[16]

1.8K 57 36
                                    

"Kumot, oh." 

Hinagis niya sa akin ang kumot galing sa cabinet nila. Sinalo ko naman 'yun. Iniwan naman namin na bukas ang pinto gaya nung sabi nang Mama niya. 

I still felt awkward sharing the same room with him. There's nothing wrong with it, since we are friends anyway, but I still don't know how should I act around here. I think I should just sleep quickly just so I wouldn't think about it. 

Napatingin din siya sa t-shirt na suot ko. Naalala ko ang sinabi ni Maris na sa kuya niya ito at ninakaw niya lang. 

"Si Maris talaga..." he muttered.

Inayos niya na ang kama. Binigyan niya rin ako ng isa pang unan. Hindi naman talaga ako natutulog na may unan sa ulo kaya hindi ko alam kung saan ko gagamitin 'yun. 

Tumingin ulit siya sa akin. Umupo na ako sa kama. May kalayuan din ang agwat nung kama namin. Buti nalang at baka atakihin ako dito kung hindi. 

"May kuya ka pala?" tanong ko, ayoko naman na matulog ako na hindi pa rin kami nag-uusap. Kaibigan ko pa rin naman siya. 

Tumango siya. "Wala siya dito, kase may apartment na siya." sagot niya. 

I slowly nodded. I crossed my legs while watching him fix some of his stuff. I looked around the room. Maayos naman siya sa gamit. Ang linis din tingnan nung buong kwarto. Walang-wala tuloy yung kwarto kong napagulo at napakaraming gamit. 

"Umuuwi rin ba siya dito?" sunod kong tanong. 

Tumigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako. Inosente lang naman ako tumingin ulit sa kanya. 

"Bakit ka interesado sa kuya ko?" tanong niya.

My forehead creased a little. Why is he asking me that? Is it bad to ask about his brother?

"Wala. I'm just curious," sabi ko sabay iwas ng tingin. Tingin niya ba may crush ako sa kuya niya? Pinakita kase nung Mama niya kanina yung picture nung kuya niya. Gwapo rin, as expected. Pero, para sa akin, si Gray pa rin mas gwapo. 

He smirked. "Crush mo?" 

Pinanlakihan ko siya ng mata. "What? No? I only saw him sa picture kaya!" tanggi ko. Hindi naman kase yung kuya niya yung crush ko, siya. 

"May iba akong crush, 'no." dagdag ko. 

I don't know if it's just an illusion, but I saw his smile fading a little. It quickly turned to a teasing smile. I don't think I should've said that. Why did I say that? Para ko na rin binubuking ang sarili ko! 

"Talaga? Sino? Si Kale, 'no?" 

Umiling ako. "Matagal nang hindi si Kale ang gusto ko," sagot ko sabay tingin sa kanya. 

He smirked again. Umiwas nalang ako ng tingin. Pakiramdam ko may sasabihin pa siya at hinahanda ko lang ang sarili ko. Pagtingin ko naman sa kanya ay nasa harap ko na pala siya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko, dahil sa lapit niya sa akin. Pakiramdam ko'y namumula ang mga pisngi ko at kumakalabog ang dibdib ko. 

"Ako ba?" tanong niya habang nakangiti. "Ako ba yung crush mo?" 

Nakatitig siya sa mga mata ko kaya nailang ako. Hindi naman ako basta-basta aamin sa kanya! At saka, alam ko naman na hindi niya ako gusto. Mas magiging awkward lang ang gabi ko dito kung aamin ako bigla! 

"Hindi ah!" tanggi ko. Tumawa siya, na para bang inaasahan niya na sabihin ko 'yan. "Bakit mo naman naisip 'yun? Ang hirap kayang magkagusto sa blockmate! Para na tayong pamilya eh..." pagdadahilan ko. 

He chuckled. "Mahirap nga..." sabi niya at umupo sa kama niya at tumingin sa pader. 

I tried to control my facial expression. Yung babaeng gusto niya kaya nasa block? Hindi niya naman sasabihin 'yun kung hindi, diba?

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now