Epilogue

170K 10.5K 13.3K
                                    

Until now, I couldn't believe that I'd made this far. I thought to finish a story with numbers of readers would be impossible for me, to complete a story with too affected readers would be just a dream for me... I am not that good, perfect, and I only have my imagination. But your reactions, comments, your efforts to reach me just to inform me how all of you were moved with my words, plots, and scenes made me realize that little by little that I am already achieving my goal.

I am so happy. Maraming salamat po!

Try to listen to the song above while reading the chapter, you'll feel more about Dastan's thoughts.

#MWJourneyToTheThrone

Epilogue

How long will I pretend, Mother?" I asked the Queen as I continue to stare outside the window, where I could see the gloomy presence of my tree.

How could I possibly light it for them if I couldn't light it for myself?

Ngayong wala na siya sa piling ko.

Humihiling na sana'y muling maangkin ang kanyang mga labi, mahaplos ang kanyang mahabang buhok at makita ang kanyang naningning na mga mata.

Umihip ang banayad na hangin, sumayaw ang mga puno, humalina ang mga maliliit na dahon sa buong paligid... ngunit tila mahinhin niyang pagtawa ang siyang namamayani sa aking sistema.

Si Leticia at ang kanyang puting kasuotan na tila nag-iisang rosal sa gitna ng napakagandang hardin, ang mga kamay niyang kapwa nakahawak rito sa bawat mapaglarong pagtakbo niya mula sa akin, ang buhok niyang nakahahalina, ang kanyang mga yabag... at sandaling siya'y lumingong may ngiti sa kanyang mga labi kasabay ng kanyang kamay ay nakalahad sa akin.

"Dastan, mahal ko..."

"Leticia..."

Ngunit nang sandaling banggitin ko ang kanyang pangalan, naglaho ang kanyang imahe at inilahad sa akin ang katotohanan.

Ngayo'y tila kasiraan lamang ang aking punong simbolismo sa natitirang punong nakapalibot sa Parsua Sartorias. Katulad ko'y hindi na siguro ito makatitindig pa kung wala ang natitirang punong nakapaligid sa kanya upang magbigay sa kanya ng lakas.

Just like my siblings. I couldn't imagine myself without them, but still, there are times that they are interfering too much...

Mas pinaglaro ko ang kaunting dugo sa aking kopita habang hindi inaalis ang aking mga mata sa labas.

Tila nanunuya ang pagkakataon sa mga oras na ito, ang kalawakan ng madilim na kalangitan ay itinatago ang ganda ng buwan... buwan na simbolismo ng aking mahal.

Saglit lamang naglandas ang aking mga mata sa mga nagsabog na mga bituin. Sa sandaling sundan ko ang guhit na nais ipabatid ng mga ito, si Leticia kaya ang aking matatagpuan?

Will the stars guide me to her?

Napailing ako. Bakit kailangan kong tanungin ang sarili ko ng katanungang alam ko na ang kasagutan?

Hindi ako kailanman tutulungan ng mga bituin, dahil ibang hari ang nagmamay-ari sa kanila.

Kumuyom ang kamay ko sa kopita.

Those kings can have the stars, the seas, the land, the wind, the fire, or any kind of light, but the moon is mine. The goddess of the moon is mine. Every part of her.  

Walang kasaysayan, sakripisyo, posisyon, pangalan, at kapangyarihan ang hahadlang sa akin. Kung ang pagiging ugnay sa isang diyosa'y kapalit ay matinding paghihirap, handa akong harapin ang lahat ng iyon maging akin lamang si Leticia.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now