Chapter 47

1.6K 52 9
                                    

Hindi ko parin maproseso sa utak ko ang lahat hanggang ngayon. Ilang araw na ang nakalipas mula nang huli naming pag-uusap ni Axel at mula rin n'on 'di pa kami nagkikita.

Sinasampal ko ang sarili tuwing nagigising ako sa umaga at bago ako matulog sa gabi mula nang araw na 'yon. Hindi lang 'yan, hindi rin ako pinapatulog ng mga thoughts ko! Feeling teenager ko naman, nakakainis!

Pakiramdam ko kasi nahihipnotismo ako since that day. I also noticed how I smiled when I'm literally doing nothing at all. Ang weird lang.

Is that what they called delikado kana? It is!

Axel became busy with his work, that's what I heard from news and read from articles that are passing by. Lie low din muna ang Eclipse for they're more focusing on the careers, plus mas pinush ang promotion ng solo ni Evan.

And ang alam ko nagkaroon din ng bagong project sina Axel na located sa LFC naman after nang nila sa La France Avenue. Mukhang totoo nga na busy siya these days which is a good thing for me. Hindi ko siya makikita, if ever baka hindi ko kayanin dahil sa hiya!

We kissed.... no! We actually make out! Muli na namangnamula ang pisngi ko nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. I unconciously pursed my lips together.

Alam kong kanina pa naw-weirduhan si Wyn sa mga kinikilos, just based on how she's staring at me with a disgust on her face. Baka nga iniisip niya nababaliw na ako.

"Kumain kana, tama na pananakit sa sarili." Bungad nito, nakabihis na siya at handang handa na para umalis. "Bilisan mo! Ngayon mad-discharge si Tita, for sure and'on din ang half sis mo! Ano? Sure ka bang ready kang makita sila? Pwede namang ako—"

"Ano ako weakshit?" Pagputol ko bago umirap.

Umupo ako sa tapat nito at nagsandok na. I'm seriously wondering on what should I do after. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sisimulan na tanungin kay Wyn.

"Ay, hindi siya sure!" Tawa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin pati narin ang pang-iinis niya at nagfocus na lang ako sa pagkain ko. We are just eating with her chikas on me as usual. Ang aga, napakachismosa!

Naghugas ako ng pinagkainan namin pagtapos at nagpunas narin ako ng lamesa dahil siya na raw ang nagluto para gawin pa 'yon. Hindi na lang ako umangal pa rito para wala ng talak na matanggap sa kan'ya.

Nang matapos ako, nagpunas ako ng kamay sa basahan na nasa may fridge. Dumaan siya sa tabi ko para kumuha ng baso, nag-excuse din ito para kumuha naman ng baso mula sa ref.

"Ay nga pala, yung blazer ng lalaki mo naiwan niya rito. Wait, kunin ko!" She said,

Binitawan niya muna saglit ang baso sa lababo. She hurried up to go inside of my room.

"Lalaki ko?" Pasigaw kong tanong, confused.

Lalaki ko? Gusto kong matawa. Siraulo!

Lumabas din siya mga ilang minuto lang at may bitbit na isang itim na blazer. Binato niya 'yon sa akin na nasalo ko naman, kaso nga lang tumama ng konti sa mukha ko. Nang maamoy ko ang pamilyar na amoy na nanuot sa blazer na 'yon alam ko na agad na kay Axel 'to.

Naiwan niya pala? Kaya pala.

"Oo, lalaki mo. Ay mali, ex mo nga pala." Ngisi niya bago nag-peace sign after when I glared at her. "Teka, asan na ba 'yong isa mo pang ex? Oras na, ah!" Tinaas niya ang sleeves ng suot niyang hoodie upang tignan kung anong oras na sa wrist watch nito.

Ang hilig niyang banggitin ang ex thing! Hindi ko na lang binibig deal dahil totoo naman.

Talak nang talak si Wyn, talaga nga naman! Naalala ko tuloy nang college pa lang kami, ang dami niyang nakakaaway sa campus. Paano ba naman hindi niya mapigilan ang bibig niya.

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now