Chapter 37

93.8K 6.4K 1.9K
                                    

Chapter 37

Totoong mga susi

Hindi na bago ang mga puting lobo sa panahong ito. Sa katunayan ay marami nang isinisilang na lobong puti, ngunit may ilan sa kanila na mananatiling may mas malaking papel sa mundong ito.

Unang beses pa lang lumapat ang aking mga mata kay Iris, unang maramdaman ko ang kanyang presensiya, alam kong may malaki siyang gagampanan sa pagdating ng panahon. Ngunit hindi ko akalaing lubusan iyong mapapaaga...

"She's so beautiful..." usal ni Divina.

Maging ako ay halos wala nang salitang masambit nang sandaling ang kanyang kabuuan ay tuluyan nang naglinaw sa aking harapan. Ang aking mga mata'y sanay na sa mga lobo ngunit iba ang epektong kanyang dala.

Si Iris ay lalong nagniningning hindi lang dahil sa makapal niyang puting balahibo, kundi pati na rin ang direktang pagsinag ng buwan sa kanya na tila siya'y lubos na kinikilala.

Ang mapa'y nasa kanyang bibig.

"Hawak na niya ang mapa!" anunsyo ko sa lahat.

Iyon ang siyang naging hudyat kina Rosh, Caleb, Hua at Nikos na lumapit sa amin ni Divina.

Maging ang ilan sa mga lobo ay nagsimula na rin lumapit sa amin, si Iris ay piniling pumunta sa gitna, ang mga lobo na mabilis nakabalik sa pagiging anyong tao'y nakahanap agad ng lamesa. Inilagay nila iyon sa gitna kung saan magagawa naming mapagmasdan lahat ang kabuuan ng mapa.

Nang inilagay nang tuluyan ni Iris ang mapa sa lamesa, mas lumapit sina Rosh, Caleb, Hua at Nikos upang suportahan ako. Si Caleb ay binuhat na si Divina at nakidungaw na rin sa mapa.

Ramdam ko ang bigat ng pintig ng puso ko habang nagsisimulang maglakbay mula sa ibaba ng mapa ang aking mga mata patungo sa kabuuan nito, ngunit ang inaasahan kong mapa na inakala kong magtuturo sa amin ng eksaktong daan ay nagpatulala na sa aming lahat.

"Sketch? An abstract sketch? Goodness! Palaisipan na naman! Sumasakit na ang ulo ko!" reklamo ni Caleb na nasapo na ang noo.

"You didn't even help a while ago, Caleb."

"Only an artist can decipher that." Naiiling na sabi ni Nikos.

"Rosh and Leticia are artists." Dagdag ni Hua.

"Wala akong makita..." mahinang usal ni Rosh.

Maging ako ay walang makitang mensahe sa bawat anggulo. Hinintay namin sina Iris, Lucas at Ledare na lumapit sa amin at bigyan ng pansin ang mapa.

Si Iris ang siyang inaasahan namin na makakaintindi ng mga nakaguhit sa mapa.

"I am sorry. Tulad ng nakita n'yo, maging ako'y hindi pinaghandaan o inaasahan ang araw na ito. Gusto ko man makatulong at sabihin sa inyo kung ano ang ibig sabihin niya, ngunit hindi ko nais bigyan kayo ng maling impormasyon."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Naiintindihan namin..."

Nang sina Ledare at Lucas ang siyang sinulyapan ko, katulad ni Iris ay kalituhan din ang nasa kanilang mga mata.

"Tanging ang naunang tagabantay na puting lobo lamang ang nagkaroon ng pagkakataong makita ang mapang ito... siya lang din ang maaaring makabasa..." nang sabihin iyon ni Ledare muling bumalik ang atensyon namin kay Iris.

Magsasalita na sana ako nang si Caleb na ang humarap sa kanya. "Can you try, please..."

Tila saglit na natigilan ang puting lobo sa presensiya ni Caleb. Pansin ko ang pagbulong ni Divina sa tenga ng prinsipe na may kasamang hagikhik.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon