, he's back with his usual self again. "Ayan tuloy, pati si Nicky natahimik sa sobrang gutom." natatawang sabi nito bago dagdagan ang pasta na nasa plato ko.

"Ano ba!" inis na sabi ko sakaniya at sinamaan siya ng tingin.

"You have to eat. Ang tagal-tagal kaya ni Dave tapos 'yan lang kakainin mo?" nakangiwing sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. Ang totoo kasi niyan, busog na ako. And when I say busog, busog na busog. Sa sobrang tagal ni Dave nabusog na ako sa mango juice na iniinom ko kanina. Tapos malalaman ko na tulog lang pala siya kaya siya na-late?

"Nabusog ako sa mango juice." nakangusong sabi ko habang nakatingin sa plato ko na may pasta.

"Ayan, tulog pa, Dave." natatawang sabi ni Jiro.

"I'm sorry, okay? Hindi ko narinig yung alarm." nakangiwing sabi ni Dave.

Napailing nalang ako at tahimik na kumain. Something's wrong here, Jiro's strange so as Dave. I thought Jiro and I are in the same page, walang alam. Pero parang hindi, parang ako lang pala ang walang alam. Pareho sila no Dave, they are strange but they are acting like usual. Ayaw nilang malaman ng iba. At syempre hindi ako iba kaya nalaman ko.

Hanggang sa makabalik ako sa dorm ko ay gano'n padin ang iniisip ko. I don't know if I'm just overthinking or I really am right. Paano kung tama ako? O kaya, paano kung hindi?

Dapat ba talaga akong..maghinala?

They are my friends. May rason sila, meron. They will never do something na magiging dahilan para masaktan ang isa't-isa.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi normal dahil kadalasan ay 10 minutes bago magsimula ang klase ay tsaka lang ako papasok ㅡngayon hindi. Isang oras bago ang klase ay handa na akong umalis.

I didn't get enough sleep, bangag.

"Are you hiding something, Dave?"

Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Dave at Jiro. Dahil masyado pang maaga ay silang dalawa palang ang tao dito sa loob ng classroom. Their face was serious.

"Hiding what, Jiro?"

"May tinatago ka." sabi ni Jiro. Halata ang galit sa mga mata niya habang sinasabi 'yon.

"What are you talking about, Jiro?"

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok sa loob para matahimik sila. O dapat ba akong manatili nalang dito kung saan hindi nila ako nakikita para marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila?

I've been thinking about this since yesterday, and now, I'm about to hear the answers to my unspoken thoughts.

"Alam mong magagalit si Nicky."

"Jiro, ano ba talagang-"

"You were the sender, right? You are the sender Dave."

Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Gulat sa mga narinig, hindi makapaniwala. Sa lahat ng tao, sila, sila ang nakakaalam. Alam nila kung paano ko iwasan ang issue tungkol sa Sender na 'yon.

Nanatili ang mata ko sakanilang dalawa habang seryoso padin sila, lalo na si Jiro. Parang kahit anong maling salita lang mula kay Dave ay handa na siyang makipag-away.

"Hindi ka nagsasalita...and it makes me think that I'm right."

Pero nanatiling tahimik si Dave. Hindi kumikibo, hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil nakatalikod siya sa pwesto ko. Pero yung kay Jiro, kitang-kita.

Why don't you deny it, Dave? Bakit hindi mo itanggi?

Gusto kong sumigaw na sana itanggi niya, na sana hindi siya 'yon. I can't hurt him...he's Dave. A brother to me and a friend. How can I hurt him?

Just..deny it, Dave.

Once Upon A TimeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum