[39]

2.1K 50 28
                                    

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.

Agad naman na bumungad sa akin ang mukha ni Mama na nag-aalala. Niyakap niya ako agad ng mahigpit. Paano ako napunta dito? Pero mas lalo akong nag-aalala sa baby! Anong nangyari?

"Mama! Yung baby?" I panicked.

Nakita ko rin si Emma na nakaupo sa may sofa. She quickly stood up and went beside me.

"The baby's fine, Lia. Malakas ang kapit niya." sabi ni Emma.

I sighed in relief. Napahawak lang ako sa tiyan ko. Mabuti naman at hindi siya napahamak. Hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa anak namin ni Kale. I would probably blame myself all over again.

"Anong nangyari?" tanong ko. "The last thing I remembered was seeing Kale and Gray fighting. Tapos bigla nagdilim ang lahat,"

Emma looked at Mama. She looked at me with her usual annoyed expression.

"As you remembered, they fought. Then you fainted. Dinala ka ni Prince dito, because he was the one who saw you fainted. Ngayon, ginagamot na ang sugat nung dalawang 'yun." sabi ni Emma. "Buti nalang din talaga at nandun si Prince. He stopped the two of them from fighting. Talagang nag-away pa kase sila kung sino magdadala sa'yo." she ranted.

I sighed. Bigla ko naman narinig ang pagbukas nung pinto. Agad ko naman nakita si Kale na pumasok. Kasunod naman niya si Gray at Prince.

"Kale," saway ni Mama.

Hindi naman inintindi ni Kale si Mama at mabilis na pumunta sa tabi ko.

"Oh, really? Prince, bakit mo naman dinala ang dalawang 'yan dito?" sabi ni Emma kay Prince habang nakakrus ang dalawa nitong braso.

Tinaas ni Prince ang dalawang kamay niya. "What? I can't stop them. Baka kaming tatlo na ang magrambulan doon kung pinigilan ko pa sila." Prince said.

Emma just rolled her eyes. Lumapit nalang si Prince sa kanya at inakbayan siya. Inalis naman ni Emma ang akbay niya sa inis.

"Are you okay now? How's the baby?" Kale asked, caressing my face.

Nanatili lang naman si Gray na nasa pinalikod ng kwarto ko at nakatingin lang sa akin. Nung magtama ang paningin namin ay tumingin lang siya sa baba.

"The baby's fine, Kale." sagot ko.

He sighed in relief. Mama had her brows furrowed while looking at the two of them. Bakas ang inis at galit sa mukha niya.

"I don't think you two should be here. I want you to get out." Mama said, to the two of them.

"Mama." sabi ko. Wala naman kaso sa akin kung nandito sila.

Tumingin naman si Kale kay Mama.

"Tita, I'm the father of her baby—"

"Oo nga. Kaya dapat bago ka nakipagrambulan inisip mo ang mangyayari sa anak ko." sabi ni Mama. Yumuko si Kale. "Alam mo bang pumunta ang magaling mong ina sa bahay namin para sabihin sa anak ko na wag na siya maghabol ng kahit ano sa'yo? Tingin niya ba, hahabulin ka pa ng anak ko ng dahil sa pera? Excuse me, pero hindi namin kailangan ang pera niyo!"

Tumingin naman sa akin si Kale. "Sinabi 'yun ni Mama?" tanong niya.

Dahan-dahan lang ako tumango. He closed his eyes for a second, before sighing. He returned his attention to Mama who looked so furious and angry. Parang nag-iinit ang dugo niya sa kanilang dalawa.

"Ako na po humihingi ng pasensya kay Mama. I'll talk to her," Kale told Mama.

"Aba! Dapat lang! Alam mo ba kung gaano umiyak ang anak ko nung nakipaghiwalay ka sa kanya? Kung gaano siya nasaktan? I expected better from you, Kale! Alam mo na ngang buntis 'tong anak ko, tapos ganon pa ang gagawin niyo sa kanya?" galit na sabi ni Mama.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon