Chapter 47. Red Tapes and Syndicates

1K 42 26
                                    

PORMAL!

Pormal ng tapos ang pinatawag na Press Conference ni Jobs, ngayon ay dumiretso na sya sa kanyang opisina upang isagawa ang kanilang kauna-unahang official closed door meeting kasama ang mga bagong haligi at new generation ng Stinger Corp.

Ang dating Research Director's Office na pagmamay-ari ni Mr. Guinto ay nakatanggap ng isang massive overhaul at redecoration.

Wala na ang mga futuristic at over the top na inventions ng matanda dito. Isa na lamang itong malaking kwarto na may conference room vibe. Pagpasok pa lamang ay bubungad sayo ang siyam na silyang naka V-shape formation at nakaharap sa ilang mga long tables.

At sa gilid ng mga ito ay ang Prototype Version ng Sancti Thomae Monument o Quantum Reactor. Isa itong 8 feet tall rectangular tower. Mayroong metallic sphere sa ibabaw na nakapatong sa isang bowl-like metal plate. Mayroon ding engraved handprint sa magkabilang side. At nakapwesto ito sa gitna ng isang bilog na Yin and Yang, na imbis na itim at puti ay luntian at bughaw ang kulay nito; ang simbolo ng Stinger Corp.

Bago pa magsimula ang kanilang pagpupulong ay isa isa ng pumasok sa loob ng kwarto ang piling mga myembro nito.

Una, ay isang batalyon ng mga professor; binubuo ng isang lalakeng nasa Late 30's ngunit thinning na ang hairline. May kailiitan at mukha namang mabait. Kasama nya ang isang gwapito na fierce pumorma; akala mo'y may rarampahang cat walk. Nakasuot ito ng salamin at neatly trimmed ang buhok. At isang matangkad at matipunong doktor sa kanyang mid 30's. Napakadisenteng tignan sa kanyang nakatuck-in na long sleeves polo shirt. Hindi naman papahuli ang may katangkarang, maganda't kayumangging dalaga. Agaw pansin ang mahabang buhok nito na nakapusod. Sila'y pinangungunahan ng isang matandang ginang. Nasa kanyang Late 50's at mukhang napakataray at strict.

Umupo sila sa bandang harapan, mataimtim na nagmamasid sa paligid.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay pumasok na sa kwarto ang isang dalagang nasa kanyang early 20's. May kaliitan at balingkinitan ang katawan. Nakalugay ang buhok at mayroong mataray na aura na para bang parating mang-aaway, parang palinkera. Pumwesto sya sa pinakakanang silya sa harapan, iiniirap irapan ang mga professor sa kanyang harapan.

Kakaupo pa lamang ng dalaga ay pumasok na din ang dalawang dambuhalang magkapatid, parang pinagbiyak na bunga, kambal. Ang isa ay mukhang bilib na bilib sa sarili. Tindig pa lamang ay astigin na at medyo bad boy ang effect samantalang ang isa'y semi kalbo at mukhang matapang. Makikita ang galit sa malaki nitong mga mata. Maaaninag din ang ilang galos at peklat sa mukha, marahil mula sa pakikipagbasag ulo. Pumwesto sila sa bandang likuran ng mga professor.

Maya maya pa'y pumasok na ang isang may katangkaran at maputing binata. Clean cut at napaka-inosenteng tignan. Nakasuot ng Saint Thomas Medicine uniform. Binati ang ilang professor nya at tumabi sa mga ito.

Sumunod na din ang kung sino sino pang mga professor, ilang bigating politiko, negosyante, opisyales ng militar at kung sino sino pang prominenteng tao sa lipunan. Isa isang umupo sa kanilang mga pwesto.

Matapos ang ilang saglit ay pumasok na ang Talaba Boys. Umupo sa kani-kanilang pwesto sa naka V-shape na mga silya. Sa kanang parte ng silya katabi ng naunang dalaga sina Carloo, Patrick at Kenny. Sa kabila naman sina Toseng, Macmac at Bugayo. At syempre, nasa pinakagitna si Jobs. Ngunit mayroon pang isang bakanteng upuan sa kanilang hilera.

"Let's start? Magkakakilala na ba kayong lahat?" Pambungad ni Jobs.

Nang biglang bumukas muli ang pintuan, nagmamadaling naghanap ng upuan ang isang dalagang may pulang buhok. "Sorry I'm late." Nahihiyang umupo sa pangalawang row, katabi ng dalawang mayabang na kambal.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon