Chapter 17

1.7K 64 27
                                    

"Ha? Putangina ano kamo?!"

Napatakip ako ng tainga dahil sa matinis na sigaw ni Wyn sa mismong tainga ko pa. Inirapan ko siya, hindi na ako natutuwa sa kanila.

"Sure ka ba d'yan, Sachi? Baka kasi nananaginip ka pa, gising gising din." Saad naman ni Pre na natatawa.

"True, baka kasi akala mo lang 'yon."

Tropa ko ba talaga ang mga 'to?

Inirapan ko sila isa isa maliban kay Tati na tahimik lang sa gilid. Tinatapos kasi nito ang HOA plates niya, nagc-cram daw ito sa sobrang daming ginagawa.

"Pakain ko kaya sa inyo 'tong t-square?" Turo ko sa t-square na dala ni Tati.

"Joke lang naman Sach, naks, haba ng hair natin ha!" Bawi agad ni Precious bago ngumiti ngiti sa akin.

Pinaghahampas naman nila ako ngayon sa sobrang kilig nila nang sinabi ko ano nangyari last week and ngayon lang ako nakapagkwento since ngayon lang chance namin na magkita.

From that day and up until now it's still feels surreal. Para ang gaan lang.

Pero hindi na ako natutuwa sa kanila. Kanina pa ako trip ng mga 'to e. Sumimangot ako pero natawa rin ako sa huli lalo na nang makita ko ang mukha ni Pre na nakamasid sa akin.

"Ang pangit mo, gago!" Hinampas ko ito ng panyo. "Char lang, labyu." Pabiro ko siyang kiniss ng matunog sa may pisngi.

"Teka wait lang, give way naman baka apakan niyo ang buhok ni Sach!" Singit ni Sach habang tinuturo ako.

Nagtawanan sila dahil sa sinabi nito bago pabirong binigyan ng daan ang buhok ko. Dahil sa tawa namin, pinatunog na nang librarian ang bell.

Sabay sabay kaming nagsiyukuan at tinatago ang mukha namin sa libro. Syempre maliban kay Tati na seryoso lang at focus lang sa ginagawa nito which is ang plate niya.

"Ingay niyo." Angal nito sa amin, inayos na niya ang triangles pati narin ang t-square nito. "Putangina, nagteleport na naman ba unipins ko sa bag ng iba?" Inis nitong tanong habang hinahanap.

She stopped when she realized things. Natatawang nakamasid lang ako sa kanila habang si Wyn naman is busy magreview dahil may quiz nga pala kami mamayang last subject.

Masama ang tingin na binaling nito kay Pre and Liz na mabilis na nagsiiwas ng tingin sa kan'ya. She sat properly as she crossed her arms and raised her brow.

"Ano ba 'to? Table?" Pabirong tanong ni Pre bago lakas loon na tumingin kay Tati. "Huwag mo nga akong tignan ng gan'yan wala sa akin unipins mo oy!"

"Lalo naman sa akin, 'no!" Depensa rin ni Liz sa sarili, ang hinhin niya naman pero naalala kong ang wild niya pala kapag lasing. "Wala talaga sa akin."

Tati sighed as she decided to continue final touching her plates silently. Wala na itong nagawa kundi tapusin na lang muna ang plate nito.

"Tapos na free cut natin niyan e." Saad ni Pre na nakangiwi sa amin. "Gusto ko na lang ata bumalik ng shs tapos ayusin ko na mga desisyunan ko sa life."

"Gusto ko na lang maging hotdog," Saad naman ni Liz na nakanguso, binuklat na nito ang libro nila sa College of Algebra.

"Pa surprise exam mga prof e." Saad pa naman ni Pre. "Kakapit na lang talaga ako sa pangarap ko hanggang matapos 'to." Sambit niya pa.

Natahimik na kami and nagsimula ng magreview sa specific subject namin. Natapos na ni Tati ang plates nito na ipapasa until 6 pm. Nagsimula narin siyang mag-advance study sa College of Algebra and Theory of Architecture I.

Binasa ko lang ang sa inaral namin sa social science. Trip ko lang naman sana na mag-humss e ang hirap pala.

We can't underestimate every strand talaga kasi every student has their own struggle on the respective field of their chosen strand din.

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now