[42]

2.4K 56 5
                                    

Hindi ako makaimik.

"Uh..." ang tangi ko lang nasabi, sabay lunok.

I looked back at Kaia who's just blinking slowly at us, right now. Kung nakita niya siguro ang mukha ni Kale ay baka nalaman niya agad na ito ang daddy niya. I had pictures of me and Kale in my wallet. Kaya iyon 'yung lagi kong pinapakita ko sa kanya pag wala si Mama.

Nakatitig ako sa kanya habang matalim ang tingin niya sa akin. He only had his hands on his coat.

I quickly scanned his face. Apat na taon ang lumipas ay wala halos nagbago sa mukha niya. He's still handsome as ever. Parang hindi rin siya tumanda.

"Kale... A-Ano, Dr. Buenavista pala. Ikaw ba ang doktor ng anak ko?"

Nakatingin sa amin si Emma at Tria na parang pinapanood ang nangyayari. Maski 'yung yaya ni Kaia ay pinapanood kami. Para kaming ewan na nakatulala lang sa isa't isa.

"Yes," he answered, while looking at my eyes. "Anak natin, Lia. She's also my daughter..." sagot niya habang nakatingin kay Kaia.

Tumango nalang ako. Lumapit siya kay Kaia at tiningnan lang ulit ito. Napahawak naman ako sa dibdib ko, habang nakatalikod sa kanya. Pakiramdam ko'y aatakihin ako ngayon sa nangyari.

I wasn't prepared! Pinaghahandaan ko pa ang pagkikita namin, pero ngayon na nagkita na kami'y parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung mahal niya pa ako o kung may nararamdaman pa ba siya para sa akin. Hindi ko alam ang dapat kong isipin.

"It's nothing serious," Kale suddenly spoke.

Napatingin ako sa kanya. Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata niya. Kinakabahan ako lalo.

"Is this the first day that she had a fever?" he asked, not taking his eyes off me.

I nodded. Pakiramdam ko kung sasagot ako'y mauutal lang ako. Mapapansin niya lang kung gaano ako ka-affected sa kanya.

Nanatili pa rin ang titig niya sa akin habang tumingin lang ako kina Emma at Tria na umiiwas lang naman ng tingin sa akin. Jusko, gusto ko nalang umuwi. Hindi ko na ata 'to kaya.

I heard him sigh. Nagulat nalang ako nung hawakan niya ang palapulsahan ko at hinila ako palayo doon. Sa hawak niya palang sa akin ay bumibilis na uli ang puso ko.

Nung makarating kami sa isang pribadong lugar ay bigla niya akong niyakap. Sa higpit ng yakap niya'y halos hindi na ako makahinga. I didn't know if I should hug him back. O kung may dapat ba akong gawin.

"K-Kale..."

"I'm sorry," he cried. "I'm sorry for everything."

Umawang ang labi ko. Ramdam ko ang panginginig niya at ang pag-iyak niya sa balikat ko. Unti-unti ko naman tinaas ang kamay ko para i-comfort siya. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng mga luha ko.

Kumalas siya sa yakap namin at pinunasan ang mga luha niya.

"I'm sorry for doubting you before, I'm sorry for everything I did... I'm sorry for hurting you. Kung nakinig lang sana ako sayo'y hindi sana tayo umabot sa ganito. Kung nakinig lang ako sayo'y sana nakasama ko rin ang anak natin."

"Kale," sabi ko at hinaplos ang mukha niya gamit nung dalawa kong kamay. "Hey, I understand. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo noon. I betrayed you... kasalanan ko-"

Tuloy-tuloy pa rin ang tulo ng mga luha niya, kaya pinunasan ko ito. 

"Still... It's my fault, Lia. Kung hindi lang ako nagmatigas. Baka hinayaan pa ako nang Mama mo na makasama kayo," he said. "All of it is my fault. I regret everything I did. I regret every word I said to you before. Nagpadala ako sa selos. Nagpadala ako sa takot na mawala ka, pero ako rin pala ang naging dahilan para mawala ka sa akin... kayo nang anak natin,"

Rule #1: Rule of FateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora