Chapter 22

1.5K 50 18
                                    

Hindi muna ako tumuloy sa bahay pagbalik namin pagkagaling kayla Dad. I asked Axel to brought me into his place and give me a time to think to what should I do first.

Ayoko rin ma-istorbo si Wyn at sa kanila ulit ako tumuloy like what I am usually doing. Pansin ko kasi na I'm always involving her in this and she kept on helping me so she ended up involving herself into my mess.

"Sorry." Paumanhin ko habang nakasilip kay Axel. Actually, his friends are also here and they're sitting on the sofa in front of me.

"No worries." Axel smiled, sumandal ito ng tayo sa may dining table. "Feel free to."

His friends attentions are darted on me. Si Sevasti busy sa phone niya but he's checking on me time to time. Si Eiffel may hawak pa na kutsara, that's same with Evan. Si Kyro naman busy na magbasa ng mga makakapal na medicine books niya, nagh-highlight pa.

I don't have enough energy to greet each of them so I decided to just waved my hands. Mukhang ayaw din nila akong maistorbo pa since tulala lang ako mula pagdating nila.

"Hi." Bati ko.

Pinilit akong ngumiti sa kanila and they all frowned when they saw me doing that. Dali dali pa nga akong hinabutan ng tissue ni Evan na utos ni Eiffel sa kan'ya.

"Quit that," Saad ni Kyro na parang siya pa ang nahihirapan dahil sa ngiti ko, muli itong bumaling sa libro na binabasa niya. "It's not pleasing to see, you know." He added.

Inirapan ko siya at muli na naman akong naiyak. Para na akong tanga dahil mismong sa harapan pa talaga nila ako naiiyak ng ganito. Ang comforting kasi ng mga aura nila, feeling ko hindi nila ako pagt-tripan o pagtatawanan kahit umiyak pa ako.

Isa pa, I don't feel better.

It's just obvious that they're worried about me crying. Kita ko rin na kanina pa sila mga nagp-panic at nagbubungguan pa ng mga balikat nila kasi hindi nila alam kung paano ba dapat nila ako ia-approach.

"Pinaiyak mo pa ata lalo, bro!" Mariin na bintang ni Eiffel kay Kyro na napangiwi, tinuro niya pa ako. "Gagi, ano na?"

"Gago ka ba? Hindi, ah!" Tanggi naman agad ni Kyro rito, sinulyapan niya ako at mukha siyang naguilty. "Did I?" He asked.

Pero halata naman na kabado silang apat na nasa harapan ko, mukha kasi na wala silang idea sa dapat nilang gawin but they want to help me. If I'm not in this position? Baka kanina pa ako natawa sa kanila, like what I usually do.

Kaso, na-touch ako na concern sila.

"Ano ba kasi ang dapat gawin?" Tanong ni Sevasti, sumulyap siya saglit sa akin. "To distract her, what I mean. Wala rin kasi akong mahanap sa google." He added.

Actually ay nakapalibot na silang apat sa akin habang ako naman nakaupo sa single sofa. Si Axel lang ang wala dito sa living room kasi nagluto ata siya ng makakain.

Tinignan ko kung nand'on pa si Axel sa kinasasandalan nito and I saw him shaking his head while walking back to the kitchen again. May suot pa nga siyang itim na apron at nakasando lang.

Nagbubulungan na ang apat kung ano ang plano nila na rinig ko naman. Ewan ko ba but it was so heart warming to hear them being this worried. Mukha silang stressed.

"Ikaw na umisip Eiffel, hindi ba dapat expert ka d'yan?" Singhal ni Evan. "For sure, marami ka ng nahandle." Asar pa nito na sinundan ng isang kindat.

"Gago ka ba? Magkasama lang tayo nitong mga nakaraan araw, ah!" Inis nitong sambit. "Kaya hindi rin ako nagj-jowa para no to suyo tayo badi."

Napailing ang dalawa dahil sa usapan ni Eiffel at Evan. Somehow, Kyro and Axel are more alike, they're both proper and mysterious while Eiffel and Evan are both playful and dangerous.

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now