Chapter 8

81.5K 6.4K 1.3K
                                    

Chapter 8

Tali

Nasaksihan ko na kung paano mag-alala si Dastan, sa pagsasama namin dalawa'y naging pamilyar na ako sa kanyang mga emosyon na kung ipakita niya ay tila kay pino pa rin kahit sa aking mga mata.

Siguro'y ganoon naman talaga ang mga hari, higit silang bihasa upang itago ang kanilang emosyon. Ngunit ngayong nasasaksihan ko si Dastan sa panahong siya'y malayo pa sa mabigat na responsibilidad at imaheng nais niyang manatiling tatak sa mga mata ng nakararami, ngayon ko masasabing siya'y isa pa rin talagang bampira na may itinatagong kahinaan.

Kahinaan sa kanyang damdamin.

Sa harapan ng buong emperyo'y hindi siya kakikitaan ng kahinaan at lalong mata ng matinding takot. At kung nasaksihan ko man iyon, hindi dahil gusto niya iyong masaksihan ko kundi dahil tuluyan na siyang sumabog.

Sumagi sa isip ko ang tulung-tulong na pagpigil ng mga lalaking Gazellian kay Dastan upang habulin ako sa kabila ng kanyang malalang tama ng punyal sa kanyang katawan.

At ngayo'y muli na namang nasaksihan ng aking mga mata, ang muling pagsabog ng emosyon ng kasalukuyang Hari ng Sartorias. Siguro'y dala na rin ng kabataan at limitadong karanasan ang siyang naging dahilan upang ang kanyang emosyon ay mas malinaw at walang bahid ng limitasyon.

"Zen..." usal ni Dastan na lumaglag na ang mga balikat nang makita kung paanp lamunin ng buo ng halimaw ang kanyang kapatid.

Maging si Tobias ay ganoon din. Kapwa sila nakatulala habang ang dalawang halimaw sa pagitan nila'y patuloy nang tumatakbo patungo sa kanila.

"Tobias."

Hindi man lang nagpahid ng luha ang dalawang binatang prinsipe. Si Tobias ay pumosisyon na sa likuran ni Dastan upang abangan ang paparating na halimaw.

"I'll make this fast." Ani ni Tobias na tumango.

Akala ko'y imposible nang magningas ang kanilang mga sa ilalim ng banging iyon dahil iyon ang sinabi sa akin ni Rosh. Walang bampira ang may kakayahang gamitin ang kanilang kapangyarihan sa sandaling pumasok na sa nasasakupan ng bangin ng kaparusahan.

Ngunit sina Tobias at Dastan ay tila ay nakitang paraan upang ang patakarang iyon ay lampasan o tamang sabihin na ang kanilang higit na kapangyarihan ay hindi na kaya pang limitahan ng kahit anong mahikang mayroon ang bangin ng kasalanan.

Dahil ang mga mata nina Tobias at Dastan ay ngayon ay nagtatalo na kulay sa pula at itim.

Si Tobias ang siyang humarap sa mas maliit na halimaw, habang si Dastan ang humarap sa halimaw na lumunok ng buhay sa dalawang munting prinsipe.

"They are tough. They are still alive." Paulit-ulit na bulong ni Dastan habang nagsisimula na rin siyang maglakad patungo sa halimaw.

Si Tobias ang siyang unang umatake na nagawang tumalon ng napakataas. Ang dalawang kamay niya ay tila tumama sa sinag ng buwan at nang sandaling marahas niya iyong ibinaba tila nagkaroon ng rumaragasang tubig mula sa itaas na animo'y buhay na talon ang sumalubong sa halimaw.

Ang halamang lubid na kanina'y hawak ng kanyang kapatid ay ngayo'y nasa kamay na niya, marahas niya iyong hinila patungo sa kanya hanggang sa makarating iyon sa rumaragasang tubig, ang matalim na dulo ng naputol na puno'y ngayo'y sinasakyan na ng kanyang mga paa. Ang kanyang mga mata'y kasalukuyan nang nagniningas habang ang direksyon ng talim na puno'y patungo sa iisang direksyon.

"Wait... Dastan is coming..." bulong muli ni Dastan na tila kinakausap niya ang kanyang kapatid na nasa loob ng halimaw.

Gamit ang pinahaba niyang kuko, sinugatan ni Dastan ang kanyang sarili dahilan kung bakit dumaloy ang kanyang sariling dugo na halos pumatak na sa lupa, ngunit habang patuloy iyon sa pagdurugo ay tila nagiging tali iyon, o latigo.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now