[4]

2.8K 97 21
                                    

"Pasensya nga pala doon sa dalawa..."

I nodded. Sabay na kami ngayon na naglalakad pa-LRT. For the first time, siya ang nagyaya sa akin. Hindi ko naman alam 'yung dapat kong maramdaman dahil doon. Minsan niya lang kase ako kausapin. Madalas, tuwing hihiram lang ng gamit o di kaya sa groupings.

"Okay lang naman." sagot ko.

Another silence.

Ganito nalang ba kami palagi?

Pagdating namin ng LRT, saka lang ulit siya nagsalita.

"Mabait naman yung mga yun, sadyang madaldal lang." sabi niya.

"Uh, huh. Ang kulit nga nila eh! Wala naman din akong kaso doon dahil binaon ko na lahat sa limot bago nag-college." I said.

He looked at me intently. Na parang kinikikilala niya ako. I looked away from his stares at humawak nalang sa hawakan. Baka mahulog at mapahiya pa ako dito e. Wouldn't want him to see that, or anybody really.

"Pero... hindi mo talaga boyfriend mo 'yun?" There was curiousity in his voice.

Umiling ako. "Nope."

"Bakit ka naman niya hindi nagustuhan?" he asked na para bang hinuhusgahan niya 'yung crush ko dati.

I shrugged. "Ewan ko, siguro ganon lang talaga. Hindi mo rin naman mapipilit 'yung puso mo, kung sino yung gusto mo diba?"

Just like how I can't stop getting nervous whenever I'm around you.

Sana lang hindi ka katulad niya.

Tinitigan niya ako, kaya umiwas ako ng tingin. Nakikita ko naman ang tingin nung ibang mga babae sa kanya. Ang gwapo talaga. Ang tangkad niya pa kaya mukha tuloy akong maliit. From the corner of my eye, para silang kinikilig dahil nakakita ng gwapo.

"Ikaw ba? Naranasan mo na yun? Yung hindi ka gusto ng gusto mo?" I asked. Curious lang. Someone like him, looks like a heartbreaker rather than someone who gets his heart broken.

Umiwas muna siya ng tingin sa akin bago binalik ulit sa akin. "Hindi pa. Lahat naman sila nagugustuhan ako pabalik e,"

Of course, what did I expect? If he looks like that, edi halos lahat siguro ng babaeng gusto niya, magugustuhan siya. Although, looks aren't everything naman, may mga tao pa rin na pipiliin ang personality over looks and sometimes we just end up liking someone without any explanation for it.

I playfully rolled my eyes. "Wow. Edi ikaw na gwapo,"

"Gwapo? Tingin mo, gwapo ako?" He teased, there was a hint of playfulness in his voice.

Tumawa naman ako. "Grabe, 'yun kase 'yung naririnig kong sabi nila sa'yo! It doesn't necessarily mean na yun yung tingin ko ha!" depensa ko.

Mali. Gwapo ka naman talaga sa paningin ko.

Pero, siyempre di ko sasabihin sayo 'yun.

He chuckled. Tangina. "Wala, nasabi mo na." pagbibiro niya.

Pagdating sa babaan namin, iniba ko nalang 'yung topic. Kaso mukhang ayaw niya bitawan 'yun. Tuwang-tuwa ata na tinawag ko siyang gwapo? Ang hangin naman.

"Ah... Kaya ba yakap na yakap ka sa 'kin noong una tayo nagkita? Nagwa-gwapuhan ka pala sa akin..." mahangin niyang sabi.

"Ano ba! Hindi nga sabi!" naiinis kong sabi. "At saka, masikip noon ha! I didn't have a choice!"

Tumawa siya at mukhang natutuwa na napipikon ako. Umiling lang siya, pinipigilan pa rin ang sarili na matawa o ngumiti. Inikot ko naman ang mata ko sa kanya. Medyo pikon pa naman ako.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now