Chapter 7

78.8K 5.6K 1.3K
                                    

Chapter 7

Pag-abot

Sinubukan kong hawakan muli ang kamay ni Rosh ngunit iniwas niya iyon na tila nais niya akong pasabikin sa sunod na mangyayari.

Tulad nga ng sinabi nina Tobias at Dastan, ang kanilang mga kapangyarihan bilang isang bampira ay walang bisa sa ibaba ng bangin na iyon at kung mayroon man sila ay iyon lamang ay ang kanilang pisikal na lakas.

"Anong klase ang bangin iyon?"

"Doon ipinatatapon ang lahat ng makakasalanang nilalang, kung sila'y nalitisan na ng kaparusahang kamatayan."

Nanlaki ang mga mata ko sa pahayag ni Rosh.

"At bumagsak kayo roon sa inyong murang edad? Paano kayo nakaligtas?" Lalo na't limitado lang ang kanilang kakayahan ng mga oras na iyon.

"Dapat sana'y ako ang siyang dahilan ng aming kaligtasan, ngunit masyadong mapapel si Zen simula nang siya'y bata pa..." umiiling na sabi ni Rosh.

Bahagya akong natahimik. Sa pagsasama namin ni Dastan, hindi man lang kami dumating sa punto na nakapagkwento siya sa akin ng kanyang nakaraan kasama ang kanyang mga kapatid.

Wala sa sarili akong muling tumanaw sa labas at muli akong sinalubong ng libong mga ibon na tila ang musikang dala ng plauta ni Rosh kanina'y nananatili sa kanilang pandinig, dahil maging ang kanilang paglipad ay tila isang sayawin na may iisang galaw sa bawat pagpagaspas ng kanilang mga pakpak.

"Leticia?"

Nang lumingon ako kay Rosh ay nakalahad na ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at nang sandaling magdaop ang aming mga palad, mabilis akong nakabalik sa kanilang eksena.

"Sabihin n'yo kung sino ang magsasabi kina Amang Hari ng sitwasyon nating itong apat!" singhal ni Tobias kina Zen at Rosh.

Umiiling lamang si Dastan. Kapwa hawak nina Rosh at Zen ang kanilang ulo dahil sa natanggap nilang batok sa kanilang mga kapatid. Sila'y mga nakaupo sa lupa na parang hindi man lang sila galing sa mataas na pagkakahulog.

Nag-angat ng tingin si Tobias.

"Paano tayo aakyat diyan, Dastan?"

"I don't know."

Sina Rosh at Zen ay nag-angat na rin ng tingin sa taas. Maging ako ay hindi ko na rin makita ang pinanggalingan nila.

"Ang taas pala..." namamanghang sabi ni Rosh. Wala sa sariling napatango si Zen.

"Mataas nga." Matabang na ulit ni Dastan. Tumayo na siya habang tipid na pinapagpagan ang kanyang magandang kasuotan.

Ganoon din ang ginawa nina Tobias at Rosh, si Zen lang ang nanatiling nakatitig sa taas ng bangin at tila hindi pa rin makapaniwala sa taas ng kanilang binagsakan.

"Clean up, Zen." Utos sa kanya ni Dastan.

Sumunod sa kanya si Zen at nagsimula na rin siyang magpagpag ng kanyang kasuotan. "There, at your back..." turo ni Dastan. "On your side too..."

Sina Tobias at Rosh ay nag-uusap na rin ng kanila, pero hindi pa rin natatapos sa paglilinis ng kasuotan ang magkapatid na Gazellian.

Nakailang ikot na si Zen pero patuloy pa rin sa pagturo si Dastan.

"On your elbow..." nakakrus na iyong braso ni Dastan habang nagtatapik na ang isa niyang paa sa pagtitimpi kay Zen. Tila pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang lumuhod at siya na mismo ang magtanggal ng dumi sa nakababata niyang kapatid.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon