Chapter 40. One Last Push

1K 50 63
                                    

HINDI MAKAPANIWALA!

Hindi makapaniwala ang bida kung sino ang kausap nya sa kabilang linya-

Si Juniper

Ang kanyang on and off na matalik na kaibigan.

Ang tila natitirang kaibigan nya na lamang...

Ay unti unting nagbabalik.

At nagsimula ito sa isang tawag.

"Yo Besty? Andyan ka pa? Parang nakarining ka ng patay ah? Haha." Pabirong banat nito. May pagkasarkastiko man sa kanyang tinig ay nagagalak pa din syang makausap ang kaibigan muli.

Hindi nya alam ang sasabihin. Para bang kinakain ng kanyang bibig ang mga salitang ilalabas. Kaya't kaswal nya na lang sinabing- "Hey? You good?" Napahawak na lang sya sa sarili nyang mukha; akala mo'y isang socially awkward penguin.

"Hahaha! What? Yeah. I'm pretty good." Sagot naman ng dalaga sa kabilang linya na natawa na lamang sa bida.

"Hey. Wanna hang out later? Coffee or tea perhaps?" Wala nang paligoy ligoy pang pahabol pa nito.

Lalo lang napatahimik si Arch. Hindi nya alam kung anong sasabihin. Gusto nyang makitang muli ang kaibigan ngunit nahihiya sya sa kanyang sitwasyon. Nababahala din sya kung papaano nya ipapaliwanag sa matalik na kaibigan ang nangyari sa kanya.

"Uhmm. Sorry Juniper. I can't." Kabado nyang sagot. Hindi pa kasi sya handang makita ang dalaga sa kalagayan nya ngayon.

"Bakit naman? Aalis ka ba? So kailan pwede? Pabalang na sambit ni Juniper. Maririnig sa boses nya ang papagkadismaya. Base sa kanyang entrada ay gustong gusto na nyang makita at makausap si Arch.

"I can't. Not right now. Uhmm. Personal reasons." Ani ng bida. Nag-iisip ng pwedeng palusot sa dalaga..

"Arch naman. If it's about Tony, I'm sorry okay? I'm sorry about everything. I'm sorry about what happened. Break na kami. Natauhan na ako. I was just blinded and manipulated by that douche..." Malambing na pagsusumamo ni Juniper. Kulang na lang yata ay lumuhod sya sa harapan ni Arch.

At sa mga sandaling iyon ay tila pinagbuksan si Arch ng pintuan ng langit, binibigyan sya ng liwanag.

Sa pagkakataong iyon ay nabuhayan ang kanyang sugatang damdamin. Naniniwalang maipagpapatuloy na nila ang naunsyaming pag-iibigan. Na ang pagkakataong ito ang magiging susi para mapasakanya na ang babaeng matagal ng parte ng kanyang buhay. Ngunit hindi pa sa ngayon.

Kaya't kahit gigil na gigil na syang makita muli ang dalaga at simulan ang kanilang "one more chance" ay hindi nya pinaunlakan ang paanyaya nito. "I'm sorry besty. I just... Can't. It's not you. It's me."

Cliche man pakinggan pero totoo. Ayaw nya kasing makita sya ng dalaga ng ganito. Ayaw nyang makita sya ng kanyang matalik na kaibigan na lumpo at hindi marunong maglakad.

 "Hahaha. Seriously? You can tell me anything." Napahalakhak si Juniper sa sinabi ng kaibigan. Akala nya ata'y nagbibiro ito.

Napabuntong hininga na lamang ang bida at pinag-iisipan pa din ang sasabihing palusot. Ayaw nya kasing ipagtabuyan ang dalaga ngunit ayaw nya ding magpakita dito. Anlabo ano? Parang nagme-menopause lang si Arch.

"I don't know Juniper. Not know. I appreciate your invitation though." Pa-chicks na sagot ng binata. Nagmamaganda si tukmol. Pero sa katotohanan, hindi nya lang talaga kayang ipaalam ang sitwasyon nya ngayon sa dalaga.

"Uggghh. Fine. Sige na Arch. Bye." Sabay baba nya sa telepono. Dismayadong dismayado si Juniper. Hindi nya inaakalang ganito ang kalalabasan ng kanyang plano.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon