[45]

3.9K 53 13
                                    


"Papa, I'm here again,"

Nakangiti kong hawak ang mga kamay ni Kale habang nakatayo naman si Kaia at nakatingin sa puntod ng lolo niya.

"And this time... kasama ko po si Kale. Nagkabalikan na po kami." natutuwa kong sabi, sabay sulyap kay Kale.

Gusto ni Kale na bisitahin namin parehas ang puntod ni Papa. Sabi niya, halos linggo-linggo din daw siyang bumibisita dito para bigyan ng bulaklak at magdasal sa harap ni Papa.

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong nagkita kami at nakilala ni Kaia ang Daddy niya. Walang araw na sinayang si Kale para kilanin ang anak niya. I told him all the things I know about Kaia.

"Pa, halos lahat na po nung sinabi ko sainyo ay natutupad ko na." nakangiti kong sabi. "I'm now a doctor, hindi pa nga lang natutuloy ang residency, pero magagawa ko rin 'yon. At ngayon, kasama ko na po 'yung lalaking mahal na mahal ko."

Sumulyap sa akin si Kale at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Diba sabi mo, Pa?" sabi ko. "Na kung magustuhan ko siya'y wag ko na siyang pakawalan? Eto na, Pa. Hindi na nga. Hindi ko nga lang alam kung kailan ba ako aalukin ng kasal nito." I joked.

Kale looked at me laughed. Abot langit na ata ang saya ko ngayon. Sana kung nasaan man si Papa, ay nakikita niya kung gaano ako kasaya ngayon. Sana nararamdaman niya rin ito.

"Hello po, Tito." bati ni Kale. "I'm here again."

Matagal na rin pala nung namatay si Papa. Paminsan-minsan namimiss ko siya. Siya ang lagi kong naiisip ko nung mga panahon na hirap na hirap na ako. Kase dati, siya ang lagi kong nakakausap tungkol doon. Siya ang nagbibigay daan sa akin sa tamang landas.

When I lost him, I almost couldn't handled the pain I felt... I couldn't accept my Mother's child and man. During those times... I only had Kale. He was the only one who was there for me. Dahil sa kanya'y kinaya ko ang pagkawala ni Papa. He filled the empty spot in my heart when Papa died. He was the one who completed.

"Nandito pala kayo."

Lumingon kami ni Kale ng sabay. Ngumiti lang naman si Mama sa amin, kasama si Tito Remy at si Theo. Agad naman tumakbo si Kaia sa Tito niya.

"Mama! Nandito ka!" gulat kong sabi.

Ngumiti si Mama. "Of course, Liliana. Bibisitahin namin ang Papa mo. Birthday niya ngayon!"

Umaawang ang labi ko at napatingin sa nasa lapida. Oo nga pala at birthday ni Papa ngayon!

Napatingin naman si Mama kay Kale, na nakataas ang kilay niya. Mula noong nagkabalikan kami'y hindi pa nga pala sila nag-uusap. Nalaman lang siguro ni Mama na hindi na kami umuuwi sa bahay ni Kaia at hindi na nagtanong pa.

"Good morning po, Tita."

"Good morning din." sagot ni Mama, hindi pa rin ngumingiti at nilagpasan lang kami para puntahan si Papa.

Nakangiti naman si Tito Remy sa amin.

"Kale, Lia." bati niya. "It's good to see the two you together again,"

Ngumiti ako. Nilagay naman ni Kale ang kamay niya sa bewang ko.

He looked at Mama first, before sighing.

"Pagpasensyahan mo nalang 'yung Mama mo, Lia. Medyo nagsusuplada na naman."

I chuckled. "I'm used to that, Tito." sagot ko.

He smiled at me genuinely. "You know all these years, you've been calling me Tito, why don't you call me Dad instead?"

My lips parted a little with what he said. Sa ilang taon ngang kasama namin siya'y Tito pa rin ang tawag ko. I never wanted to call him Papa like Theo, because I know that there is only one Papa in my heart. He was still, however a father figure to me. He loved me like his own daughter. Kahit minsan hindi niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako anak.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon