[14]

2K 56 18
                                    

"Kale, I'm sorry."

Nakayuko ako at hindi siya matingnan ng diretso sa mata. Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya sa akin. Ayaw kong piliin siya dahil lang sa dahilan na 'yun.

I saw the pain in his eyes when I uttered those words. Sumandal siya sa upuan niya at napasapo sa noo.

"Sorry ulit," sabi ko nalang at mabilis na lumabas ng sasakyan niya para pumasok sa bahay. Hindi na rin ako lumingon para tingnan kung nakaalis na siya.

"Oh, Lia-"

Hindi ko na sinagot si Mama at dali-daling umakyat ng kwarto. Wala akong panahon para sagutin ang mga tanong niya.

Pagbaba ko nang mga gamit ko ay agad akong dumungaw sa bintana. Nakita ko na nandoon pa rin ang kotse ni Kale. Maya't maya naman ay umalis na rin 'to.

Sumandal ako doon at umupo sa sahig. Niyakap ko ang dalawa kong hita at pinatong ang baba ko dito.

The words that Gray said earlier, repeated in my head like a song in repeat. His firm no, confirmed to me that he doesn't like me at all. That there is no chance that he really does like me.

I felt the sting in my heart. It was exactly like this during my first heart break...

I heard the knock on the door, so I wiped some tears that were about to fall earlier. Patayo palang ako nung bumukas 'to at pumasok si Mama. Hindi man lang niya akong hinintay na sumagot.

"Ma, diba sabi ko wag ka basta papasok?" medyo naiinis kong sabi sa kanya.

She looked at me and stared at me a little. Tinaas ko naman ang kilay ko sa kanya.

"What?"

She gave me a small smile. "May problema ba?"

Kumunot naman ang noo ko. I was never comfortable telling her about this stuff. Pakiramdam ko ay kahiya-hiya kung magsabi man ako sa kanya.

"Wala, what made you think that there's a problem?" sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko.

Hindi ko siya tiningnan dahil na rin sa takot na magtanong pa siya at mahalata pa. Inabala ko nalang sarili ko sa pag-aayos dito.

"Why are you here?" tanong ko at bumaling sa kanya.

Ngumiti lang siya ulit. "Tatawagin sana kita na kakain na, dumiretso ka kase paakyat dito kaya akala ko ay may problema."

Tumango ako. "Hindi ako kakain, kumain na ako sa labas."

Wala akong maramdam na gutom kahit hindi pa talaga ako nakakakain. Wala akong gana, pagkatapos nung mga nangyari kanina.

"Talaga?"

My brows furrowed. "Yes. Why are you questioning my answer?"

I saw her sigh heavily and nodded. "Okay, sige. Wag ka na magpuyat ha?" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Agad ko naman 'to sinara at ni-lock. Ayokong papasok na naman siya dito at baka ano pa ang makita niya.

I tried so hard to distract myself the whole night just so I could forget about it. Una, dahil nalaman kong hindi ako gusto ni Gray. Pangalawa, dahil sa sinabi ni Kale. Pakiramdam ko ay umiikot na ang utak ko sa dami ng iniisip ko.

Halos umaga na ako nakatulog kinabukasan. Gutom ang sikmura ko at halos dalawang oras lang ata ang naitulog ko kaya hilong-hilo ako. Masakit din ang mata sa ilang pagkakataon na naiyak ako.

Minabuti kong maayos ang itsura ko bago ako bumaba. Baka lalo pa kase makahalata si Mama.

Bihis at handa na akong umalis at kakain nalang nung dumaan ako sa lamesa at nakitang walang tao at wala rin pagkain doon. May nakalapag lang na papel.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now