Chapter 42. Mr. Steal Yo Girl!

1.1K 40 66
                                    

KARIBAL!

Karibal ang turing ni Arch sa bagong kasintahan ng kanyang matalik na kaibigan; si Yuben.

Ang misteryosong lalakeng inatasan ng Talaba Boys na paslangin sya. Ang binatang nagngangalang Mr. B na di umano nagligtas ng buhay nya. Ang better version nya, at iniibig ni Juniper; ay ang panibagong balakid sa kanyang happy ending.

Kaya't matapos ng kanyang bwelta dito ay dumiretso na syang umuwi, nagmumuni-muni kung paano nya mauungusan ang binata.

He needs to step his game up. Kailangan nyang maagaw si Juniper sa lalakeng iyon. Kailangan nyang mapaibig ang kanyang best friend. Kailangan nyang gawin lahat ng dapat gawin upang mapawi na ang uhaw ng kanyang naghihingalong damdamin.

Intiate: Mr. Steal Yo Girl!

Pag-uwi nya ng bahay ay agad syang nagpakulo ng Cobra Energy Drink sa takore at hinahanap ang pinakamatapang na kape sa kanilang kusina. Paghahaluin nya kasi ang dalawa to make the perfect all nighter concoction.

Matinding pananaliksik at pagsusunog kasi ng kilay ang kailangan nyang gawin. Hahamakin nya ang antok at ang powers ni Sandman the sleep fairy na sanhi ng ating mga muta para sa kanyang adhikain.

Binuksan nya ang kanyang desktop at kinonsulta si pareng Google na parang isang eskapo ng mental hospital.

Ilang tabs na nakabukas. Palipat lipat ng binabasa. Aligagang matutunan ang tips and tricks para makawala sa friendzone, magpa-ibig ng babae at kung ano ano pang seduction techniques.

Mula sa Backdoor moves, Ninja moves, Abangers moves, Barney Stinson moves, Mr. Suave moves, Mr. Pogi moves, Batang Breezy Moves, 1k@W lHuN6zZ zH4pH4T nUh moves, Ungas moves, Jerk moves, Gentleman moves, Nice Guy Moves at Awesome Moves.

Pati Moves like Jagger at Love Moves in Mysterious ways ay dinamdam nyang mabuti, habang ninanamnam ang kanyang Hot Cobra Americano. (Patent Pending)

Matapos ang ilang oras ng paglalakbay sa magulo, makulay at makatotohanang singit singit ng World Wide Web, pagtungga sa kumukulong inumin nya at kasabay ng pagtibok ng kanyang puso kasing bilis ng makina ng Ferrari; ay natagpuan nya na ang Holy Grail ng kanyang pag-aaral. Nakabasa sya ng isang quote na magbabago sa kanyang pananaw at pilosopiya sa pakikihalubilo sa mga kababaihan.

"Ang manok na nakatali ay madaling mahuli"

Isang napaka-surreal na statement. Subtle yet so complex. Simple pero rock. So packing deep. Deep as the deep blue sea.

Isang henyo lang ang makakaisip ng linyang ganito katalinghaga. Mapapaiyak lahat ng poets at prolific writers; naiinis at nagmumukmok kung bakit hindi sila ang nakaisip nito. Walang sinabi ang Theory of Relativity ni Albert Einstein at Theory of Natural Selection ni Charles Darwin. Kinabog pati ang Summa Theologica ni St. Thomas Aquinas. Ultimo mga historical quotes ni Anonymous ay walang binatbat sa mga katagang napag-alaman ng bida.

Akala mo'y bumaba sa langit ang mga Seraphim, bumalik mula sa Nirvana ang Buddha at bumangon sa hukay ang mga pinakamagagaling na pilosopo upang italaga lamang sa nakaisip ng katagang ito ang isang transcendental na linyang ito. Mind Blown Level 99.

Lumipas ang buong gabi ng wala kahit bahagyang pahinga. Naghanda na syang isagawa ang kanyang mission, Oplan Sulutero.

*********

Kinabukasan, Sabado ng Umaga

Dumiretso na syang muli sa bahay ng mga Villegas. Nakatodo porma, papogi at pabango, nasa kanyang isipan ang mantra ng isang sulutero. Paulit ulit lamang na kumukuliling sa kanyang diwa ang mind blowing quote na kanyang natutunan. Alas Otso pa lamang ay manggagambala na sya, bitbit ang isang plastic bag ng grocery supplies sa kanang kamay at kanyang cellphone sa kanan. Tinawagan na nya si Juniper habang aligagang nakatanga sa labas ng bahay nito.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon