[24]

2K 45 11
                                    

"Lia,"

Halos dalawang taon na ang nakalipas mula nung nangyari ang lahat nang 'yun. So far, I'm living well. Tinuon ko lahat ng atensyon sa pag-aaral at halos wala na rin akong inaatupad kung hindi 'yon. I focused myself on healing and sticking to my promise to Papa.

"Yes?"

Ngumiti si Yuan sa akin. Yuan, is my blockmate. Isa rin siyang foreigner dito at galing din nang Pilipinas. Gwapo rin siya at chinito. Marami rin kasing nagkakagusto sa kanya dito.

He suddenly gave me chocolates, which surprised me a bit.

"Oh, for what?" tanong ko. I had to ask, since I didn't want to assume.

"For you," he said with a smile.

I suddenly heard a scoff. I turned to Kale, beside me and widened my eyes at him. Umiling lang siya at tumingin na sa harap.

Ngumiti ako kay Yuan. "Thank you."

He just nodded and left. Nilapag ko naman ang chocolates ko sa table. Tumingin naman ako kay Kale na mukhang busangot ang mukha.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya.

"I told you, that guy likes you. Ikaw lang 'tong ayaw makinig." sabi ni Kale at sinandal ang braso sa table.

I rolled my eyes at him. Sa dalawang taon na kasama ko siya dito'y para ko na rin siyang boy bestfriend. Halos magkasama kase kami nito palagi. He also tells me who likes me or not. Ang lakas talaga nang radar niya pagdating dun.

"Kale."

Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita si Mitsuko, isa rin sa blockmates namin na ngiting-ngiti.

She had a long straight black hair and she really looked cute. Pansin ko rin kung paano niya laging tingnan si Kale at tawagin ito. Halatang-halata naman na crush niya si Kale.

"Mitsuko," Kale greeted with a smile.

Sa tagal rin namin na nandito, I've witnessed how many girls wanted Kale. Gwapo naman din talaga siya at marami na rin nagkakagusto kahit nung nasa Pilipinas kami. Isa na rin ako dun, dati.

Ewan ko lang sa kanya, kung bakit ni isa sa mga babaeng may gusto sa kanya'y wala siyang pinapansin. Minsan parang gusto ko siyang batukan dahil ang gaganda kaya nung mga nagkakagusto sa kanya! Umaayaw pa siya!

"Did you read the letter I gave you?" she asked with a smile.

I watched them. Hindi ko mapigilan tingnan kung anong mangyayari.

"Yes..." Kale said. "Uh, I'm sorry, but I can't."

Yumuko si Mitsuko na parang bang nahihiya.

"Is that so, okay..." she said and left.

The program we entered here is in English, kaya't hindi rin mahirap para sa amin ang mag-adjust. Although, we also tried to learn Japanese dahil kailangan.

Hinampas ko si Kale. Agad naman nitong umaray.

"Why did you do that?" sabi ko sa kanya. "Kawawa siya."

He sighed. "I don't like her that way, so I just did what I should do. Mas okay na 'yung ganon. Para makamove-on na rin siya."

I rolled my eyes at him. "You always do this, why don't you give the girls that likes you a chance?"

He stared at me for awhile. Ever since we were here, he never talked about his feelings for me. Hindi ko alam kung hanggang ngayo'y gusto niya pa rin ako pero hindi ko na rin tinatanong.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon