[40]

2.3K 66 19
                                    

"Mommy! Where are we going?"

A hint of excitement appeared on my daughter's face. Sinuot ko sa kanya ang pulang bestida at inayos ito. 

"Home, baby." I answered. 

Kumunot ang noo niya. I pinched her cheeks. Ang cute talaga niya tuwing kumukunot ang noo niya. Naalala ko tuloy ang Daddy niya.

"Home? Isn't this our home, mommy?" she asked.

Umiling ako. "We live in the Philippines, anak."

Our daughter, Kaia Maxene just turned four last month. Sa mura niyang edad ay marami na siyang mga tanong. Napakakulit!

Dahil sa stress at mga problemang dinanas ko noon ay naipanganak ko siya ng maaga. Wala pang nine months nung nanganak ako. Pabalik-balik rin kami sa hospital noon dahil sa kalagayan niya. Pero mabuti nalang at umayos naman ito nung lumaki na.

Magkahalong ako at si Kale ang mukha niya. Pero mas lamang pa ata ang nakuha niya kay Kale kaysa sa akin. Mula kase sa ugali, mga ekspresyon sa mukha at maski ang allergies ni Kale ay nakuha niya. 

"Will Daddy be there?" she asked.

Sa apat na taon na pinalaki ko ang anak namin ay hindi ko na nakausap si Kale. Wala na rin ako balita sa kanya. Mama blocked all of our communication. Talagang tinotoo nga niya na itatago kami ni Kaia sa mga Buenavista.

Dito kami tumira sa dating tirahan ni Papa sa Canada. May mga iilang properties din kase dito ang Callejos kaya 'yun nalang din ang inasikaso ni Mama habang nandito kami.

"He lives in the Philippines right, Mommy?" Kaia asked. "He's also a doctor like you, right?"

Ayaw na ayaw ni Mama tuwing pinag-uusapan si Kale. Patago kong ipinapakita at kinukwento siya kay Kaia. Ayokong lumaki siyang may galit sa ama niya. I want her to meet him someday. 

Hinaplos ko ang mukha ng anak ko.

"Yes, baby. He lives there. He's also a doctor. Do you want to see him?" 

She pouted. Kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik sa ama. Nakiusap naman ako kay Mama kung pwede bang papuntahin namin si Kale dito, kahit para lamang kay Kaia, pero ayaw niya.

"If only we could..." malungkot niyang sabi at ngumuso. "I know Mama Lola doesn't like my Daddy. Can we just go behind her back and meet him?"

I pinched her cheeks. Ang mapupula at matataba talaga nitong pisngi ay nakakagigil. Nagreklamo naman ito sa ginawa ko.

"We can try. Do you really want to meet him?"

Tumango siya. Narinig namin ang pagpasok ni Mama. She walked in with her dozen paper bags from different luxurious brands. At talagang nagawa niya pang makapamili ng damit kung kailan kami aalis?

"Mama, ano 'yan? Dadalhin mo ba 'yan sa Pilipinas?" tanong ko.

She nodded and grinned. 

"Oo naman! Mas maayos kase mamili dito kaysa sa Pilipinas!" aniya. Ngumiti siya kay Kaia na nakatingin sa kanya at bahagyang nakanguso. "Baby, are you ready?"

Tuwang-tuwa talaga si Mama nung dumating si Kaia sa amin. Palibhasa, una niyang apo. Matagal-tagal pa kase bago siya magkaapo kay Theo. Ang bata pa kase non.

"Yes, Mama Lola!" masiglang sabi ni Kaia.

Mama giggled and carried Kaia.

"I bought you some clothes and shoes, would you like to see them?" Mama asked her.

Nakangiting tumango si Kaia sa kanya.

"Ma!" saway ko dahil binilhan niya na naman si Kaia ng mga damit at sapatos. She's spoiling her again!

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now