Chapter 29. The Return of the Comeback

1.4K 57 41
                                    

GULAT!

Laking gulat ni Mr. A. sa kanyang naulinigan. Tama kaya ang kanyang narinig?

At all of a sudden nabasa ata ng barista ang utak ng bida at nilakasan pa lalo ang hirit.

"ONE VENTI STRAWBERRIES AND CREAM FRAPPUCHINO FOR JUNIPER!" ALL CAPS NA PARA INTENSE.

Kaya paglingon ng dati nyang matalik na kaibigan na tila pinaghanguan ng kantang Magasin ng Eraserheads ay halos napanganga sya sa ganda nito. Para bang nawala ang #medyobadboy nyang imahe.

"Excuse me bro. May problema ba?" Maangas na entrada ng bulinggit na kasintahan ni Juniper. Akala mo kung sinong pogi at matangkad. Receeding naman agad ang hairline kahit early 20's pa lang.

Nakatulala pa din si Mr. A. Medyo wala pa sa ulirat. Bigla na lang nagsalita ang babae at-

"Arch? Is that you?" Halong tuwa at gulat na tanong nito. Talagang napakanatural ng pagkagalak nya.

"Hey. Juniper? Wow! Long time no see." Magalang na sambit nito. Hindi pa din sya makapaniwala sa itsura ng dating bestfriend.

"Oh my f***n Gosh! It really is you!" Sabay yakap sa bida.

"Kamusta?" Gatong pa nito habang lagpas tenga ang ngiti.

Pero bago pa man sya makasagot ay- "Ehem!"

Papansing pagkuha ng atensyon ng kasama ng dalaga.

"Oh! Baby this is my bestfriend Arch. He's the one I'm talking about." Pagpapakilala ni Juniper kay Mr. A.

"And Arch, this is my boyfriend Tony." Pagbaling nito patungo sa kasintahan.

"Finally. Nakita na din kita in person." Sabay alok ng pakikipagkamay sa bida.

"Nice to meet you bro." May konting diing pisil ng boyfriend ni Juniper habang nakikipagkamay.

"Babe, can you wait in the car? We'd just catch up a bit." Bilin sa kasintahan matapos humalik sa pisngi nito.

"Bro. Ingatan mo girlfriend ko ah?!" Sarkastikong bati nito bago dumiretso sa kanyang kotse.

At paglabas ni Tony ay agad na ding nagsalita si Juniper. "Oh my! What happened? How you've been?"

"I'm pretty alright, I guess? Ikaw? Kamusta?" Marahang sagot ng bida habang nakatingin sa kaibigan.

"Ito. Okay lang. Wala namang nagbago."

"Walang nagbago? You look gorgeous! Mukha ka nang tao!" Pabirong hirit nito.

Sabay palo sa balikat ng bida at sinabing

"Haha. Bolero. Sige na besty. We'll just catch up some other time. May pupuntahan pa kami eh."

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon