Chapter 21

70.7K 5.4K 1.9K
                                    

Chapter 21

Batis

Mabibigat na paghinga ang siyang namayani sa amin habang kapwa nakatanaw sa kabuuan ng tulay na kasalukuyan nang gumuguho.

"Desmond, maraming salamat..." usal ko.

Ang usok na siyang ngayo'y tila lumalamon doon ay wala nang bahid ng mahika, kundi usok mula sa mga pagyanig, pagkasira at katapusan. Usok na hinahaluan ng mga emosyong nakimkim sa nakalipas na ilan daang taon.

"Tapos na... pinalalaya ko na kayong lahat."

Naglandas muli ang ilang butil ng luha sa aking mga pisngi. Kusa kong inangat ang kamay kong may espada at hinayaan kong muling tumama roon ang liwanag ng buwan.

Ang repleksyon ng liwanag na nagmumula roon ay hinayaan kong tumama sa tulay na kasalukuyang nabubura na sa mapa, at nang sandaling ang liwanag mula sa aking espada ay tuluyang pumasok doon, iyon mismo ang siyang pinagsidlan ng mas lalong pagliliwanag ng lugar.

Huminga ako nang malalim at mas dumiin ang pagkakahawak ko sa espada.

"Sana'y muli tayong mga magkita sa inyong susunod na buhay... ginawa n'yong posible ang aking paglalakbay..."

Iyon na ang huling inusal ko bago unti-unting umangat sa ere ang kanilang tila mga espiritu. Ang bawat parte ng kanilang katawan ay nagliliwanag ng puti, at kahit higit na malayo ang kanilang mga distansya sa akin, ramdam ko ang mga mata nila sa akin na punong-puno ng respeto at pasasalamat.

Ang iba't ibang nilalang na ngayo'y nasa himpapawid ay iisa ang direksyon ng mga mata. Sa direksyon kung saan kapwa kami nakatindig at nakatanaw sa kanila.

Sabay-sabay silang yumuko sa akin.

"Maraming salamat, aming reyna..."

Mga katagang huli nilang binitawan bago naghiwa-hiwalay ang kanilang mga espiritu patungo sa lugar kung saan sila nararapat.

Bumalik na sa kanyang dating anyo ang aking espada. Nang sulyapan ko ang tatalong lalaki ay kapwa pa rin ang mga iyon tulala at wala sa sarili, habang si Divina ay mahimbing pa rin natutulog.

"Rosh, Nikos, Hua?"

Dahil wala pa rin sumasagot sa kanila, wala akong pinagpilian kundi gamitin ang aking punyal para sugatan sila. Sina Hua at Nikos ay binigyan ko ng sugat sa kanilang palad habang kay Rosh ay sa kanyang braso.

Hindi rin nagtagal ay ilang beses na silang kumurap at napatitig sa akin ng matagal. Lumawak ang ngiti ko sa aking mga labi, ngunit ang kanilang mga mata'y naglakbay sa kasuotan kong nababalot ng dugo.

"L-Leticia... what happened to you?" tanong ni Rosh.

Bahagya siyang sumulyap kay Divina na siyang buhat niya bago niya muling ibinalik ang atensyon sa akin. Pero agad rin siyang natauhan at muli niyang tinungo si Divina na mahimbing na natutulog sa bisig niya.

"What really happened?"

"Were we possessed?" tanong ni Nikos.

Tumango ako sa sinabi niya. Napasinghap si Hua sa kanyang narinig. "Kami ba ang may—" marahas akong umiling sa dapat ay sasabihin niya.

"Hindi. Ang tulay ang siyang may kagagawan ng lahat. Wala kayong kasalanan. Naiintindihan ko."

Ang atensyon nilang lahat na sa akin ay nabaling sa tulay na ngayon ay unti-unti nang naglalaho.

Muling napasinghap si Hua. "Ang tulay..."

"Tapos na ang pagpapahirap niya." Humarap muli ako sa lugar kung saan dati'y naroon ang tulay.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now