Chapter 38

66K 5.4K 1.6K
                                    

Chapter 38

Tabi ng Trono

Nang sandaling magmulat ako ng aking mga mata, halos walang salitang lumabas sa aking bibig.

Tila sasabog ang utak ko sa lahat ng kaalamang aking nadiskubre. Ang bawat hakbang, desisyon at sakripisyo ni Haring Thaddeus ay hindi lang nakaalay sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa kapakanan ng buong Nemetio Spiran.

Sa nakaraang nawasak at sa posisyong labis na sinamantala. Nang sandaling ipakita sa akin ang bawat piraso ng kanyang mga pinagdaanan sa nakaraan, inaamin ko na minsa'y nagawa ko siyang ikumpara sa pinaka-kilalang hari sa kasaysayan ng mga bampira, si Haring Clamberge III at ang kasakiman niya sa trono.

Hindi ba't trono rin ang siyang nais na hawakan ni Haring Thaddeus? Ngunit sa likod ng pagnanais niya sa trono at kapangyarihang hatid nito ay ang matinding uhaw niya upang maitama ang lahat.

Ang trono'y isa lang imahe na ipakikita niya sa lahat, na ang kinang at ganda nito'y sa panlabas lamang, dahil ang likuran nito'y mga espada na anumang oras ay maaaring tumagos sa kanya.

At iyon... iyon ang mga bagay na nais niyang yakapin at gampanan, kahit sa kaalamang ay responsibilidad na iyon ang magiging mitsa ng kanyang sariling buhay.

May dahilan... may mga pinaglalaban. Hindi siya isinilang para roon, kundi siya'y nahubog upang makita ang katotohanan at itama ang lahat.

Ang mata ng lahat ay nasa akin, sila'y kapwa naghihintay ng aking mga nakita. Ngunit kahit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin lumabas ng mga salita sa bibig ko. Lalo na nang tumama ang aking mga mata kay Caleb.

Paano kung hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nalalaman sa parteng iyon ng kanyang ama? May karapatan ba akong sabihin sa kanya iyon?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Makahulugan akong sumulyap kay Iris, saglit akong humiling sa buwan na sana'y naintindihan ni Iris ang siyang nais kong mangyari.

Ang diyosang katulad ko'y hindi sanay humabi ng kasinungalingan, ngunit sa sandaling ito'y kailangan kong subukan. May mga bagay na mas pipiliin mong itago na lamang kaysa pangunahan ang isang nilalang sa paggawa ng kanyang desisyon.

Ang nakaraan ni Haring Thaddeus at Danna'y hindi maaaring magmula sa akin, kundi sa kanila mismong inang reyna.

Huminga akong muli ng malalim bago sinalubong isa-isa ang kanilang mga mata.

"Sumagot na ang puting lobo... ang bawat relikyang siyang ating hinahanap ay katulad ng mapa ay may mga tagabantay."

Sabay-sabay silang tumango sa akin.

"Ang mapa'y mananatiling nakakubli ang detalye at tanging si Iris lang ang siyang makababasa... isang indikasyon na..." nang lumingon ako kay Iris, si Lucas na ang siyang nagtuloy ng aking sasabihin.

"Si Iris ay kailangang sumama sa inyong paglalakbay bilang inyong gabay." Tumango ako sa sinabi ni Lucas.

"Si Iris ang magbibigay sa atin ng eksaktong lokasyon, habang ang mga punyal na tumagos sa akin sa ritwal ang siyang makakaramdam ng mga relikya sa sandaling malapit na tayo sa kanila." Paliwanag ko.

"Now that we're done deciphering the problem of the map, can we proceed?" tanong ni Rosh.

Nasa kanya naman ang atensyon naming lahat. "Agree." Dagdag ni Caleb.

"We'll prepare the carriage." Ani ni Nikos, sumunod na rin sa kanya si Hua na mabilis tumalikod sa grupo.

"Lucas, bakit hindi ka tumulong din--"

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon