Chapter 50

107K 8.2K 4.3K
                                    

Yay! At last! We're about to end the second book of this trilogy! Huhu. Thank you for making this far!  I hope you enjoyed the book the way I enjoyed writing it.

This whole book is dedicated to one of the reasons why I started writing vampire stories. Your story inspired me and welcomed me to the world, where I discovered more about myself as a writer and as a person.

Soon, when I already have the courage and ability to write everything in English, it's not just a book, but a whole series is dedicated to you. Thank you so much, Miss Angeltwist!

Try to read her stories. Her vampire stories are the best in Wattpad world!


#MWJourneyToTheThrone

Chapter 50

Kanang kamay

Kung kanina'y maingat ang aming bawat mga yabag, ngayon ay tila kami'y higit pa sa bilis ng malaking ipo-ipo. Nagagawa nilang sabayan ang lipad ko kahit gaano man ako kabilis.

Ang alikabok na ginto na nagmumula sa akin ay kasalukuyang nayayakap ng ilang balahibong puti at itim mula kina Kalla at Seth. Sina Zen, Blair at Rosh naman ay abala sa pagprotekta sa amin sa mga malalaking paniki na basta na lamang sumasalubong sa amin. Ganoon din ang ginagawa ni Iris.

"Nasaan ang hangganan nito?" humihingal na sabi ni Zen.

Ang mahabang daan namin ngayon ay tila umiikot lamang, ngunit sa sandaling mahulog kami'y panibagong dagat na naman ng apoy.

"Walang titigil!"

"Masusunod!" sabay-sabay na sagot nila sa akin.

Patuloy ako sa paglipad, patuloy sila sa pagtakbo. Hindi kami dapat tumigil. Hindi lang buhay ni Hua ang nakasalalay sa paglalakbay na ito. Buhay naming lahat!

"What the—"

Biglang may umusbong na nilalang mula sa dagat ng apoy.

"What the hell? Is that a giant?!" sigaw ni Rosh.

"Marami niyan rito!" sagot ni Seth.

"Puputulin ang daan!" sigaw ni Blair.

"Shit! Advance!" mas malakas na sigaw ni Zen.

Mas bumilis ang takbo nina Zen, Blair at Rosh, ganoon din ang paglipad ni Seth. Napailing na ako, mukhang wala talaga kaming pagpipilian, kailangan pa rin lumaban.

"Blair! Do not leave them behind!" sigaw ni Zen nang makita niyang silang apat na mismo ang susugod sa higante.

Babalik na sana ang prinsipe upang protektahan ako pero nang makita niyang tumalim ang mga mata ko sa kanya, muli siyang humarap sa unahan at nagpatuloy sa pagtulong sa tatlo.

"Blair!"

"The Queen can handle herself. S-She threatened me..." sabi ni Blair na hindi na makalingon sa akin.

Nang sandaling makalapit na ang apat na prinsipe sa higante, tatlo pa ang siyang umusbong mula sa kumukulong dagat na apoy.

Isang malaking atake lamang ng mga iyon, mapuputol ang daan, nagagawa man makalipad ng ilan sa amin, hindi na namin magagawang sundan ang dulo ng daan sa sandaling magiba iyon.

"Shit! They are four!" sigaw ni Rosh.

Walang pinagpilian sina Rosh, Zen, Blair at Seth kundi maghiwa-hiwalay.

"Ingat kayo! Masusunog kayo ng buhay!"

Natigil ako sa paglipad. Tumigil din sina Kalla at Iris. Bigla kong naalala ang paglalakbay namin sa tulay, ganito rin ang naranasan namin.

Moonlight War (Gazellian Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن