[21]

1.7K 56 27
                                    

Mabilis din ang oras at hindi ko aakalain na huling araw ko na pala sa school.

Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko na aalis ako. Ngayon ko palang balak sabihin sa kanila ang tungkol dito. Mamaya sa party. Nag-renta kase sila ng bahay malapit lang din para mag-party kami as a block dahil nakatapos kami ng isang taon.

Naasikaso ko na rin 'yung mga kailangan kong papeles para sa pag-alis ko. Sabi ni Tita Gridget ay baka makaalis na rin ako next month. Hindi ko alam at magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Marami akong iiwanan... marami rin akong ma-mimiss. Pero babalik rin naman ako. Matatagalan nga lang.

"Oh, baon mo." sabi ni Mama sabay abot ng baon sa akin. Napansin ko naman na namumutla siya. Kumunot ang noo ko at nag-alala. Nakahawak kase siya sa ulo niya. Napapansin ko rin ang pag-iiba ng mukha niya ng konti. Baka may sakit siyang hindi sinasabi sa akin?

"Mama? Ayos ka lang?" tanong ko.

Ngumiti naman siya sa akin at inalis ang hawak sa ulo niya. "Ayos lang ako anak. Wag kang mag-aalala. Mamaya, overnight kayo 'no? Enjoy!" sabi niya at niyakap ako, bago ay bumitaw din.

"Kung masama pakiramdam mo, Mama. Magpatingin ka ha?" sabi ko sa kanya bago sinukbit ang bag ko. Naisip ko naman kung paano nalang si Mama pag umalis na ako. Sino nalang mag-aalaga sa kanya? Sabagay, nandyan naman si Tito Jeremy. Pati na rin ang mga kumareng kapitbahay naming chismosa, na tinatanong pa kay Mama kung sino daw ba 'yung naghahatid sa akin dati. Tsk.

"Oo. Ingat ka!" sigaw niya.

Nung makarating naman ako sa school ay pinagmasdan ko ang lugar. Hindi na ako babalik dito. Hindi ko na 'to makikita muli pagkatapos ng ilang taon. Hindi ako magtatapos dito.

Naalala ko naman ang mga pinagdaanan namin bilang isang block. May masasaya at may mga nakakastress na pangyayari. Bagama't hindi ko gusto ang course ay gusto ko naman ang mga kasama ko. Mababait silang lahat at masayang kausap. Hindi rin sila gaanong judgemental.

"Uy, Lia. Aga mo ah!" sabi ni Tina sabay akbay sa akin. Parang ako palang kase ang nandito.

Ngumiti ako. "Hindi naman. Sakto lang." sabi ko. Sinadya kong agahan para lang pagmasdan ang buong lugar. Baka hindi na rin talaga ako makabalik dito at bumisita kaya inilibot ko na rin talaga ang sarili ko dito.

Sunod-sunod na rin silang dumating. Mamimiss ko rin talaga ang mga kaibigan ko. Ngayon palang, ay nalulungkot na ako at naiiyak. Kakayanin ko ba talaga umalis? Pero, pangarap ko 'yun. Dapat lang talaga na umalis ako.

Kausap ko si Allie nung nakita kong pumasok si Gray. Nakakausap ko lang din siya tuwing groupworks. Hindi na rin ako sumasama minsan sa after school kainan pag kasama siya. Kung kailangan kong sanayin ang sarili kong wala siya ay dapat simulan ko palang ngayon.

Sa gulat ko naman ay imbes na sa tabi ni Sheryl siya umupo ay dumiretso siya sa akin. Kung saan siya dati nakaupo madalas. Sinubukan kong hindi pansinin 'yun. Nararamdaman ko na naman 'yung kirot sa puso ko. Bakit niya ba 'to ginagawa sa akin? Bakit parang pinapahirapan niya pa ako lalo?

Halos pasahan nalang din ang gagawin namin ngayon kaya hindi na rin nag-discuss ang mga prof. Nag-congratulate nalang siya sa amin at nagsabi ng mga motivational words.

Nanatili lang ako tulala dito sa kawalan. Napansin ata ni Allie ang ekspresyon ko dahil hinawakan niya ang kamay ko, pinisiil niya ito ng konti para makuha ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanya at nagtaka sa ginawa niya.

"Ayos ka lang?" bulong niya.

Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang ako."

She smiled and averted her attention to the board. Isa rin siya sa mamimiss ko. Matagal din ako mawawala. Ngayon palang ay may mga luhang nagbabadyang tumulo sa mukha ko. Pero hindi pa ako pwedeng umiyak ngayon... mamaya na.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon