Chapter 16

1.7K 74 56
                                    

"Kumusta naman ang landi mo?"

Napairap ako dahil sa tanong ni Wyn. It was too early to talk about that thing.

I was focused on finishing my sketching with pencils when she talked. Hindi ko siya sinagot since I'm now applying a water colors to my designs. Ramdam ko na napatingin siya sa ginagawa ko.

Paubos narin pala ang pages nitong sketchbook na madalas kong ginagamit. I do really love collecting this stuff as if they're my own kind of treasure.

This year ata nakalima akong sketchbooks and puno 'yon ng mga designs ko. They have patterns kasi kaya it's so convinient to use.

I also love collecting drawing pencil from different places since when I was a little. Lalo na 'yong mga great for sketching basic outline such as HB, H, 4B and 2B, they're all my favorite.

Niligpit ko na ang mga gamit ko after ng final touch ko sa sketch ko. I'm satisfied on my work so I'll call it a day. Pansin kong nakatingin lang doon si Wyn, as if she's amazed on them.

"You're so great in that, 'no?" She praised my works. "Ganda, 'te!"

Ngumisi lang ako dito habang iniipon ang drawing pencils ko, I put them together with eraser and sharpeners in one pencil pouch. Mabuti na lang at hindi ko nilabas ang iba kong materials.

Hindi ko man lang namalayan na nakailang sketchbooks na pala ako this week lang. Inabala ko kasi ang sarili ko sa mga hobbies ko nitong nakaraan.

"Samahan mo ako sa nbs bibili ako ng mga materials, paubos na rin kasi ang pages ng sketchbooks ko e." Aya ko rito bago siya nilingon.

Inoopen lang nito ang mga sketchbooks ko kada pages. Hindi ko alam na mahilig din pala siya sa mga fashion designs? Ngayon ko lang kasi napansin.

"You surely has a taste." She said while opening other page. "These are unique but still can go fit on the fashion trend."

I shrugged it off with a confident smile on my lips. Tumayo narin ito after matignan ang lahat ng designs ko.

She agreed to go with me in the mall since she's bored, sa totoo lang three days na niya akong ginugulo about what happened between me and Axel.

Pasakay na kami ng jeep nang kulitin niya na naman ako na magkwento about that night and followed. I had no choice but to tell her na lang din.

I started to tell her as in what happened that night. I made sure na wala akong namissed out and it's all well detailed.

"Tapos? Omg ka, anyare na girl?"

"I literally ghosted him." I said.

Nanlaki ang mata nito but then she ended up laughing. Pinagtitinginan tuloy kaming dalawa sa jeep dahil sa lakas ng tawa nito. Minsan talaga parang gago lang 'tong si Wyn e, pinagtatawanan pa ang suffering ko.

"Tangina mo tulak kita pababa dito." Banta ko na wala man lang epekto dito.

"Ang ayos niyo, ang confusing ba?"

"I know right." Irap ko.

One week narin naman na and I cut my ties with him for a while, ay char lang pala doon sa may for a while na part.

Hindi lang ako nag online sa mga personal account ko sa social media. Nakatambay lang ako sa mga priv ko especially when I'm sad and dramatic.

"Pero alam mo bang hindi niya parin dinelete pic niyo so I assume na may something talaga." She suddenly said.

"Ewan ko? Hindi natin sure."

Pwede manahimik na siya na ngayon nakwento ko na? Tho, curious ako sa ganap sa kanila pero hindi naman ako marupok para tanungin sa kan'ya 'yon.

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon