Kabanata 15

55 2 0
                                    

"Nicky!" nakita ko si Loisa, kasama ni Jiro. Nakangiti siya habang kumakaway sa akin.

Ngumiti din ako sakaniya at naglakad palapit sakanila.

"Wow! Ang aga-aga kayo nakikita ko, ah?" pabirong sabi ko sakanila at tumawa pa ng mahina.

Natawa din si Loisa at bahagya pang namula.

"Malapit na ang foundation week, Nicky!" excited na sabi ni Loisa at kumapit pa sa braso ko.

Napatingin ako kay Jiro na tahimik lang sa tabi, nakatingin lang siya sa akin. Malalim ang iniisip. Ngumiti ako sakaniya, nagulat siya at ngumiti din pabalik.

"Sinagot mo naba 'tong si Jiro, Loisa?"

Nanlaki ang mga mata ni Jiro, parang hindi inaasahan ang tanong ko kaya napangisi ako. "H-ha?" tanong ni Loisa bago namula.

Natawa ako ng malakas dahil sa naging reaksyon niya.

"Just kidding," sabi ko at kinindatan sila. "Magkita nalang tayo sa room, ah?"

"Wait, Nicky!" hindi ko na sila pinansin pa at kumaway nalang bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makalayo ay napabuntong hininga ako. Just smile, Nicky. Smile.

Nagpunta ako sa canteen para doon nalang kumain. Bibili lang ako ng isang sandwich para hindi na ako pupunta pa dito mamaya.

"Jett, akin na 'yan!"

Automatic na napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang pangalan na 'yon.

Is it him?

"Takbo pa, Gerald!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses bago ito tumawa ng malakas.

Just one glance. One glance.

Unti-unti akong tumingin sa gilid ko at nakita si Jett, hinahabol siya ni Gerald habang tawa naman siya ng tawa.

Atleast, he looks so happy.

Okay na 'yon. Masaya siya. I just need to stay away for him to be okay. Yes, that's right.

Nagulat ako ng magtama ang mata naming dalawa. Agad kong inalis ang ngiti ko kanina lang habang nakatingin sakanila, nagpanggap ako na hindi siya nakita at tumitingin-tingin lang sa paligid.

Dumiretso na ako sa counter at bumili na ng sandwich bago naglakad palayo.

Ramdam na ramdam ko padin ang titig niya.

"Jiro, Loisa!" nakangiting tawag ko sakanila at kumaway pa.

Parang nagulat pa sila at napatingin sa pwesto ko. Nakangisi akong lumapit sakanila.

That's right, Nicky. Avoid him. Make him hate you.

"Oh, akala ko mauuna kana?" tanong ni Jiro ng makalapit ako sakanila.

Ngumisi nalang ako sakanilang dalawa ni Loisa.

"Gusto mo lang masolo si Loisa, eh," pang-aasar ko sakaniya.

Napahalakhak ako ng makita ang namumula niyang mukha.

Sino nga bang mag-aakala na ang isang Jiro na hindi nagseseryoso ay inlove na ngayon?

Mas narealize ko na ang dami na nga talagang nagbago. Hindi na kami kagaya noon.

"Bakit nga pala nandito ka? 'Diba dapat nasa room kana?" tanong sa akin ni Jiro.

Tinaas ko ang kaliwang kamay ko na may hawak na sandwich.

"Himala may pagkain ka?" natatawang sabi niya sa akin. "Dati si Dave lang nagdadala ng pagkain mo, eh." dagdag niya pa.

Once Upon A TimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora