Kabanata 34

52 1 0
                                    

Hindi mapakali si Shane, kanina pa siya nag-iikot para lang makita si Nicky. Halos hindi niya na alam ang gagawin para lang makita ang kaibigan niya. Naluluha nadin siya sa pag-aalala.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong tumakbo kanina. Hindi niya alam kung sinong pinangakuan nito.

"Nicky nasaan kana ba?" naiiyak na bulong niya sa sarili.

Kinuha niya ang cellphone niya para tawagan si Jiro.

"J-jiro.." naiiyak na sabi niya ng sagutin nito ang tawag.

"Nasaan kayo? Hindi ko mahanap si Jett! Hindi ko pa nasasabi sakaniya ang tungkol kay Nicky," sagot nito sa kabilang linya.

Plano nilang tatlo na ipaalam na kay Jett ang kalagayan ni Nicky. Na kahit na hanggang sa huling mga araw lang ng kaibigan nila ay maging masaya ito.

Ang totoo niyan, hindi niya matanggap. At hindi niya ata matatanggap.

Si Nicky lang ang taong nakilala niya na hindi siya nilayuan.

In the Academy, she's like an outcast. She have no friends not until she met her at the field.

'Yon na ata ang araw na hindi niya pinagsisisihan. Ang kauna-unahang pagka-cutting niya ay worth it naman pala dahil nakilala niya si Nicky.

"S-si Nicky, Jiro.." tumulo na ang mga luha niya dahil sa labis na pag-aalala.

"Ha? Napano? Nasaan?" rinig niya ang pag-aalala nito sa kabilang linya. "Napano daw?" narinig niya ang boses ni Loisa.

Malaman ay magkasama ang dalawa.

"T-tumakbo siya! Hindi ko siya makita, Jiro! Si Nicky.." umiiyak na sabi niya.

Nagpapanic na siya sa sobrang pag-aalala.

Napakadaming what if's ang tumatakbo sa utak niya sa mga oras na 'to. Halos hindi na siya makahinga sa dami ng mga pangyayaring naiisip niya.

"Ano? Susubukan naming hanapin! Tatawagan ka nalang namin," sabi nito at binaba ang tawag.

Halos lahat ng estudyante ay tinitignan niya, nagbabakasakali na isa sa mga ito si Nicky ㅡpero wala. Hindi padin niya makita.

Aligaga siyang tumakbo ulit ng bigla siyang may mabangga.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Quenzo, isa sa mga kaklase niya.

"A-ah, sorry!" sabi niya.

Hindi niya na narinig ang sinabi nito ng bigla nalang mag-ring ang cellphone niya.

"Jiro? Ano na? Napano?" agad na tanong niya matapos sagutin ang tawag.

"Hindi pa namin nakikita, ikaw?"

Napakagat siya sa ibabang labi. Bumalik nanaman ang kaba niya.

"K-kasalanan ko, sorry!" tumutulo na ang mga luha niya, kakaisip kung ano na ang pwedeng mangyari sa kaibigan.

"Wala tayong panahon para magsisihan, nahanap mo naba?"

"Hindi ko pa.. h-hindi ko pa nakikita si Nicky."

Halos itapon niya ang cellphon niya ng bigla nalang itong mag-shutdown. Lowbat na pala.

"Nicky nasaan kana ba kasi!" umiiyak na sabi niya at napaluhod nalang sa sobrang pagod.

Kanina pa siya nag-iikot. Halos lahat ng sulok ay tinignan niya na pero hindi niya padin makita ang kaibigan. Hindi pa nakatulong ang dami ng estudyante na nagkakalat sa paligid.

Napatingala siya ng may biglang mag-abot ng panyo sakaniya. Nakita niya si Quenzo na nasa harapan padin niya, nasa likod nito ang tatlo pang mga kaibigan.

"Here, take this," sabi nito at inabot sakaniya ang panyo.

"Sinong Nicky ba ang hinahanap mo? Tulungan kana namin?" sabi ni Gerald.

They looked so wasted dahil nadin sa video na nag-play kanina pero nagawa pa nilang mag-alok ng tulong sakaniya.

Namamaga pa ang mga mata ng mga 'to, senyales na galing sila sa pag-iyak. Si Richard na nasa likuran nila ay nakatulala lang, halos hindi nagsasalita. Hindi pa nga ata napapansin ang presensya niya.

"S-si Nicky ng...ng class-B," sabi ko bago punasan ang mga luha.

Tumayo na ako at aalis na sana ng bigla nalang magsalita si Jett.

"S-si Jade?" tanong nito, nakuha niya ata ang atensyon nito dahil sa sinabi niya.

"A-ah oo," sagot niya.

Gustong-gusto niya ng sabihin dito ang totoo pero hindi niya magawa. Lalo pa at kakagaling lang ng mga ito sa pag-iyak, parang hindi niya kakayaning bigyan nanaman ng problema ang mga 'to lalo na si Jett.

Nagulat nalang si Shane ng biglang tumakbo paalis si Jett, nagkatinginan si Quenzo at Gerald ㅡparang alam na ang dahilan kung bakit ito tumakbo paalis.

"Sasamahan kanalang namin," sabi ni Gerald at ngumiti ng pilit.

Umiling siya, "W-wag na, m-magpahinga nalang kayo," sabi niya.

Umiling lang ang mga 'to at sumunod padin sakaniya.

Halos hindi siya makahinga dahil sa presensiya ng mga ito sa likuran niya.

--

Takbo ng takbo si Jett, hindi alam kung saan pupunta. Kagagaling lang niya sa pag-iyak dahil sa nangyari kanina pero eto nanaman siya, tumatakbo ㅡparang walang kapaguran para lang mahanap ang babaeng gusto niya.

Hindi niya alam kung bakit dinala siya ng mga paa niya sa field. Wala ng tao dito, tanging ilaw nalang na nanggagaling sa buwan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Hindi man sigurado kung nandito si Jade ay sinubukan niya.

Patuloy lang siya sa paglalakad ng bigla nalang siyang may masipang kung ano.

Yumuko siya at tinignan kung ano 'yon at gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata niya sa nakita.

Isang babae! Babaeng walang malay at nakahiga sa damuhan dito sa field.

Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso niya. Nahaharangan ng buhok nito ang mukha ng babae kaya hindi niya alam kung sino 'to.

Dahan-dahan niya itong hinarap at parang nawalan siya ng hangin sa katawan ng malaman kung sino ang babaeng walang malay.

May dugo sa ilong nito, madilim pero kitang-kita niya ang putla nito. Parang wala ng buhay ang dalaga.

Pakiramdam niya ay may tumutusok sa  dibdib niya habang nakatingin sa dalaga.

Panibagong luha nanaman ang tumulo sa mga mata niya.

"J-jade? Hon! G-gising!" sabi nito at pilit na ginigising ang dalaga.

Pero nanatili itong nakapikit. Tinignan niya ang pulso nito at lalong sumikip ang dibdib niya.

Mahina na ang pagtibok ng puso nito. Halos wala ng buhay.

Walang pagdadalawang isip niyang binuhat ang dalaga. Abot sa langit ang takot at kabang nararamdaman niya pero tinatagan niya ang sarili niya.

Nanlalambot man ang tuhod niya pero mas pinilit niyang tatagan ang sarili para madala ito ng ligtas sa Hospital.

"Hang on, Hon. Hang on," paulit-ulit na sabi niya kahit pa alam niyang hindi siya nito naririnig.

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now