Chapter 19

1.7K 61 14
                                    

Nagising ako ng maaga kinabukasan, namamaga pa nga ang mata ko. Siguro, sa sobrang pagod ko ay nagpass out na ako kahapon. I was so silent until then, tahimik din ako na bumaba sa hapag.

The dining area was filled with silence. Nakaupo ako sa may tabi ni Axel and sa gilid ko ay si Dad, sa tapat ko ay si Cael.

Even Cael was confused too. Nakatitig lang ito sa akin mula pa kaninang pagbaba ko dito. I was kinda anxious na baka akala nito ako ang Mama niya.

Dad broke the silence by asking us to pray first before we dig in. We kindly do that and pinikit ko na ang mata ko habang si Daddy naman ang lead.

"You can eat now. Huwag kayong mahiya!" Dad said with a smile.

Nalulungkot ako kasi parang walang nangyari sa pagitan namin. Umiwas na lang ako ng tingin at tahimik na nagsimulang kumain. I can't pretend that nothing had happened kahapon, I was so sad and disappointed about it.

The table was still filled with silence. Konti lang ang kinuha ko na pagkain dahil hindi naman ako gutom at wala rin akong gana. Tahimik man pero nagmamadali kong tinapos ang pagkain ko. Ngumiti ako sa kanila pagtapos.

I stood up. "Tapos na po ako." Saad ko, napatingin silang lahat sa akin. "Call me if you need help to wash the dishes or dito sa mesa, may tatapusin lang ako." Ngiti ko parin kahit peke lang 'yon.

"Hindi na, okay lang." Dad said when I brought the plate with me. "Ako na ang bahala diyan, anak." He smiled.

Tumitig ako ng mga ilang minuto dito bago mabilis na umiwas ng tingin at tumango, binitawan ko ang hawak kong plato sa mesa. I then looked at Axel, he's looking at me too. Ngumiti lang ako at sumenyas na aakyat na ako sa taas.

Bumalik na ako sa kwarto ko muna habang stay in kami dito sa Montagè. It's sunday already pero bakit parang wala man lang magandang nangyari dito sa may La Granciaga?

This visit just brought pain and bad memories I badly wanted to forget to me, to the point it feels like we're here for too long now.

Sumilip ako sa bintana nang makarinig ako ng tawanan mula sa labas.

Syempre, I'll make this morning more useful than to waste it. Ang taas ng sikat ng araw mula sa labas na tanaw ko pa rito sa may bintana. Tapos ang saya pa tignan ng tao dito habang nakasilong sila sa may lilim ng mataas na mangga.

"People's life here is so simple, ang layo lang ng way of living nila sa La Francè." Bulong ko. "Parang ang saya dito."

Umalis na ako sa silip ko dito sa bintana at hinalungkat na ang gamit ko. Nilabas ko ang sketchbook at drawing materials ko na nakasilid pa sa cloth pouch.

I decided to sketch more of new designs na lang just to distract myself. Minsan kasi kapag malungkot ako or I'm simply feeling empty inside d'on pa ako lalong natutuwa at ginaganahan sa sketching.

Nagsisimula pa lang ako nang imbis na ma-distract ako ng passion ko ay mas naiisip ko pa lalo ang family problem na meron kami. Ang hirap pala talaga kapag hiwalay ang magulang mo tapos wala ka pang alam sa mga nangyari.

Is that the reason why I'm distanced to my mother before? To the both of them? Kasi hindi ko maintindihan at ayaw nilang ipaintidi sa akin ang lahat?

Namuo na naman ang luha sa mata ko. Naiiyak ako tuwing naiisip ko na para bang ang unfair naman ata sa part ko na wala akong alam sa nangyari? Ako na anak nila mismo ang naiipit.

I started to sob quietly. Ang sakit ng nararamdaman ko pero 'di ko naman kaya na iiyak ang lahat ng lubusan. Takot kasi ako na baka kapag umiyak ako ay hindi na ako huminto pa.

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon