Kabanata 27

42 2 1
                                    

Nagsisimula na akong mag-practice as player ng Volleyball. Sa bawat araw ay nagiging busy nadin ako. Hindi kagaya dati na tuwing uwian ay wala na akong ginagawa, ngayon hindi na. Dahil kapag tumunog na ang bell at uwian na, ibigsabihin ㅡpractice na.

Nakakapagod at the same time masaya. I'm happy doing this. Worth it yung pagod sa bawat laro. Nakakatanggap din ng stress sa totoo lang.

Kaso sa bawat pagdaan ng araw, dumadami ang pasa ko. Siguro dahil nadin sa pagsalo at paghampas ng bola. Dumadating kasi sa point na kailangan mong dumapa para lang masalo yung bola na tinira ng kalaban.

"Oh, wala pa si Jett?" tanong sa akin ni Loisa.

Loisa is my classmate at the same time co-player ko din siya.

Umiling ako sakaniya habang umiinom ng tubig, "He texted me, may group meeting daw sila sa Library," sagot ko at sinara ang tumbler ni Jett.

Sakaniya talaga 'to, binibigay niya sa akin para daw hindi ako ma-dehydrate since nakakapagod daw ang practice namin.

Sweet 'diba? Mapapa-sanaol ka nalang kung single ka, eh.

"Hindi ba kayo nagkakaproblema kapag ganyan?" tanong ni Loisa at naupo sa tabi ko.

Tumingin ako sandali sakaniya bago ibalik ang tingin sa cellphone ko, "Hindi naman." sagot ko bago mag-compose ng message para kay Jett.

To: Honey♡

Hey, I'm done.

"Nagiging busy na kasi kayong dalawa. Hindi ba kayo nag-aaway tungkol do'n?" tanong niya ulit.

Natatawang umiling lang ako sakaniya, "Nah, we know our priorities. Lahat naman ng ginagawa namin suportado ng isa't-isa. I understand why he's late sometimes, it's not his job to fetch me. He's doing it because he want to. Kaya naiintindihan ko din," kibit balikat na sagot ko.

Napangiti ako ng mabasa ang reply ni Jett.

From: Honey♡

Wait for me, I'm now walking to fetch you.

Nakangiti padin ako at nag-compose ng reply.

To: Honey♡

Take your time. I love you

From: Honey♡

I love you too

Napangiti ako lalo dahil sa mabilis niyang reply. Wala paman atang isang minuto no'ng masend ko ang text na 'yon pero nakapag-reply na agad siya.

"You looks so inlove with Jett," nakangiting sabi ni Loisa habang nakatitig na pala sa akin.

Natawa ako sa sinabi niya, "Well, who am I to deny the truth, right?"

"I'm happy for you," sincere na sabi niya kaya mas lumawak ang ngiti ko.

For the past few days that I become an official player of Volleyball, Loisa become my friend. My only friend in the team, to tell you guys the truth. Ang iba kasi dito ay ramdam na ramdam ko ang kaplastikan kaya ako na mismo ang lumalayo. Unlike Loisa, here. Prangka siya kaya malalaman mo talagang totoo siya.

Nagulat ako ng may tumakip sa mata ko. Agad kong naamoy ang pamilyar na pabango kaya natawa ako.

"Stop the act, Jett. I know it's you," natatawang sabi ko.

Narinig ko pa siyang tumawa bago alisin ang kamay sa mga mata ko, "How did you know?" tanong niya bago iabot sa akin ang milktea ko.

Napangisi ako, "My heart beat fast. Maybe I can't see you but my heart can recognize you, Jett," nakangiting sabi ko bago sumipsip sa milktea na tinusukan niya na ng straw.

Nakita ko kung paano siya mapangiti dahil sa sinabi ko, "Payakap nga," natatawang sabi niya at yumakap sa akin.

"Pawis pa ako, kakagaling ko lang sa laro," nakangiwing sabi ko.

Naramdaman ko ang pag-iling niya sa balikat ko, "You still smell like a baby, my baby."

"Bola ka," natatawang sabi ko.

"Honest lang," natatawang sabi din niya. "By the way, I miss you." malambing na sabi niya.

Napangiti ako. Gaya ng sabi ko, nagiging busy na kaming dalawa. Hindi naman umiikot ang mundo sa aming dalawa kaya normal lang na dumating yung mga araw na kagaya nito ㅡyung masyado na kaming busy.

"I miss you too," nakangiting sabi ko.

"Kain tayo?" sabi niya matapos bumitaw sa yakap at tumayo.

"Sige," nakangiting sabi ko.

Kinuha niya ang bag ko at binitbit sa kaliwang balikat niya at hinawakan ang kamay ko.

"What do you want to eat, Hon?" tanong niya habang naglalakad kami.

"I want fries!" excited na sabi ko. Pakiramdam ko ay nagwala ang mga ahas ko sa tiyan dahil naiisip ko na ang fries.

"Ano pa?"

"'Yon lang," sagot ko at nagkibit balikat.

"You should eat more. Look at you, pumapayat kana," sabi niya sa akin.

Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi niya. I mean, lahat nalang sila sinasabi 'yon. Nakakasawa din kaya sa tenga.

"I'm not," inis na sabi ko sakaniya.

"Hey, why are you mad?" nagtatakang tanong niya.

Inirapan ko lang siya at hindi na sinagot.

I was silent the whole time we were eating. Wala talaga ako sa mood magsalita. He just ruined my mood!

"Hey, still mad?" nakangusong sabi niya habang nakatingin sa akin.

Inirapan ko ulit siya at sinawsaw nalang ang fries ko sa sundae.

"Hon," malambing na tawag niya pero wala paring effect sa akin.

Nah, I'm not marupok.

"Jade..." still, no response from me. "Fine."

Napatingin ako sakaniya na bumuntong hininga.

"Hindi kana pumayat, okay? You're fat na," sabi niya at ngumiti pa sa akin.

Well, I admit he's cute but still no.

"Are you saying that I'm baboy na?" lalong naiinis na sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at agad na umiling, "No, hey-"

Hindi ko na siya pinatapos at iniwanan ko na siya do'n. Bahala siya. Hindi ko na siya bati.

"Hey, joke lang," sabi niya na nakasunod sa likod ko. "Honey.." malambing na sabi niya.

Nakangusong hinarap ko siya, "You are so mean."

Lalong nanlaki ang mga mata niya, "Hey, I'm sorry, Hon."

Nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod. May narinig pa akong mga impit na tili mula sa mga nakakita sa amin.

Madaming estudyante na papunta sa Cafeteria ngayon, nasa labas lang kami ng cafeteria malapit sa exit kaya paniguradong may iba sa loob na nakakita din sa amin.

"I'm sorry, okay?" malambing na sabi niya. "Forgive me, Jade.."

Napakagat ako sa ibabang labi.

"Honey..."

Hinarap ko siya, ngumuso ako. "I'm not fat?" umiling siya. "I'm not payat?" umiling ulit siya kaya napangiti ako.

"What if I'll get fat in the future, what will you do?"

"I'll still love you," agad na sagot niya. "You're my priority, remember?" malambing na sabi nito bago ako halikan sa noo.

And with that, bati na kami.

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now