Special Chapter 3. Four of a Kind

661 27 22
                                    

*BOOM!*

Bigla na lang kaming nanghina matapos namin marining yung dumadagundong na pagsabog mula sa kung saan. Kitang kita ko sa dalawa kong mga mata na sumirit ang liwanag mula sa mga katawan namin. Para bang may masamang ispiritong humugot sa Pwersa namin.

Nabitiwan pa ni Xavier yung bitbit nyang baso, akala mo tumakbo sya ng ilang milya sa pagkahapo.

Si Darwin naman natahimik, napatulala. Ultimo pagti-trivia nya nahinto.

Samantalang si Hiroshima nangamoy bulaklak. Hindi na nakakahiwa ng olfactory senses ang singaw nya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kaya kahit alam kong hindi nila masasagot ang tanong ko ay nangahas pa din ako-

"Anong nangyari?" Tanong ko sa mga kaibigan ko habang pinapakiramdaman ang nangyari.

Binigyan lang nila ako ng blankong pagtitig at pagkalito. Pero matapos ang ilang saglit ay napatayo so Darwin, mukhang maganda ang kanyang ideya.

"Bros! Let's do this. Mobster Style."

Sumunod na lang kami sa plano nya. Wala naman mawawala sa pag-summon sa aming Silver Swan.

"J1!" Pinangunahan ko ang aming formation sa pagluhod sa may bandang kanan.

"X2!" Sumunod naman ng pagluhod si Xavier sa bandang kaliwa.

"D3!" Makabasag itlog na split ni Darwin sa aming harapan.

"N4!" Confident na itinaas ni Hiroshima ang kanyang mga kamay sa gitna.

Pero walang nangyari...

Hindi nagdilim ang paligid. Hindi kami kuminang. Hindi lumabas ang Super Mega Silver Swan.

Mukhang wala na nga talaga ang aming Pwersa, ang aming Siga Powers.

"Bakit walang nangyari?!" High pitched na tanong ni Darwin. Napisak kasi ang kanyang family jewels sa sahig. Kaya't nagmadali na syang tumayo at nagtatalon para makaraos sa epic pagbukaka nyang ginawa.

"Wara na tayo Pwersa?!" Dismayadong gatong pa ni Hiroshima. Binaba na din nya yung kamay nya dahil hindi gumana ang aming summoning technique.

Tumayo na lang din si Xavier. Ngayon ko lang nakita na ganito sya kaseryoso. Sinenyasan nya na lang kaming sumunod sa kanya at nagmamadali syang tumakbo palabas ng aming garahe.

Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Wala din syang pagdadalawang isip na dumiretso sa Gubat; ang sikretong parte ng Ilalim.

Sumunod na lang din kami sa kanya. Nakakapagtaka din dahil nakatiwangwang lang ang gate nito at nakabaklas ang kadenang nakapulupot dito.

Mukhang may nakialam sa Agis Rock...

At hindi talaga maganda ang kutob ko...

Binaybay namin ang matarik na daan papunta sa tuktok ng Gubat. Nagkalat pa din ang mga hiyas, mahahalagang bato at kristal na nakaukit sa mga nilalakaran namin.

Nandirito pa din ang mga naglalakihang puno, bulaklak at bunga ng samut saring halaman.

Maya maya pa'y dumating na kami sa bukana ng tuktok nito. Palabas na kami ng mala-kwebang pagkakalimlim ng mga halaman. At nagulat ako sa aming nakita.

Wala na ang Agis Rock. Nasa dating pwesto nito ang isang misteryosong lalakeng nakasuot ng korona at black leather jacket.

Nagkalat din ang mga nakabulagta at tila mga walang malay na gwardya at iba pang tao. May mga wasak ding baril, kagamitang pangmina at mga aparatong hindi ko alam kung anong gamit.

At bago pa kami makakibo'y pumasok ang lalake sa isang dimensional portal at nawala syang parang bula.

Hindi man lang namin sya namukhaan o at least naka-selfie. Iba kasi ang angas nya. Pero hindi ko din maipaliwanag dahil parang kakilala ko sya.

Binasag na ni Darwin ang katahimikan. "Sinira nya yung Agis?!" Kitang kita ko sa mukha nya ang pagkadismaya.

Mataimtim namang tumango si Hiroshima at ginatungan pa ng- "Wara na. Wara na tayo rakas. Hindi na tayo Siga."

"Ano nang gagawin natin?" Seryoso namang tanong ni Xavier. Akala mo ba'y may pinagdadaanang identity crisis si loko.

Pero sa mga oras na yun naliwanagan ako. Alam ko ang dapat naming gawin. Kaya nangahas akong ipaglaban ang ideya ko.

"You guys trust me right?" Nakangising sagot ko sa kanila habang abot tenga ang ngiti.

Tumango na lang sila at sumakay sa trip ko. Kahit hindi nila alam ang aking pinupunto ay sumunod na lang sila sa akin...

At ang legacy ng 925 Mobsters ay nagsisimula pa lamang...

**********

One Year Later

"Ready?" Tanong ko sa kanila habang hinihintay ang signal.

Ngumisi lang si Darwin at sinuot ang kanyang shades.

Si Xavier naman ay tumango at huminga lang ng malalim

Si Hiroshima naman ay buong loob na sumigaw ng-
"RET'S DO THIS!"

Maya maya pa'y dahan dahan nang tumaas ang platform naming kinatatayuan.

Unti unti nang umandar ang smoke effects at nakita ko na ang nakakalula na dami ng mga tao sa paligid.

Nang itutok na sa akin ang spotlight ay itinaas ko ang aking kamay at sumigaw sa suot kong lapel mic ng-

"WHAT'S UP ARANETA?!"

Nakakatulig ang kanilang mga hiyawan. Puro kolehiyala at mga high school fan girls na halos magwala na sa kanilang pwesto.

"I'm Darwin. The Smart One." Sabay pose na parang nag-iisip. Nagsigawan ang mga manonood sa galak.

"I'm Xavier. The Hot One." Sabay taas ng kanyang t shirt. Umaalog alog pa ang bilbil. Nagtilian naman ang mga nasa harapan at pinipilit syang abutin.

"I'm Hiro. The Coor One." Sabay taas ng kanyang mga kamay. Umalingasaw ang mala-chamomile nyang halimuyak sa paligid. Naglulundag ang mga manonood at halos mabaliw sa tuwa.

"And I'm Jonathan. The Cute One." Inilabas ko na ang aking killer smile at nag-beautiful eyes. Nagpatuloy lamang sa ingay ang mga nanonood. Nakapansin pa ako ng ilang naluluha sa kilig.

"And We're... THE MOBSTARS!" In sync naming panapos bago tumugtog ang music. Nagputukan na ang mga pyro at kumalat kalat ang ilaw ng strobe lights.

Hindi pa din ako makapaniwalang nagkatotoo lahat ng pangarap namin. Hindi pa din ako makapaniwalang kami ang nagpauso ng P-Pop sa Pilipinas. Hindi pa din ako makapaniwalang aabot ng 3 Billion Views sa YouTube ang music video ng aming carrier single na "Swan me, Baby!"

Hindi ako makapaniwalang sold out ang unang concert namin sa Araneta ColiseumHindi ako makapaniwalang naging world wide sensation ang apat na mokong galing ng Mineral Village.

At lahat ng ito ay nagsimula nang tinalikuran na namin ang pagiging Siga.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon