[7]

2.3K 66 14
                                    

Hindi ako makahinga.

Ang bilis pa rin ng puso ko dahil sa kaba at takot.

"Buti nalang nandito ka... buti nalang may kasama na ako." mahinang sambit ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin at nagtatakang tumingin sa akin.

"Okay ka lang?" he asked.

Ramdam ko pa rin yung takot at kaba ko sa dibdib. Hindi ko na napigilan at naiyak nalang. Nagulat naman si Gray at tumingin-tingin sa paligid.

Nilabas niya ang panyo niya pero nilabas ko nalang yung akin.

"Okay lang..." sabi ko sa bawat hikbi.

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi alam ang gagawin. Napatingin ako sa likod, iniisip kung nakasunod pa ba yung lalaki.

"Kanina kase... sa jeep. May lalaking hin-hinawakan ako." I stuttered. "Akala ko nung una, aksidente lang dahil masikip kami, halos mahawakan niya na ang dibdib ko at hinawakan niya din ang kamay ko. Iniwas ko naman agad, akala ko wala na p-p-ero."

Nakikinig lang naman siya sa akin.

"Pero, sinundan ako at tinanong pangalan ko. Hindi ko na alam gagawin. Natakot ako. Sinubukan kong magsalita, pero hindi ko magawa. Walang lumabas na salita sa bibig ko." naiiyak kong sabi.

He patted my head as a sign of comfort. Dumating na yung tren at buti nalang walang gaanong tao. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung sobrang dami ng tao at siksikan.

Pinauna na ako ni Gray na pumasok. Wala nga lang upuan kaya nakatayo kami. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa may hawakan at tahimik na umiyak. Nasa harap ko lang naman si Gray.

Hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga tao. Hindi ko rin kase mapigilan ang pagiyak ko.

Pagkababa namin, I followed him closely yung utak ko nandun pa rin sa nangyari.

"Okay lang ba sayo? Daanan muna natin si Derek?" he asked.

Tumango ako. "Pwede sumama sainyo? Please. Hindi ko kase kaya mag-isa. Natatakot ako."

He gave a small smile. "Oo naman."

Dinaanan namin si Derek. Nagtataka naman na tumingin siya sa akin dahil sa pagiyak ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Derek.

"May nangmanyak sa jeep." sabi ni Gray.

Tumingin si Derek kay Gray. "Dapat sinsuntok mo!" iritadong sabi ni Derek.

"Nagkita lang kami sa LRT, pagdating niya dun umiiyak na siya." kwento ni Gray.

Sinamahan ako ni Derek at Gray papunta doon sa kung saan daw manonood. Kasama ko sina Nikka dahil wala sina Yasmin. Tinatamad.

Magbabayad na sana ako sa tricycle, pero inunahan na ako ni Gray.

"Ako na." sabi niya.

Dahan-dahan lang ako tumango at wala sa sariling naglakad. I felt safe na at least kasama ko si Gray at Derek. Hindi tulad kanina na mag-isa ako at halos mahimatay na ako sa kaba at takot.

Pagkakita namin kina Nikka agad naman ako tumakbo sa kanila at niyakap sila. I needed the hug. I needed the comfort.

"Ano nangyari?" tanong ni Nikka.

"May humawak sa kanya sa jeep," paliwanag nina Derek.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Nikka. She rubbed my back to comfort me. Tuloy-tuloy lang naman ako umiyak. Maski si Rina, sinusubukan na rin ako patahanin.

Rule #1: Rule of FateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum