[38]

2K 49 12
                                    

"Anak, okay ka na ba?"

Hindi ko sinagot si Mama at patuloy pa ring umiyak. Hinagod niya ang likod ko para patahinin ako. Halos ilang tissue na ang naibigay niya sa akin, pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

"Anak, tahan na. Yung baby..." sabi ni Mama.

Halos makalimutan kong may baby nga pala sa sinapupunan ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.

Nagawa ni Kale na makapaghiwalay sa akin. Nagawa niyang sabihin ang mga salitang 'yon sa akin kahit alam niyang may anak kami.

"Mama, ang sakit..." sabi ko, sabay hampas sa dibdib ko. "Ang sakit, Ma."

Mama gave me a hug as I sobbed on her chest. Nakita ko naman si Theo na nasa may bandang pintuan ng kwarto ko, na nakatitig.

Unti-unti siyang lumapit. Napansin ko naman na may dala siyang laruan na parang train. Sabay kami napatingin ni Mama sa kanya.

"Ate... sa'yo nalang." sabi niya sabay abot nung laruan. "This is my favorite toy. You can have it, don't cry na please?"

Umayos ako nang upo at kinuha ang laruan na binigay sa akin ni Theo. Dati ay hindi naging maayos ang relasyon namin, pero ngayon nagawa pa niyang ibigay sa akin ang paborito niyang laruan para lang tumahan ako sa pag-iyak.

Bigla naman nagtubig ang mga mata ni Theo. Binaba ko ang laruan sa tabi ko at niyakap siya.

"Ate, don't cry na please." he cried.

I rubbed his back to stop him from crying.

"Okay, I'll stop na. Don't cry na rin," sabi ko at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mata ng kapatid ko.

"Theo, let ate rest first, okay?" Mama said.

Tumango nalang si Theo at iniwan ang laruan na binigay niya sa akin. Bumaling naman ako kay Mama.

"Lia, magpahinga ka na. Wag mo na munang isipin ang nangyari ha, makakasama 'yun sa baby." paalala sa akin ni Mama.

Tumigil na ako sa pag-iyak dahil kay Theo. Pero 'yung sakit na nararamdaman ko ay ayaw pa rin mawala.

"Mama—"

"Itulog mo nalang 'yan. Wag mo na muna silang isipin." sabi ni Mama.

Tumango ako. Ginawa ko nalang ang sinabi sa akin ni Mama at tumulog nalang ng mahimbing. Halos mamukto na rin naman ang mata ko sa dalawang araw na pag-iyak. Nakakapagod.

Pag-gising ko naman ay napansin kong umaga na pala.

Dumiretso agad ako sa banyo at sumuka, sabi ni Dra. Montereal, normal lang daw ang pagsusuka dahil nasa first trimester palang ako ng pagbubuntis. Hindi ko nga alam at bakit ngayon ko lang nararamdaman ang symptoms at hindi nung mga nakaraang linggo.

Nakaramdam naman ako bigla ng gutom kaya napagdesisyunan kong bumaba, pero bago pa man ako makakaba ay may narinig na akong pamilyar na boses.

"Soledad, I don't think this is the right time—"

"Oh, I think it certainly is. Where is she?"

I gulped as I took a step down the stairs. Agad naman bumaling silang lahat sa akin. Nakita ko ang pag-aalala ni Mama.

"Tita," sabi ko. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya ng beso o ano.

She looked at me with raised brows. Siguro'y nabalitaan niya na wala ng kasal na mangyayari.

"Liliana." she said. "I need to talk to you,"

Unti-unti akong lumapit hanggang nasa harap ko na si Tita. Nakaramdam naman ako ng konting takot sa paraan ng pagtitig niya sa akin, napunta naman ang tingin niya sa tiyan ko.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon