Chapter 39

66.7K 5.6K 773
                                    

You may try the suggested music. I put the link. (Leticia and the mermaids song) Inspired lang naman. To add some spice to your imagination. Haha. 


Chapter 39

Awitin

Habang tumatagal sa kamay ni Iris ang mapa ng unang Nemetio Spiran, tila mas nagkakaroon na ito ng higit na detalye.

Ang una naming destinasyon ay ang palasyo ng unang diyosa rito sa lupa. Doon niya iniwan ang unang relikya at nasisiguro ko na may isang babae kaming makikilala roon na handang ibuwis ang sariling buhay upang maprotektahan lamang ang kanyang pinangangalagaan.

"Kung hindi na ang dating puting lobo ang may hawak sa mapa, hindi ba posible na iba na rin ang may hawak ng natitirang relikya? It could be their heirs, daughters, relatives, or students. Kung kanino man nila nais ipasa. Ilang taon na rin ang lumipas, marami na ang maaaring mangyari." Paliwanag ni Rosh na hindi ako nahirapan sang-ayunan.

"How can we convince them? Hindi maaaring basta na lang nila ibigay sa atin ang mga relikya." Tanong ni Iris.

"We can show Leticia's blade? Maaari ka rin nilang makilala. Maybe you have this connection?" tanong ni Rosh.

"Maaari... mas makabubuti na hindi na tayo magkaroon pa ng problema, lalo na ang pakikipaglaban sa kanila."

Umiling din si Iris. "Hindi ko rin nais makipaglaban sa kanila."

"They're women. Maybe I can..."

"Rosh, kung hindi man sila ang mga unang nangalaga sisiguraduhin ng mga nagpasa sa kanila na hindi sila mahina. Maaaring walang magawa ang kapangyarihan mo."

"I am just kidding, Leticia. So... what are we going to do next?"

Sa pagkakataong iyon ay na kay Iris muli ang mga mata namin ni Rosh. Kailangan namin malaman kung saan dating nakatayo ang palasyo ng unang diyosa o kung anuman ang nangyari roon matapos ang masaysayang pagtakas ng diyosa kasama ng lobo mula sa pitong trono.

Mas lumapit sa aking kinauupuan si Iris, may hinila si Rosh sa ilalim ng kanyang upuan, isang nakatuping kahoy na kapag inayos ay maliit na lamesa na kaysa sa gitna namin. Ipinatong doon ni Iris ang mapa.

Totoo ngang ibang-iba na iyon sa pagkakataong ito.

"Ang dating palasyo'y nasa gitna ng pitong emperyo. Hindi na nakakagulat, ngunit tulad nga ng nalalaman nating lahat, delikadong magtungo sa hangganang nakapagitan mula sa mga naglahong emperyo at nanatiling emperyo."

Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. Doon ang tagpuan ng digmaan at pupuntahan namin agad?

Ano na lang ang sasalubong sa amin?

Ano ang laban ng isang karwaheng may isang diyosa, tatlong bampira at ang isa'y bata pa, langgam na nakakapagpalit anyo, dalawang lobo at ang isa'y babago pa lang nadiskubre kung paano maging lobo sa batalyong uri ng nilalang na punung-puno ng galit.

"Ang palasyo ng unang diyosa'y sobrang laki, na nahahati ang bawat bahagi nito sa pitong hangganan." Kumuha ng panulat si Iris.

Ang mapa'y sinimulan niyang guhitan. "Bilog ang kabuuan ng Nemetio Spiran... ngunit ang bawat emperyo'y hindi pantay sa bawat laki. Ngunit sa kabila nito, nasisiguro na may parte silang konektado sa palasyo."

Ginuhitan niya ang bawat koneksyon. "Hindi na siguro ito napapansin ng bawat nilalang..." usal ni Rosh.

Gumuhit ng bilog sa gitna si Iris. "Narito ang dating palasyo..."

Moonlight War (Gazellian Series #5)On viuen les histories. Descobreix ara