Chapter 21

1.6K 56 25
                                    

I was hesitating when I opened my phone again. Hindi naman ito lowbat or what, puno pa nga ang charge nito kasi naka-off lang siya mula nang pumunta kami dito sa La Granciaga.

I sighed for the nth time. Ilang buntong hininga na ba ang nagawa ko habang nakatingin sa phone ko?

Nakatingin lang sa akin si Axel na tulad ko nakaupo rin sa kama ang pinagkaiba namin is ako malikot ako at patayo upo, siya naman ay kalmado lang nakatingin sa akin. As in he was just there as if he's giving me a moral support.

"Hey," Tawag niya nang makita na pinatay ko lang ang phone ko at muling binuksan. "What if your mom is really worried about you? Just check it."

Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili. Nag-iisip pa kasi ako if uuna ko bang buksan ang inbox at i-chat na lang muna si Wyn or ano? Kaso what if may nakaiwan na message na si Mommy.

Umayos ako ng upo. Handa naman na ako sa consiquences ng pagsuway ko kaso habang patagal nang patagal mas lalo lang akong kinakabahan dito.

"What if she scolded me?" Mangiyak ngiyak na tanong ko, again, I sighed as I tried to calm myself. "Wala akong lakas ng loob." Nguso ko pa at nilingon siya.

Parang si Axel pa tuloy ang burdened dahil sa akin. Nag-iisip din kasi siya kung ano ang dapat gawin ko. As I told him Mom about Mom being so strict.

His expression didn't change but I think he's analyzing the situation first.

"How would you know if you keep on staring at your phone?" Tanong niya.

Mas tumulis ang nguso ko dahil may point ang sinabi niya. Pero isa kasi sa dahilan kaya ako ganito is gusto ko pang i-enjoy ang last day namin dito sa La Granciaga.

Dapat kaninang madaling araw pa ang uwi namin kaso biglang lumakas ang ulan kanina. We had no choice but to stay further. Kanina tumila ang ulan kaya maya na raw hapon kami uuwi.

"Kabado ako," Halos maiyak na ako habang sinasabi 'yon.

Malaya kong pinakita sa kan'ya ang kaba at frustration ko. Mom is scary especially she's extra mad at me. Ayoko rin kasing madamay pa si Wyn sa pagtakip niya sa akin. She also lied about me being in their house.

He came near me and put a way the phone in my hand. He put it first in the side table before he faced me.

"Edi 'wag muna sa ngayon," He said, he squeezed my hands. "Take your time and try to be calm first, para naman makapag-isip ka ng maayos." He added as he tried to make me calmer.

Totoo kasi na halos manginig na ako dahil sa sobrang kaba. He stood up and lend me his hand to help me to get up.

It's worth it to go here and to see Dad again but I feel bad disobeying her. This is too much, alam ko. The fact that I didn't tell her about it beforehand, mas lalong nagbibigay ng takot sa akin.

"I want to know it so bad." Bulong ko sa kan'ya nang makatayo na ako. "But I don't have a courage to do so."

I heard him sighed. I hope he won't feel bad about this either. Sariling desisyon ko ang pumunta rito kasama siya at ang hindi magpaalam. Alam ko naman kasi na hindi niya ako papayagan.

She always restrict me. Siguro personal feelings narin? Tho, I have the right to go here and meet my Dad, pinagkait niya ang bagay na 'yon mula pa noon.

"Do you want to go back in La Francè to make sure?" He asked, he made me face him. Inayos niya pa ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko. "Sach?" He raised his brows.

"No," I told him, ngumiti ako at pilit na munang huwag isipin ang sa ganap La Francè. "Why don't we just enjoy our stay before we go back. Tara, gala?"

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now