Chapter 46

1.6K 51 9
                                    

"Tuloy ka," I told Axel while opening the door of my unit wider so he can enter. "Hindi mo naman na ako kailangan buhatin, Axel. Sana tinawagan mo na lang si Wyn. I can walk on my own naman, e." I said, tighting my grip.

He didn't let me go home alone, sinermunan niya pa ako dahil ang likot ko raw kanina kita naman madilim ang daan paakyat sa mines view. I can't argue and I don't have a chance to reasoned out, binabanatan ako ng facts, e.

He literally carried me until we reached my unit. Nahihiya nga ako kaninang papasok kami ng condo dahil pinagtitinginan kami ng mga tao at gan'yan pa sila kung makatingin! But this man doesn't really seems to care about their opinions and gossips!

Lumabas si Wyn muna sa kwarto ko. Her eyes widened when she saw Axel who's giving me piggy back ride back home. Tatalon na sana ako pababa rito nang maisip kong baka masaktan ko lang ang sarili ko. Huwag na.

"Okay, what's the meaning of this?" Tanong nito nang makabawi.

Her suspicious gaze landed on me, she's giving me a questioning look. Nag-pout lang ako as I mouthed I'll tell her about it later.

Axel didn't answer, nilagpasan niya lang si Wyn na walang ideya kung ano ang nangyari.

"Where's your room?" Axel asked me instead.

"On the left side," I said, pointing the creamy room. "Wyn will sleep with me tonight since the other room is Xavier's room." Kwento ko.

"I didn't ask," Masungit nitong saad.

I shut my mouth, napapahiya sa pagsusungit nito sa akin. Bakit ba ang sungit niya na naman?! As if he didn't made a confession!

Marahan niya akong nilapag sa kama, nahiga ako ng maayos and after that binalutan niya ako ng kumot. Pinatay niya ang ilaw ng kwarto ko at tumalikod na para umalis.

"Thank you for today," I genuinely said.

"Always." Kalmado nitong saad. "I will go ahead, see you around." He added.

"Ingat," Simpleng paalam ko rito.

Nakalabas na siya ng kwarto ko at ilang minuto paglabas niya pa lang, I heard him explaining to Wyn what should I do on my twisted ankle. Gusto kong matawa dahil sa bardagulan nila ni Wyn mula sa labas ng kwarto ko na abot pa sa kwarto. Rinig ko kahit na sinara kanina ni Axel ang pinto, bunganga pa ba ni Wynonna?

"Hindi ako katulong ni Sachi, huwag mo akong utusan! Kaibigan niya ako!" Saad ni Wyn na kinatawa ko. "Umalis kana nga, malaki na ang kaibigan ko, Fortugues!" Inis nitong sumbat.

"Don't you have any care for your friends?" Tanong pabalik ni Axel, bakas sa boses niya ang pagiging iritado. "Just tell me you will do what I reminded you to do then I'll go."

"Meron akong pake, duh! Pero kahit na, matanda na 'yon 'no, kaya niya na ang sarili niya!" Wyn clapped back.

Natahimik na sa labas hanggang sa narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng unit ko, napapikit ako ng mariin dahil sa tunog na likha n'on. Pagpasok ni Wyn ay inaalis niya agad ang feel-off mask na nasa mukha niya, padabog niyang tinapon 'yon sa trashcan.

Mukhang beastmood nga si gaga!

"Ano ba 'yang ex mo Sachleia, feeling jowa, ah!" Umiirap siyang ngumiwi bago sumampa sa kama at nahiga sa tabi ko. "Care to explain what is the meaning of this? Bakit kasama mo ang lalaking na 'yon at buhat ka pa pauwi? Why did you twisted your ankle at a random times? Nagd-date na kayo ulit?"

Napairap ako dahil sa sunod sunod na tanong nito. Bakas ang confusion sa mata niya, pati narin ang pag-aalala. Mukha ba kaming nag-date sa lagay na 'yon?! Ang dumi rin talaga mag-isip ng isang 'to!

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now