[36]

1.8K 41 21
                                    

Mabilis kong itinulak si Gray nung makita ko kung sino ang nasa likod niya. Umakyat naman ang kaba sa dibdib ko, habang dahan-dahan na tumayo.

"Kale," tawag ko.

He was just looking at us seriously. Sobrang seryoso nung tingin niya habang nakatingin sa amin ni Gray. Kita ko rin ang sakit sa mga mata niya na nakatutok nalang ngayon sa sahig.

Humakbang ako papunta sa kanya pero bawat hakbang ay umaatras siya sa akin.

"Kale, he kissed me!" mangiyak kong sabi. Sabay turo kay Gray. "Please... believe me..."

"Talaga?" bigla kong narinig ang tinig ni Gray kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. He had this smug face on, that seemed like he is enjoying this. "Then what about the first one, then? Hindi ba't humalik ka sa akin pabalik?" sabi ni Gray na may ngisi sa labi.

My mouth dropped and looked back at Kale. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya pero may halong takot sa akin 'yon. Umigting ang panga niya habang dahan-dahan tumango.

"I get it..." I heard him mutter. Nag-angat siya ng tingin sa akin. I gulped as I struggled to form words just to explain to him everything.

"Babe—" sabi ko at hahakbang na sana pero pinigilan niya ako. Tinaas niya lang ang isang kamay niya sa akin para hindi na ako humakbang pa.

"Just. Don't." he said, before leaving us there. Susunod naman sana ako agad pero nahawakan agad ako ni Gray.

"Ano ba?!" galit kong asik sa kanya. "Let go of me!"

"Hayaan mo siya," Gray said. "I told you to break up with him, right? Bakit hindi mo ginawa?"

Binawi ko agad ang braso na hawak niya sa akin. Umakyat naman ang inis at galit ko sa kanya, at ginawaran siya ng isang malakas na sampal. Napahawak naman siya sa pisngi niyang sinampal ko.

"Tangina, eto ba ang gusto mo?!" galit kong sabi sa kanya. "Ang magkasira kami ni Kale, ha?"

"Yes!" sagot niya. "Para marealize mo na ako ang para sa'yo at hindi siya!"

I scoffed. "What did you just say? That you are the one for me, instead of him? Nahihibang ka na ba?!"

My chest heaved with anger as I looked at him. Parang lahat nung pagduda kong may konti pa akong nararamdaman sa kanya'y nawala. How could he do this to me? Alam niya kung ano kami ni Kale. Kaya paano niya nakayanan gawin 'to? Gayong kaibigan niya rin si Kale dati.

"You still love me, Lia! Alam ko, dahil nakikita ko! Nararamdaman ko!" sagot niya sa akin. "You kissed me back twice and I felt that." he said while pointing at his heart.

Napahilamos ako sa mukha at hinila ang buhok sa frustration.

"Gray, you repeatedly forced that kiss on me. I never consented to that. Second, oo nga, I freaking kissed you back and now I realized that's a mistake dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nung gawin ko 'yon." mahinahon kong sabi. "Plus, tangina. I'm getting married! Alam mo 'yun, and yet you did this? Nagawa mong gawin 'to sa akin?"

He stared at my eyes with so much intensity. What was the reason why I loved him back then? Parang ibang-iba na rin kase siya sa Gray na nakilala ko. He wouldn't do this to me. I know.

"I did that, because I love you!"

"Bullshit!" I cursed. "If you really love me, sana noon palang sinabi mo na! You had that freaking chance to be with me, Gray, and you blew it! You blew it, tapos ngayon na masaya na ako kay Kale, sisirain mo ang relasyon namin dahil mahal mo ako? Ganoon ba?"

His jaw moved aggressively and looked away from me.

"Kaya nga bumabawi ako ngayon, diba? I'm trying my best to win you back!"

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now