Chapter 38. Recovery

1.1K 47 43
                                    

GISING!

Matapos ng matagal na pagkakahimlay ay nagising na si Arch...

Sa loob ng isang malamig na puting kwarto, nakahiga habang may oxygen mask sa mukha, dextrose sa kaliwang braso at sari-saring makina sa paligid upang bantayan ang kanyang paghinga at pagtibok ng puso. Isang milagrong buhay pa sya.

Bali ang mahigit kumulang walampung buto sa kanyang katawan. Mula sa braso, ribs, bungo, leeg, likod at binti. Pinagtagpi tagpi, gamit ang ilang piraso ng bakal; aniya isang manikang binuo muli. Isang milagrong buhay pa sya.

Naghahalo ang pangmamanhid at sakit ng kanyang katawan. Nakakapamilipit ang pamamaga ng kanyang atay, lapay, puso at bituka. Para bang inoperahan sya ng walang anesthesia. Sumasagupa dito ang isang damukal na gamot na isinasalaksak sa kanyang mga ugat. Umaasa ang lahat na makagalaw pa syang muli. Isang milgarong buhay pa sya.

Isa na syang gulay. Hindi makakibo. Hindi makagalaw. Umaasa sa mga makina at aparatong ipagpatuloy ang mga hindi na nya nagagawa. Katulad ng paghinga. Katulad ng pagkain. Katulad ng pag-ihi at pagdumi. Umaasa na lamang din ang kanyang mga mahal sa buhay na magkaroon ng isang milagro.

At isang milagro din ang kinakailangan upang makabangon syang muli.

Ngunit hindi ordinaryong araw ngayon. Ito ang ika-labing siyam nyang kaarawan.

Matapos ng mahigit limang buwan ng pagkakahimlay ay alam na nya ang nangyayari. Nagising na sya sa kanyang mahabang pahinga. Mayroong milagrong nagaganap.

Pero sa kasawiang palad ay sya lamang ang nakakaalam nito.

Hindi pa din sya makagalaw. Hindi makakibo. Ngunit gising na ang kanyang diwa. Ang araw na ito ang simula ng kanyang pinakamahirap na pagsubok.

"Where the fuzz am I?! Why is it so dark?!" Nababahalang sambit nya sa sarili.

Pero kahit anong sigaw, kislot o pagbangon ay wala pa ding nangyayari. Aniya nasa isang madilim na bangugot, kung saan maririnig mo ang hinagpis ng iyong mga mahal sa buhay.

"Kuya... Happy birthday. Bumangon ka na dyan. Madami kaming handa para sayo." sambit ng isang dalagitang pamilyar sa kanya ang boses. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Antoinette. Hawak hawak ang kanyang kanang kamay habang nagpipigil ng luha.

Habang ang kanyang pamilya din ay nasa labas ng kwarto. Pinagmamasdan kung magkakaroon ng milagro.

Gustong gusto na nyang bumangon, kumibo at magpasalamat sa kapatid. Ngunit hindi sya pinapayagan ng kanyang katawan. Isa na lamang syang katawan na nakaratay sa gitna ng I.C.U.

Kung saan maaari syang pagmasdan ng ibang tao. Kung saan maaaring pumasok ang isang bisita, upang kausapin o kamustahin ang kanyang lantang katawan.

"Ate, Tara na." Pambungad ng isang binatilyo sa kanyang kapatid. Alam nyang ito ang kanyang bunsong kapatid na si Achilles.

"Guys! Hey! Antoinette! Achilles! I'm awake! Help me out!" Pagsigaw nya sa kanyang diwa. Pagmamakaawa nyang makausap ang pamilyang nangungulila pala sa kanyang pagkakahimlay.

Kaya't bumitaw na ang kanyang kapatid habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata. Umalis na ang kanyang pamilya sa araw na ito. Binisita lamang sya upang tignan ang kanyang kalagayan.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon